Chapter 12

4 1 0
                                    

CHAPTER 12

32ND FLOOR

"Kanina ka pa tulala diyan ah."

Ginagalaw ko lang ang ulam sa plato ko habang kinakausap ako ni Eli.

"Ok naman siya kanina, hindi ko alam bat biglang nagbago yung mood niya ngayon." Ngumuso si Yhas na kasama namin ngayon kumain.

Nasa may canteen kami ngayon at kahit linggo ay marami pading tao sa school, halos lahat sa mga ito ay mga players ng varsity ng school at ang iilan naman ay tumatambay lang.

"Hey, Lily! Punta kayo mamaya"

"San kayo?" Tanong ni kuya sa mga bagong dating na sila Keifer.

"Uy, Max! andiyan ka pala." Gulat nito ng mapansing nasaharapan ko si kuya, nakatalikod kasi siya sa mga kausap ko. "Birthday ko kasi mamaya, party lang sa bahay, punta kayo."

"Anong oras?" Ani Yhas ng matapos niya na ang kanyang pagkain.

"Pupunta ka Yhas?" Untag ni Eli

"Kung pupunta si Lily." Ngumuso pa ito at tila nagpapaawa saakin.

"Don't worry marami naman tayo, kasama din ang ilang seniors na kilala namin."Ngumiti si Kysler habang inaantay ang sagot samin.

"What do you think Cleo? Hindi naman kita pinaghihigpitan, but it's your choice." Humalukipkip si kuya saka sumandal ng tinignan niya ang mukha ko.

"Sige na please?" Pagmamakaawa ng dalawa.

"Nakakahiya, hindi ko kasi masyadong kilala yung mga pupunta duon."

"That's why we're inviting you para marami kang makilala. And besides, babantayan naman namin kayo dun."

"You can go Cleo, have life sometimes, mukha namang hindi sila nangangagat, if something happens I know who to break bones." Humagalpak sa tawa si Eli at nakipag high five sa mga kaibigan ni Keifer.

Do they know each other?

Nagtaas ako ng kilay sakanya ng mapansin ang pagiging close niya sa mga ito.

"Come on Cleo, they were my teammates" Lalong lumakas ang tawanan nila ng mapagtanto kung bakit ganun na lang ang pakikipag apiran niya sa mga ito.

"Eh bat wala ka sa practice?"

"Student Council Duties." Sambit niya sabay kindat.

Nakauwi kami sa bahay bandang alaskwatro, maaga ding natapos ang try out at nakapasok kami parehas ni Yhas.

Maganda din ang kinalabasan ng solo ko kaya inanyayahan pa nila 'kong sumayaw kasama ang iilang mga napili sa darating na opening game ng inter-school sa SFPS.

Si Natasha ay hindi na nakabalik ng school matapos nung try out kaninang umaga dahil may pinuntahan ito, maaga siyang sumalang sa second step kaya't hindi namin napanood ang kanyang solo dahil nakabreak na kami nun.

Inayos ko ang damit na susuotin ko para mamaya sa party nila Keifer at Kysler. Napaupo ako sa higaan at tinignan ang kalat ng mga damit.

"Wala akong mapili" naiirita kong sabi sa sarili ko at ginulo ang buhok ko sa pagiisip ng magandang susuotin.

"Lil sis, you ok there?" Rinig kong kumatok si Eli sa pinto ng marinig niya ang pagkabanas ko.

"Yeah."

"Oh ok, by the way nasa baba na si Yhasmine, papanikin ko ba siya o sa baba na lang?" Tanong niya mula sa labas

"Bababain ko na lang kuya."

Take the RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon