Di mo naman na gustong hulaan kung asan ako ngayon?
Nasa library ako. Doing my own research.
Sabi saakin ng isang Flairy na librarian ay nagsisimula na daw ang klase.
Kaya malaya akong nakapasok dito habang naglilibot ng tingin sa mga nagtataasang bookshelves. Maayos ang pagkakasalansan ng mga libro at sa sobrang taas ay may magic ladder na gumagalaw kahit wala namang gumagalaw.
"Cool." Mahina kung ani habang napanguso ng tingalain ko ang taas. May second floor at bago makapunta doon ay dadaan ka sa isang grand staircase.
Naglibot libot muna ako sa mga arc para maghanap ng history dito sa school. At sa kakalibot ko umaabot na ako sa dulong shelves at dun ko nga nakita ang history arc. Medyo malaki ang library na to kaya mahirap hanapin ang mga arc.
Agad akong lumapit sa shelves at pinasadahan ang mga libro. Habang naghahanap ako ay may nakita akong isang libro.
'Flairrous: The History of Classification.'
Agad kung hinila iyon at binuksan para mabasa. Dahil nakatutok na ako sa pag babasa ay napaupo nalang ako sa carpeted na sahig. My curiosity is freaking out
"SA MUNDO ng mga kakaibang tao. Hindi lang tao munit kakaibang rasismo ng mga immortal na kung tawagin ay Flairrous.
Ang Flairrous ay binubuo ng Tatlong kaharian at tatlong iba't-ibang klasipikasyon ng mga immortal.
Ang Aiero, Flairy, at ng mga Devi.
Noong unang panahon nabuo ang Flairrous dahil sa tatlo na pagkakakilanlan nito.
Ang mga Aiero o mas kilala bilang Elites o mga isang makapangyarihang tao. Sila ay may mga angking lakas na galing sa white magic. At may limang elemento, Ang apoy, tubig, lupa, hangin, at isang power sorcerer, sila ang mga tinaguriang pinakamataas sa dalawa.
Ibat-iba man ang gamit nila subalit kapag silay mag kasama ay di ito mabubuwag ang lakas ng bawat isa.
Ang mga Aiero ay may natural na white magic. Silay pinamunuan noon ni Queen Era at ng Haring si King Leandro. Ang Reyna ay isang Diwata na kaya ang magmagmanipula kahit anong kapangyarihan. At ang Hari naman ay isang malakas na mandirigma at may abilidad itong lakas na pinagkaloob ng isang Enchantress."
Napatigil ako sa pagbabasa. Enchantress.
"Ang mga Flairy. Sila ay ang mga witches and wizard na may kakayahan pagdating sa ibat ibang spells. Kaya ng nga Flairy na mag gamot ng isang sakit. Sila ay nakatira sa isang gubat na tinatawag na Malantas. Pero dahil sa digmaan ay napilit silang umalis habang naiiwan naman ang mg Gibbiano."
Tama nga ang sabi ng mga Gibbiano. Sila ay bahagi ng mga Flairy. Pero bakit nagkaroon ng gulo 10 years ago?
Dahil ba to dun? Kasama ba ang mga Flairy kung kaya't napahamak ang mga Gibbeous? Di ko alam pero nakakaramdam ako ng hinanakit.
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa. "Munit agad din itong nasira dahil sa sabay na digmaan noon ng mga Aiero. Walang nakakaalam kung ano ang nangyari sa mga Gibbeous at naging mga mababangis silang mga puno.
Ang mga Flairy ay mga binansagan din mga mangagamot. Sila ay may malaking ambag noon sa bayan ng Aiero."
Pero bakit di nila niligtas ang mga Gibbeous. Kung ganon ang naging ambag nila bakit nila hinayaan at iniwan ang mga mamayang iyon.
Nilaktawan ko ang ang pagbabasa at pumunta agad sa mga Devi.
"Ang mga Devi. Sila ay mga makapangyaring mga mandirigma, hunters, at mga huntress. Noon sila ay ang pinakamalakas na mga tao. Nahahati sa dalawa ang Devi. Ang Dark Devi's at Ang White Devi's. Nahati ang Devi's dahil sa kasamaan ng naging unang pinuno na si King Daion. Gusto nitong kunin at angkinin ang buong Flairrous at pairalin ang kasamaan at kanyang kasakiman sa kapangyarin. Munit ang nag iisa nitong anak na si Prinsipe Devio ay ang nagpabago sa lahat.
BINABASA MO ANG
The Devi's Daughter (On-hold)
FantasyMargarett Celendrine Faulice or known as Mace is not as prim as how everybody describe the Devi. She is a trouble maker and has set her own rules. A true Devi that symbolizes fierce, dark and powerful before.... When everybody on her race became ju...