CHAPTER 9
GIRLFRIEND
Nagising ako na nakahiga sa kama ko, Sarado na ang mga ilaw sa loob neto at tanging ang lamp shade ko na lang ang nakikita kong nakabukas.
Agad kong tinignan ang oras sa cellphone ko at agad umayos ng upo.
It's already 8:27 pm, grabe kaya pala nagwawala na sa gutom ang tiyan ko.
Lumabas ako ng veranda para magpahangin bago bumaba, sa di kalayuan mula sa bahay namin may napansin akong isang itim na kotse na sa tingin ko ay isang sports car. Inaninag ko ang taong nasa loob ng sasakyang iyon na paniguradong siya ang may ari, ngunit di ko makita ang mukha nito, marahil dala na din ito ng kulay ng kanyang bintana kaya di ko siya makita o maaninag manlang.
Anyway, whoever may he or she is hindi ko siya kilala maging ang sasakyan niya ay hindi familiar saakin.
Ilang sandali pa bago ko maisipang bumalik sa loob at mag ayos ng sarili ko sa pagbaba, nakita kong bumukas ang pinto sa may driver seat ng kotse. Bago ko pa man makita ng tuluyan ang mukha nito ay agad na kong tinawag ng kapatid ko sa labas ng kwarto ko.
Sino naman kaya yun? Ibinaling ko saglit ang pintuan ko tapos ay binalik ule sa labas ang tingen ko.
Asan na yun? Di ko man lang nakita ang pagmumukha nun. Ano kayang meron? Bakit nandito siya? Hays, gulong gulo ang isip ko ngayong araw.
Itinali ko na ang buhok ko saka isinuot ang paborito kong panda na tsinelas. "Teka lang sino yan?" Sigaw ko sa malayo.
Mabilis at sunod sunod na katok ang narinig ko bago pa sila magsalita. "LILLIEN YOUR AWAKE! THANK GOD!" Narinig kong singhal niya.
"Teka nga! Sino ba yan?" Dali dali kong binuksan ang pintuan ng kuwarto ko at bumungad sakin ang nag aalalang mukha nila Eli at Kiko. "Oh! Ok lang ba kayo? Bat parang nakakita kayo ng multo?" Halos matawa na ko sa itsura nilang gulat na gulat at namimilog ang mga mata saakin.
Niyakap ako ni Kiko saglit at iniharap din muli sa kanya "ARE YOU OK?" halos may halong pangamba at takot ang tono ng pananalita niya na nagbigay ng kilabot sa buong katawan ko.
Akala ko nag bibiro lang sila. The room started to be dead silence from the grave and gained petrified look from my two brothers. "O-ok, h-hindi ako nananaginip kanina diba?" Nauutal utal na ko sa pagtatanong ng mapagtanto ko na gusto nilang malaman ang buong pangyayare kanina. "Where's Mommy?" Dugtong ko bago mag umpisa sa pagkukwento.
"They went out of town. Pero babalik din sila bukas. I think so." diretso ang sagot ni Eli saakin "Now can we know the whole story?." Mabilis niyang pagtatanong na para bang kating kati na siya malaman ang buong kuwento.
Lumabas kami ng bahay at pinaharurot na ni Franco ang kotse para mapag usapan ang nangyare kanina.
Yeah maybe it's good to talk inside the house but this story will be better to talk between the three of us. Walang makakarinig at makekealam, specially walang makakapagsumbong kung sakaling marinig ng mga maids sa bahay.
Oo at madadaldal sila dahil nakakahalubilo sila ni mama ng maayos at kung ituring namin ay parang pamilya na lalo na sa pinagkakatiwalaan namin na si Manang na madalas nagsusumbong sa kung anong nangyayare sa bahay habang wala kami.
Nagsimula akong huminga ng malalim bago magsalita "I didn't know who to believe but I seriously don't know who they are." Pag-uumpisa ko at sinimulan ng i-kuwento ang buong pangyayare sa kanila.
BINABASA MO ANG
Take the Risk
Teen FictionFor HIM she is the risk that he will always take For HER he is the fear that he don't want to face. What if I fall? Oh darling what if you fly? STORY STARTED: March 8, 2016