CHAPTER 10
HOME
Mabilis akong hinila palabas ni Nathan ng bookstore at marahang tumakbo para di kami makaagaw ng atensyon sa nakakasalubong namin. Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko, hawak niya ngayon ang palapulsuhan ko at dumiretso kami sa parking lot ng mall sa third floor bandang dulo.
"Wait here" Aniya at iniwan ako sa exit doors habang kumaripas siya ng takbo patungo sa isang pulang pick up na may tatak na Ford.
Tumango lang ako sakanya pero hindi ko alam kung dapat ba na sumunod ako sa inuutos niya. Mabibigat na hinga ang binibitawan ko ngayon habang pinapanuod ko siyang sumakay sa kanyang raptor na agad ding tumigil sa harap ko. Lumabas pa siya at hinila ako sa kabilang dulo ng kanyang sasakyan para isakay.
"T-teka... san mo ko dadalhin?" Tanong ko ng namalayang isasakay niya ko matapos niyang buksan ang pintuan ng passenger seat.
"Get In. We don't have much time." Aniya
"Ayoko." Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis sa ginawa niya, bakit niya 'ko inuutusan? san niya 'ko dadalhin?
"Don't make me carry you." Iritado na ang kanyang boses kaya't napatalon ako at agad ng sumakay.
"Sasakay ka din pala, thought you wanted to do it the hard way." She smirked as he slowly closes the door of his car.
I'm shocked and relieved at the same time. Alam ko ang ugali ni Tasha, she will hunt me down, kaya nga hindi na nasundan ang paglabas namin ni Brayden, because he always say that Tasha is always after me, kaya din nag lay low kaming magkasama. It doesn't mean anything to me kung lumalabas kami dati, but knowing some crazy bitch are after me, I'm really afraid kung anong kaya niyang gawin. Nakakatakot siya.
"How did you know her?" Tanong niya ng makalabas na kami ng building.
Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya o tatahimik na lang, I don't want him to question me even more.
"Brayden." Tipid na sagot ko.
"I know, but how?" Lumingon siya sakin ng tumigil siya sa tapat ng traffic light.
"Bakit ba?! Why do you care?" Naiinis na ko sakanya hindi ko alam kung bakit ba ko sumama sakanya.
"Easy woman, I'm just asking, you could answer me without being mad." Tumikhim siya at nag ayos ng tingin sa harap. "god." dagdag niya at alam kong nafrustrate ko siya dahil don.
Hindi ko alam pero laging kumukulo ang dugo ko sakanya. Dati naman gustong gusto ko siya, hinanap ko pa nga siya, maybe I was really infatuated in him kaya siguro napalitan ng galit ang pagkagusto ko sakanya.
"I'm sorry." Aniya at tamad na nakatingin sa harap ng sasakyan niya habang nasa bintana ang isang kamay nito at pinaglalaruan ang kanyang labi.
Nilingon ko siya at biglang nag init ang pisngi ko, napatitig ako sa labing pinaglalaruan niya ngayon. Shit. Paano napalitan ng kaba yung galit at inis ko sakanya kanina. Naalala ko ang mga labing sobrang lapit sa pagdampi sa labi ko kanina.
"Hey! You alright?!" Nag aalalang tanong niya ng mapansin na sobrang tagal ko na palang nakatitig sa mga labi niya.
"Gusto mo?" Sabay nguso niya sakin.
Namula ako lalo at nag iwas ng tingin sa kanya. I need to do something, nagwawala na masyado ang mga insekto sa tiyan ko. Pilit na umaangat hanggang dibdib ko ang mga ito.
"Nakita niya kaming magkasamang kumakain sa labas, dun ko siya unang nakilala." Binasag ko ang katahimikan na pumapalibot saming dalawa kanina pa.
BINABASA MO ANG
Take the Risk
Teen FictionFor HIM she is the risk that he will always take For HER he is the fear that he don't want to face. What if I fall? Oh darling what if you fly? STORY STARTED: March 8, 2016
