CHAPTER 1
INLOVE
Friday evening December 16, 2011.
"Louise ! Tara na male-late tayo sa mass, gusto ko sa harap tayo para di nakakaantok" pagmamadali kong sabi.
"Wait lang ate Lily!! Pang ilang araw na ba natin to?" Aniya habang nagaayos na ng kanyang sapatos
"Ako pangalawa , ikaw una palang" pang-aasar ko sakanya.
"Anticipated mass na 'ko magsisimba kasi di ko kayang sabayan sila mama gumising ng maaga para sa Misa de gallo. NAKAKAANTOK!" paliwanag niya habang humihikab hikab.
"TRUE" sabay tawa naming dalawa
"Hoy! Anong oras pa ba kayo pupunta mawawalan kayo ng upuan dapat 20 minutes before mag mass andun na kayo." Sabi ni tita Tessa. Mama ng pinsan kong si Louie. Asawa ni Tito Aro na kapatid ni daddy.
"Sige na mama alis na kami." Ani ni Louise at hinalikan na ang kanyang mama matapos netong magpabango sa kanyang kwarto
"Sige po tita, hatid ko na lang po si Louise dito pag uwi." segunda ko.
"Sige, Ingat kayo, saloob ng simbahan ha! Hindi yung tatambay sa labas" Pagpapaalam ni Tita na siya namang simangot nito.
"Opo" natutuwang sagot namin at agad ng lumabas sa kanilang double doors kung saan ang buong pamilya namin sa side ng papa ko ang siyang nakatira dito, maliban lang saamin dahil ayaw ni daddy.
"Girl! Anong oras na? Buti nakapunta tayo ng maaga." Pagtatanong ko ng makarating na kami sa gate ng simbahan. Hindi naman kalayuan ang lugar dahil malapit lang ito, malapit kasi ang simbahan sa subdivsion namin, konting lakad lang pagkalabas ng subdivision ay matatanaw mo na kaagad ang maiilaw at iilang puno dito.
Mas maganda kasing maaga kami pumunta para sa harap kami, malapit sa malaking electricfan at sa altar, mas gusto ko din yun para may oras pa ko sa pagdadasal ng sarili kong panalangin. Sa katunayan nga mas nasisiyahan ako pumunta ng maaga dahil naririnig ko na yung mga kantang pampasko sa labas ng simbahan na naghihikayat sa mga magsisimba, samahan mo pa ng mga ilaw ng parol at naglalakihang mga christmas tree na puno ng magagarang disenyo.
"9:15 PM. Saan tayo uupo? Harapan tayo diba?" Aniya matapos tumingin sa sumisigaw na kulay gintong relo nito na nagpapakita ng karangyaan ng pamilya.
"Oo. Wait lang hahanap lang ako." Agad kong nilinga ang mga bakanteng upuan na nakikita ko sa may harapan.
"Ate ayun dun tayo malapit sa may altar." Sabay turo at hila niya sakin sa gitnang bahagi ng harapan ng simbahan na para bang madaling madali na.
Nang makaupo na kami tinignan ko yung orasan sa likod. May iilang minuto pa ang natitira bago magsimula ang misa. "May 10 minutes pa tayo , gusto mo bang umihi muna ? Dito lang muna ko sa puwesto na 'to." Pagtatanong ko at sabay luhod sa luhuran na kakabit ng upuan sa harap ko at nagsimula narin sa aking mga panalangin.
Ilang beses pa siyang luminga linga sa paligid bago nakapagsalita. "Wag na ate, nakawiwi naman na 'ko kanina. Ikaw? Baka gusto mo muna umihi." Aniya sabay luhod nadin.
Tinapos ko muna ang iilang dasal ko bago siya lingonin at mahinang sumagot. "Ah hindi na naka-ihi naman na din ako sa bahay." Paliwanag ko sabay tingin muli sa altar.
Ilang sandali lang din umupo na 'ko at tumingin tingin sa mga katabi ko ng may nakita akong isang lalake sa katapat na linya ng upuan namin.
Tinitigan ko siya na para bang inaantay kong lumingon siya ... Lumipas ang ilang segundo ... at... nanlaki ang mga mata ko ng lumingon siya sakin at nagtaas ng kilay, bigla akong napatingin sa harap.

BINABASA MO ANG
Take the Risk
Teen FictionFor HIM she is the risk that he will always take For HER he is the fear that he don't want to face. What if I fall? Oh darling what if you fly? STORY STARTED: March 8, 2016