Sa isang malayog na kabundukan. May kahindik-hindik na bangin na kahit ni tinggnan mo ay hindi mo kaya.
Bali-balita na ang lugar na iyon ay isang sumpa, at ang kung sino man ang mahulog sa mataas na bangin'g iyon...
ay hindi nabubuhay, dahil sa sobrang taas nito.
Tiyak na kamatayan ang ibinibigay.
Subalit, kahit alam na ng mga tao ito ay di parin nila mapigilang sumilip sa ilalim.
Ang sabi sabi'y napakaganda ng baba ng bangin. Isang napakagandang gubat na may matatayog na puno at isang ilog na napaka linaw,
tinatawag raw iyong Enchanted River.
Bali-balita ding may nakatira doon na mga diwatang may mga majika,
nagpapakita daw ang mga ito tuwing pag sapit ng bilog na buwan ayon sa mga nakakatanda ngunit wala pang nakakapagpatunay niyon.
Sa ipinagbabawal na lugar.. ang bangin, ay may apat na bata.
Ang dalawang batang lalaki ay hinawakan ang magkabilaang mga braso ng isang balinkinitang batang lalaki. Samantalang ang ikaapat na bata naman ay nasa dulo ng bangin.
"Ano Jin tatalon ka o sasaktan ko ang kasamahan mong anak ng noble?!" Ani ng nasa kanan na bata at nagsimula itong tutukan ng isang matulis na swiss knife na nakuha lang nito sa bulsa ng tatay, itinutok ito sa leeg ng batang nag ngangalang si Nahle ang balingkinitang bata.
Sa unang tingin hindi aakalain ng unang makakakita sa kanila na may nagaganap na ganito mukha lang itong mga naglalaro ngunit hindi, nasa bingit ng kamatayan ang isa sa kanila.
Ang bata namang nasa dulo ng bangin.. si Jin ay tumingin sa kasamahan nyang may nababahid na ring takot dahil sa banta. Pero mas natatakot syang tumalon sa bangin. Ang mamatay ng maaga ay nakakatakot.
Ang bangin na walang binubuhay pag may nahuhulog o di kaya'y tumatalon roon.
"Ano!? Di ka parin nakakapag desisyon?!" Angil ng batang nasa kaliwa.
Mayabang itong tumawa bago mas inilapit ang maliit na kutsilyo. "Wag mong sabihin.. naniniwala ka sa mga sabi sabi ng mamatatanda?! Meron namang ilog na sasalo sayo! O baka naman talagang duwag ka!" Hinigpitan nito ang hawak kay Nahle. Kita na ang pag uudyok at kawalan ng pasensya rito.
Agad na naalarma ang bata. "O-oo n-na.. oo na! pakiusap wag nyo syang sasaktan. Tatalon ako ngunit gusto ko ipangako nyo na papakawalan nyo ang kaibigan ko." Sabi nito. Hindi ito makakapayag na mapahamak ang kaibigan, bukod dun ay mas pipiliin nyang kitilin ang kanyang buhay kaysa malagot ito sa ama neto na isang Mayamang noble.
"Hindi!" Anggil na sigaw ni Nahle at agad nag pumiglas ito.
"Sige ba. Sige tumalon ka na!!!" Nakikita na ang malademonyong ngisi ng may hawak na kutsilyo
"Hindi! Wag ka tumalon Jin!"
"Pasensya na lei. Mas mabuting ako nalang ang masaktan kaysa sayo." Tumalikod ito sa kaibigan at humarap sa bangin.
"Ang drama nyo! Tumalon ka na kasi!"
"Tignan natin tapang mo.." bulong ng bata may hawak ng kutsilyo na narinig naman ng kasamahan nasa kaliwang braso ni Nahle
"Hindi! Wag ka tumalon Jin! Please waaagg!" Matagal itong nakatayo at hindi makapag desisyon kung kailan ito tatalon
Ngunit huli na dahil itunulak na ito ng isa pang bata.
"Ang tagal!" Ani pa nito.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH
"JINN!"
BINABASA MO ANG
The Devi's Daughter (On-hold)
ФэнтезиMargarett Celendrine Faulice or known as Mace is not as prim as how everybody describe the Devi. She is a trouble maker and has set her own rules. A true Devi that symbolizes fierce, dark and powerful before.... When everybody on her race became ju...