CHAPTER 8
SAFE
"The nomination for the class presidency is now open."
Matapos ang lunch break namin kanina, agad agad ng nagsipanikan ang mga kaklase namin, naiwan kami ni Yhas sa labas dahil huli na kaming pumasok.
"Sa tingin mo makakasali ka pa kaya diyan?" Tanong ni Yhas sa labas ng marinig namin ang boses sa loob ni Ms. Katapangan na siyang nag aasikaso dito.
Sa totoo lang sinadya kong mag pa late. Alam kong may plano na ang mga 'to na iboto ako pero hindi parin ganun kabuo ang loob ko para gawin ito.
"Sus. Ok lang naman yun kahit hindi ako kasali. Diba nga Yhas. Ayoko sa ganyan." Giit ko habang umi-iscoop nang Ice cream sa cup na ngayon ay natutunaw na.
"Uy! Tignan mo binoto nila si Nicole." Natatarantang sabi ni Yhas ng sumilip siya loob gamit ang salamin ng pintuan sa likod kung saan kami nakapuwesto ngayon.
"Ah. Talaga." Tamad na sagot ko at sumandal sa pader para ubusin ang kinakain ko.
"Oh! Nasa board ang pangalan mo!" Sigaw niya sabay turo sa board na siyang naging dahilan kung bakit napatalon ako sa kinasasandalan ko.
"A-ano?"Gulat na tanong ko at nakita na dalawang pangalan lang ang nasa pisara ng klase.
"Hala nagbobotohan na sila! Kailangan kong bumoto." Nagmamadaling sabi nito kaya ginalaw niya ang door knob ng pinto ngunit naka lock ito.
Nagsiyukuan na sila at nag angat ng kamay para sa bilang ng kanilang boto.
Nakita ko ang lungkot ng kanyang mukha matapos makita sa pisara ang mga boto. "17 votes kay Nicole... 16 votes sayo." Nanghihinang sagot nito.
Agad akong nabuhayan ng loob sa sinabi niya. "Haha. Ok lang yan. Hayaan mo siya mastress." Tikhim ko. Nakahinga din ako ng malalim matapos, malamang si Nicole ang nanalo nakita ko ang ngiti sa mukha niya pero parang nakikipagtalo pa si Kysler sa loob.
Hinimas himas ni Yhas ang salamin ng pintuan nagbabakasakaling mapansin siya ng nasa harapan. "Te-teka! Hindi pa ko nakakaboto." Aniya at hinila ako sa unahang pintuan ng classroom at saka niya binuksan ang pinto.
Gugustuhin ko man siyang pigilan pero nangangalay na din ako kakatayo kaya hinayaan ko nalang siya sa kanyang gagawin. Tutal naman din ay hindi na kandidato para sa posisyong ito.
Agad naming nakuha ang atensyon ng lahat at maging ang gurong nasa harapin namin ngayon ay matalim kung tumingin saamin. "You're late." Puna ni Ms. Katapangan ng makapasok kami sa loob.
Nangapa pa ako ng ilang sasabihin pero agad nakong inunahan ng matalik kong kaibigan. "Pasensya po Ms. Katapangan, sumakit po kasi ang tiyan ko kanina. Nagpasama lang po ako kay Lily. Pasensya na po talaga." Pagsisinungaling nito at agad naman kaming pinaupo ni Ms. Katapangan matapos nitong marinig ang dahilan nito.
Tumikhim ang lalakeng kanina pa nakikipagdiskusyon sa aming guro. "As I was saying Ms., kulang pa po ng isang boto." Singit ni Kysler na kanina pa nakikipagtalo.
"Oh My Gad Kysler! Can't you see? Kahit na iretake natin ang botohan It will be either a tie or ako ang mananalo." Matamang tumingin si Nicole dito at inirapan matapos.
"Hindi pa po ako nakakaboto Ms. Katapangan." Pagtataas ng kamay ni Yhasmine. Saka tumayo.
"Teka! Kung hindi ka pa nakakaboto kulang pa din ng isa." Singit naman ni Michael. "Bale magiging tie ang boto ni Nicole at Lily, pero kulang pa din ng isa."
Kita sa mukha ni Nicole ang pagkairita at inis sa kung ano mang gustong iparating ni Kysler. "You guys are joking. Right? How come na kukulangin pa ng isa if she already admitted na di pa siya nakakaaboto."Sambit nito habang itinuturo ang babaeng tinutukoy niya na si Yhasmine. "Meaning to say that one missing vote ay galing sa kanya."Giit nito na tumayo na rin para makipagtalo at nagtaas ng isang kilay.

BINABASA MO ANG
Take the Risk
Teen FictionFor HIM she is the risk that he will always take For HER he is the fear that he don't want to face. What if I fall? Oh darling what if you fly? STORY STARTED: March 8, 2016