CHAPTER 6
UNLUCKY MONDAY
"IKAW?!" Sabay na bigkas namin sa gulat na tono.
"Saan niyo naman pinulot 'tong babaeng 'to? Sa bar? Sa nightclub? O diyan lang? Mukhang fresh in the sea pa 'to ah" Aniya sabay tawa na para bang nakakatuwa ang mga sinabi niya.
Aba sira ulo pala 'to eh, anong akala niya sakin whore? Bitch? Slut? Grabe! Ibang iba siya sa 'Madasalin Guy' na nakita ko sa simbahan.
"Gago! Siya si Lily." Pakilala ni Marco. "Let me be formal to you. Nathan, this is Lilliene Cleo Marquez. New student. From Celestine Academy."
Bumusangot ang kanyang mukha ng tignan muli ako. "Ah! Ikaw pala yung bumangga sakin kanina ng hindi man lang nag so-sorry." Sambit niya sabay halukipkip sa suot niyang jacket. "You're a Marquez so your brother is Elliot? Max Elliot Marquez?" Tanong niya ng nakatingin sakin ng diretso at parang inuusisa ang mukha ko.
Taas noo ko siyang sinagot dahil alam ko matatakot siya sa kuya ko. "Yes he is my brother." Tipid kong sagot at umiwas din bigla sa tingin niyang mapanuri. "Guys! Thank you for accompanying me but I guess I can't stand hanging out with you while there's an asshole beside me whose soon will look so furious dahil lang hindi ako nagsorry sa katangahang siya din naman ang may kasalanan." Gigil na sabi ko. Dati kilig na kilig ako sakanya pero ngayong mas nakilala ko na siya sa labas ng simbahan. Grabe, kulong kulo na ang dugo ko.
"Ooohh" Sabay sabay na sabi ng mga kabarkada niya.
Iilang tawa ang umalingawngaw bago magsalita ang isa sa kanila. "Thats a first Nate!" Asar ni Ethan na tahimik kanina pa.
Hindi maipinta ang mukha niya na ngayon ay tumingin dito. "Shut up Ethan." Matama niyang tinignan ang isa sabay tingin muli sakin.
"Alam mo gwapo ka sana but I guess I was wrong. I pictured out a wrong person in my mind knowing it was you." Mariin kong sabi at humakbang na papaalis, pero bago yun napatigil ako"Kaklase ba kita? I hope not... kasi ayokong magtiis ng isang buong taon para lang makasama ka." Tumigil ako at tinignan muli siya na nakatingin pa din sakin.
Laglag panga ko siyang iniwan gayun din ang mga kaibigan niya na nakilala ko habang kinakantyawan siya ng mga 'to.
Alam kong lagot na ko dito kanina pa lalo na nung sinabi niyang 'I'm Dead' pag nagkita paulit kami. Lumingon pa ko ulet bago umalis pero nagulat ako ng nagsalita pa siya "I'll make your life miserable." Tikhim niya tsaka nagbigay ng isang ngiting may kahulugan.
Shit.
It's almost 9:50 and I'm waiting for Elliot to come over the canteen. Hanggang ten lang ang break time namin and right now my stomach starts to growl.
"Hi!" Bati ng isang mestisang babae sakin. "I'm Yhasmine. Yhasmine Lodz . May katabi ka ba or inaantay? Can I join you?" Tanong niya ng nginitian niya ko habang hawak ang tray ng pagkain niya.
"Uh. Yeah sure. I'm Lilliene Marquez." Tipid kong sagot at nagbigay din ng ngiti, medyo pagod ako kaya wala kong time makipag kuwentuhan masyado.
"So transferee ka din dito?" Tanong niya habang inaayos ang pagkain niya sa lamesa.
Tumango ako sakanya habang tinitignan ang paglapag niya ng pagkain sa tapat ko!"Yep, ikaw?" Pagtatanong ko pabalik.
"Oo transeferee lang din ako, galing ako ng Eulogio Integrated School. Ikaw? Saan ka galing?" Aniya at umupo na sa harap ko.
Nginitian ko lang siya at matipid na sumagot. "I'm from CA."
Nagulat ang kanyang mukha ng malaman niya kung saan ako galing na eskwelahan. "Omg! CA? As in Celestine Academy? So rich!" She said with the tone of excitement and amaze.

BINABASA MO ANG
Take the Risk
Teen FictionFor HIM she is the risk that he will always take For HER he is the fear that he don't want to face. What if I fall? Oh darling what if you fly? STORY STARTED: March 8, 2016