CHAPTER 7
PANO KUNG AYOKO?
"We are going to have our class officer this day kaya you should better know each and every one bago tayo magsimula. After lunch were going to meet again and you should vote for your officer who is dedicated to their work and can fulfill his or her duty as promised." Bungad ni Ms. Katapangan level head teacher in our batch. "So without further do, your remaining hours will be all about knowing each other." Dagdag niya sabay ayos sa salaming suot suot niya.
Ms. Katapangan is just like Kiko's age, fresh grad palang ata siya yet kaya niya ng makuha ang atensyon ng lahat at nagagawang pasunurin ang mga ito. She is a perfect example for the youth today. Maganda, mabait, matalino, perfect body at higit sa lahat mapagkumbaba. Sobrang perfect niya na kahit anong kapintasan ang puwede mong sabihin sa iba ay wala kang masasabi sakanya.
"Grabe ang hot talaga niya." Singit ni Kim na pinagpapantasiyahan na ngayon ang guro naming nakasuot ng fit teacher's attire.
"Ang ganda niya para siyang anghel hulog ng langit." Segunda ni Ethan na isa din pagdating sa ganyan.
Halos tatlong araw palang ang lumilipas at mabilis ko agad nakikilala ang mga 'to. Hindi ko sila madalas nakakasama dahil naiilang akong sumama sa kanila lalo na at kasama si Nathan. This past few days nagiging weird ang mga tingin niya sakin. Parang nauulit lang muli ang mga nangyayare nung mga araw na kinikilig ako sa mga titig niya sa simbahan. But this time his looks are not for me to fall, parang may ibang gustong iparating ang mga titig niya saakin.
"Hey Sydnie what do you think if ikaw ang magiging Class President namin isn't that perfect? Bagay na bagay ka for that title. Nakikita ko na ang pangalan mo na nakalagay sa board mamaya." Tuwang tuwang sabi ni Yhas sakin habang nag iisip siya kung sino sino ang kanyang iboboto. "President Lilliene Cleo Marquez." Ikinumpas niya ang kamay niya sa hangin habang binabanggit ang mga ito sabay tawa sa huli.
Agad akong umiling sakanya hudyat na ayaw kong sumali sa nais niyang imungkahi. "Huh? Haha ayoko Yhas I never dreamed to be like that, tsaka ayoko ng maraming aasikasuhin, ayoko ng maraming gagawin. You can give me all the positons wag lang yan." Natatawang sabi ko habang inaayos ko ang takas na buhok ko habang nagtatali.
Tumigil siya para mag-isip ukol sa suhestiyon ko pero mukhang hindi ko na mababago ang nasa isip niya. "Ano ka ba be! Hindi naman mahirap yung gagawin mo, mas mahirap pa nga ang maging secretary kesa maging president e." Sambit niya ng hampasin niya ko sa braso ko.
Si Yhasmine ang maituturing kong Bestfriend dito bukod kay Brayden na madalas ko ding nakakausap, siya din minsan ang nasasandalan ko sa mga problema at napagsasabihan ko ng mga sikreto.
"Eh si Brayden? Mukhang bagay sa kanya ang maging isang Presidente. Ang cool niya kaya at ang guwapo pa" Singit naman ng kakarating lang galing sa ibang grupo na si Alyssa.
Si Alyssa ay isa mga bagong kaibigan na nakilala ko, siya din ang tumulong sakin para malinis ang pangalan ko sa nangyare nung unang araw ng pasukan. Umamin siya na inutusan siya ng isa sa mga kaibigan ni Nicole na maglagay ng tubig at itlog sa balde pero hindi niya alam na para saakin yun, ang alam lang niya katuwaan lang ito sa grupo nilang mga cheerleader.
"Anyway may try out kami para sa bagong cheerleader baka gusto niyong sumali?" Aniya at inabot saamin ang flyers na pinamimigay niya kanina pa.
Nagulat ako sa inaalok niyang position, mas gusto ko ang isang 'to kesa sa nais na gawin saakin ni Yhasmine. "Seryoso? Talagang tumatanggap kayo?" tanong ko. Gustong gusto kong maging cheerleader simula bata pa ko natutuwa kasi ako sa mga napapanuod ko sa TV ang kaso hindi ako pinapayagan ni papa, ayaw niya daw yun ang gusto niya ay mag aral ako ng arts and ballet na siya rin namang kinahiligan ko, kaya nga architecture ang gusto kong kuning kurso dahil sobrang lapit sa kagustuhan ko yon.
BINABASA MO ANG
Take the Risk
Novela JuvenilFor HIM she is the risk that he will always take For HER he is the fear that he don't want to face. What if I fall? Oh darling what if you fly? STORY STARTED: March 8, 2016
