CHAPTER 3
GOD'S PLAN
"Maliligo na ko, Umalis ka na at wag mo na kong antayin isusumbong kita tandaan mo yan."
Nakita ko ang pag awang ng kanyang bibig matapos kong sabihin ang mga iyon, dahan dahan siyan lumapit saakin sabay hawak sa magkabila kong braso. "Baby girl, nagtatampo ka naman. Joke lang naman eh o sige na 'Kiko zip your effin mouth' " Para siyang bata na ewan ayaw niyang nag aaway kaming dalawa at ayoko din naman nun, pano pa kung si Eli sumama samin mas lalong gulo 'to. Minsan iniisip ko sana di nalang nila ko naging kapatid para payapa ang buhay nila pagdating sa kampihan at bangayan.
"CHE! WAG MO KO MA BABY BABY GIRL DIYAN DI NA KO BABY!" Sigaw ko sakanya at nagmadaling pumasok na sa loob ng banyo ng kwarto ko.
Ilang minuto din akong nagbabad ng tubig sa katawan tsaka ko lumabas ng banyo. Amoy na amoy paglabas ko ang bango ng cr ko dahil sa shower gel kong malakas kumapit ang amoy. Para bang naiwan sa loob yung mga particles na nagpapadagdag ng amoy.
Ilang sandali bago ko lumabas ng kwarto ay narinig kong may kumatok na sa pintuan ko hudyat na nagtatawag para umalis kami.
"Brayden wait lang." alam ko na kung sino ang kumakatok sa pintuan ko katok pa lang niya kabisado ko na.
"Galing mo namang manghula." Aniya sa malakas na boses at binuksan na nang kaonti ang pinto para masilip ako.
"Si kuya umalis na ba?" Malamig na tanong ko matapos makita ang mga mata niyang kumikislap.
"Oo umalis na kanina pa. Naamoy ko na yung shower gel mo at pabango sa labas tinatawag na ko para puntahan ka." Pambobola niya matapos sagutin ang tanong ko. "So shall we go mi lady" sabay lahad ng braso niya matapos buksan ng malaki ang pintuan ko.
Nakalabas na kami ng bahay at gaya ng inutos ni mama sinarado ko ng maigi ang pintuan at minabuting naka lock nga ang mga ito. Nakita ko na agad ang puting jeep renegade na pihadong sasakyan niya. Kita ko na agad na may tao sa loob ng sasakyan siya siguro ang driver nila. Hindi pa pinapayagan gumamit si Brayden ng sasakyan kung siya mismo ang magdadrive, dahil takot pa sila tito na magasgasan ito ng dahil lang sa disgrasya.
Simple lang ang suot ko blue spaghetti strap coordinates na pants at isang blazer kung sakaling lamigin ako sa loob ng sinehan. Samantalang si Brayden ay naka long sleeve nq color blue ombre, khaki shorts at top sider na bumabagay sa matching color naming dalawa ngayon.
"So saan tayo manunuod? Megamall? Trinoma? Ayala? O Robinson para malapit?" Natatawa niyang yaya.
"Uhm. Tara sa Mega na lang, duon tayo sa Directors Club." Sambit ko matapos ilagay sa ulo ko ang flat aviators ko bago pumasok ng kotse.
"Wow sosyal. I was kinda thinking na manuod na lang tayo sa Marketplace ng movies dun na tig bente pesos. Yung mga Horror" Aniya sabay tawa ng malakas dahil sa kalokohang sinabi niya.
Lumingon ako sakanya at binigyan ng isang masamang tinging "CHEAP MO NAMAN. Sagot ko na nga eh." Tikhim ko at inunahan na agad siyang pumasok.
"Uy joke lang 'to naman init agad ng ulo." Aniya sabay kamot sa ulo nito.
March 2012
"Ayoko mommy!" Giit kong sabi sakanya habang naghuhugas ng pinggan " Gusto ko po sa dati kong school andun yung mga kaklase ko sige na my , ayoko po talagang umalis wala akong kakilala duon" balak ni mama ilipat ako ng school this coming Senior Year ... Di ba nila alam na mahirap ang malayo sa mga taong napalapit na sayo?! Grabe nakakaiyak lang na parang paumpisa palang ng Senior High ko andami na agad nagbabago.

BINABASA MO ANG
Take the Risk
Teen FictionFor HIM she is the risk that he will always take For HER he is the fear that he don't want to face. What if I fall? Oh darling what if you fly? STORY STARTED: March 8, 2016