CHAPTER 11
LAST CALL
Agad kong kinuha ang cellphone niya para marinig kung sino ang kausap at hindi naman niya ko pinigilan sa ginawa ko.
"HELLO?!" Kinausap ko ang taong kausap neto sa kabilang linya pero wala ng sumasagot, kahit pa ang number neto ay hindi ko makilala kung kanino.
Sino ba ang kausap mo Nathan? bakit napakamisteryoso mo? bakit hindi ko mabasa ang mga nasa isip mo?
"Bumababa ka na." Aniya sa malamig na tono.
Agad kong binuksan ang pinto ng kanyang kotse at hindi na lumingon pang muli sa kanya. Naramdaman ko ang mabilis na patakbo niya ng sasakyan matapos akong makababa.
Pumasok na ako sa loob ng bahay namin, pagkasarado ko ay naabutan ako ni Manang na tulala ng sa pagpasok.
Napatalon siya sa gulat ng makita ako. "Lily! Andiyan ka na pala, kumain ka na ba? Gusto mo ipaghain kita?...Malelate pa daw kasi ng uwi sila mommy mo." Ani manang na naabutan kong nag pupunas ng center table sa sala.
Umiling lang ako sakanya. "Sila kuya po ba umuwi na? san sila?" walang ganang tanong ko pagkahakbang sa hagdan bago pumanik.
"Nako, kanina tawag ng tawag sakin si Max, kung nakauwi ka na, sabi ko ay hindi pa, gusto mo tawagan ko siya bago ka pumanhik? Wala din kasi siyang sinabi kung nasaan siya."
Tumango na lang ako sa sinabi niya at pinigilan ang pagtawag niya kay kuya. "Pagod na po ko, pakisabi po pag-uwi nila na tulog na 'ko, ayaw ko na din pong magpaistorbo."
Naintindihan naman ni manang kaya't pumanik na din ako para pumasok sa kwarto ko. Naligo muna ako bago ko kinuha ang cellphone at nakita ang mga text galing kaila mommy at meron din galing kay Yhas. Binasa ko muna ang text ni mommy at nagreply, ganun din ang ginawa ko ng buksan ang message sakin ni Yhasmine ay agad ko din namang nireplyan ito.
Yhas:
Cheering squad try outs is tomorrow! Don't forget ah! Let's join Please :(
Me:
Sure, just call or text me what time.
Chineck ko ang oras sa cellphone ko. 7:58 pm na pala. Binuksan ko ang facebook ko at agad bumungad sakin ang mga pictures nila Yhasmine sa Xylo sa The Palace ngayon.
Nagcomment ako sa post niya at nakita ko din ang iilang post nila Michael.
"Saya! sana nakasama ako :(" agad kong niclick ang send button at pinatay ang phone ko pagtapos.
Nagbihis nako nang pantulog ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello? who's this?" Tanong ko ng hindi napansin ang caller ID ng tumatawag.
Tanging ingay lang ng electronic music at mga naghihiyawan na tao ang naririnig ko.
"Yhas! Shot tayo!" Narinig kong may tumawag sa pangalan ni Yhasmines sa kabilang linya.
Di ako nagkakamali si Yhasmine ang taong binabanggit sa kabilang linya dahil narinig ko ang hiyaw neto, kahit hindi ko siya narinig makipagusap alam kong siya ang tinutukoy ng tumawag dito.
"Sino to?" Ulit kong tanong. " Brayden is this you?" Unang pumasok na pangalan sa isip ko ay si Brayden pero alam kong hindi ito ang number niya pero ang marinig na pagtawag nito sa pangalan ni Yhas ang siyang naisip ko agad.
Hindi sumagot ang kausap ko sa kabilang linya,pero dinig ko parin ang ingay ng mga tao kasabay ng pagtugtog galing dito "Hello? Bray? New number mo b-" naputol ang usapan namin ng pinatay nito ang tawag.

BINABASA MO ANG
Take the Risk
Fiksi RemajaFor HIM she is the risk that he will always take For HER he is the fear that he don't want to face. What if I fall? Oh darling what if you fly? STORY STARTED: March 8, 2016