***Check media to see JD's perfect image***Shontelles POV
"Shello! Watch out!!!"
Napahumindig ako sa nakita ng aking mga mata. Ang bilis ng pangyayari, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan.
"Sheeeeeellllllooooooo!!!!!!!!"
Walang ibang marinig sa lugar na iyon kung ‘di ang matinis kong sigaw. Malalim na ang gabi at madilim sa kinaroroonan namin pero kitang-kita ko kung paano tumilapon ang katawan ni Shello sa malayo.
Ilang sandali akong nakatulala,nung mahimasmasan na ay tumakbo ako ng mabilis para lapitan sya. Kitang-kita ko ang maraming dugo na mabilis na umaagos mula sa kanyang noo.Hinang-hina na ang kanyang mga mata at parang pipikit na sa sobrang pagod at tila… Tila nahihirapan ng humihinga...
"No!!!!! No!!!!!"
Napa luhod ako sa katabi ng katawan nya, hindi ko mapigilan ang sarili na mapahagulhol habang nakikita ko ang ka awa-awang sinapit nya!
"Please hold on, I can hear the sound of an ambulance. Please..."
Naramdaman ko ang dahan-dahan nyang pag-abot sa kamay ko. Nanginginig ako sa sobrang takot, alam kong malubha ang kalagayan nya.
"Sh-shin,,,, I-im ssss-so-sor-ry."
"Please don't talk, mas mahihirapan ka lang… Please,lumaban ka."
Naririnig ko na ang mga kotse na huminto sa kinaroroonan namin.
"Bilisan nyo, tulungan nyo kami.Maawa po ka-"
Natigilan ako sa pagsasalita nang maramdaman kong lumuwag ang pagkaka hawak nya sa kamay ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, sa sobrang bilis naninikip ang aking dibdib at nahihirapan akong huminga.
BINABASA MO ANG
Love Me
RomanceHave you experienced being a fan to someone who is popular? Having a crush on him and as days passes by you didn't know your falling for him? Meet Shontelle Imari Nia Forbes, a girl who has everything except her long time crush; Justin Drake Ponce...