Prolouge

104 5 2
                                    

She's a dreamer a doer.

She sees possibilities everywhere...

She turns cants into cans,

And her dreams into plans.

She is brave. Brave enough to handle difficult situation

She believed she could so she did.

And so the adventure begins ... For her, to Take a Risk.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ... Bakit ikaw pa? Sa lahat ng puwedeng mawala sakin bakit ikaw pa?

...

April 2016

"Sagutin niyo ko! Asan na siya? Ipakita niyo siya sakin! Bat niyo ba siya tinatago?" Sigaw ng isang lalake na nagwawala sa loob ng isang pizza parlor.

"Bro. Umuwi na tayo. Walang taong makakasagot sa tanong mo! Please Bro umuwi na lang tayo " Yaya sakanya ng isa sa mga kaibigan niya. Matangkad at may pagkamoreno ang isang 'to at ang mga mata niya ay parang sing lalim ng gabi ngayon.

"Bullsh*t all I ever did is to love her! And now you're taking her away from me! " Matapos niyang maihilamos ang kamay niya sakanyang mukha ay agad din itong sumuntok sa pader kung saan siya nakasandal kanina.

"Ano ba pare! Wala namang naglayo sakanya! Matauhan ka naman sasapakin na kita! Nasasaktan na kami sa mga ginagawa mo! NATHAN!" Ramdam ang pagkayamot sa mukha niya habang kinakausap ang kaibigan. "Gumising ka tanggapin mo na lang na wala na siya! Wala na!" Gigil na sabi ng isa pa sa mga kaibigan niya at nilapitan ito para akmang susuntukin.

"Pre, hayaan mo muna siya " Pigil at kalmang sinabi ng isa pang lalake na kanina pang nanunuod sa grupo.

"Hayaan! Bakit? Ilang beses na ba natin siyang hinayaan? Ilang beses na ba natin siyang pinagbigyan! It's been what one? two" Tumigil siya at bakas ang tabang sa boses niya "TWO. LONG. FUCKING. YEARS! Wala na si Lily! Di na niya babalikan pa si Nathan! " Galit at iritadong sabi ng kaninang umambang suntukin siya ngunit imbes na suntukin siya ay kinuwelyuhan niya ito at matalim na tinignan ang mata.

"Keifer pare...Labas muna tayo hayaan muna natin silang tatlo mag pakalma kay Nathan " Pagyaya ng isang maputi at malaking katawan na may kakambal pa sa grupo, siya ang kanina pang umaawat sa isa na ayaw magpapigil dahil sa pagkakairita sa kaibigan nito.

"Bitawan mo ko Kysler! Ayoko na! aalis na ko sa tropang to! Puro sarili lang yung iniisip!" Pumiglas siya sa pagkakahawak ng kanyang kapatid na si Kysler at umalis na sa lugar habang nagmumura.

"Keifff! " Sigaw ng kapatid nito at agad kinuha ang telepono para tawagan ito ngunit binababa lang nito ang tawag.

"Sundan mo ngayon Marco! parang tanga!" sambit ng isa pang lalake na kanina ay nagpapatay malisya lang sa mga nangyayare.

"Ano ba kasing nangyare kay Lily?" Pagtatakang tanong ni Kysler na ngayon ay tumigil na sa kakatawag sa kapatid niya.

"Wag muna natin pag usapan yun pre" Sagot nito sa kaibigan

***

Tss! Ano bayan mahirap din pala yung mag isa ka lang grabe nakakainggit din pala yung mga may kasama...Kung sana'y hindi na lang ako tumuloy di sana ako mag isa ngayon dito sa music festival na'to hays nakakaiyak lang... Kung meron lang akong kasama maybe I have drink too much and partying so hard right now.

"CLEO!!!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Agad kong nilinga at hinanap ang pinanggalingan ng tawag sa pangalan ko "HI CLEO!"Natutuwang bati saakin ng isang babaeng naka highwaisted short at croptop na damit habang ang mga mahahabang buhok nito ay sumasayaw dahil sa pagkatakbo nila kanina patungo sakin.

Take the RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon