Chapter 1

97 10 2
                                    

TASHA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


TASHA'S POV

Simula pagka bata mag bestfriend na kami ni Tristan, close kami sa isa't isa parang magkapatid na ang turingan naming dalawa. Di ko inakala na magkakagusto pala ako sa kanya.

Siya yung tipo ng lalaki na magugustuhan mo kasi gentleman siya, maalaga, mabait, sweet at parati niya akong ipinagtatangol sa umaaway sakin nung mga bata pakami. Parang na sa kanya na ang lahat. Kaya nga mahal ko yun eh.

Syempre tinatago ko lang ang nararamdaman ko para sa kanya dahil takot ako baka lumayo siya sakin at maging balewala na lang ang aming pinagsamahan kung sasabihin ko sa kanya na mahal ko siya.

Isang araw may ipinakilala siya saking babae. Si Reina, maganda si Reina, mabait, matalino at tsaka siya yung tipo ni Tristan sa isang babae.

Eh ako bestfriend lang naman ako diba? Hanggang dun na lang yun siguro. Sabi ni Tristan may balak daw siyang ligawan si Reina. Bigla naman akong nalungkot at nadismaya dahil sa sinabi niya para akong iiyak kaya umalis na ako.

Tumakbo ako hanggang nakarating ako sa rooftop ng aming paaralan, dun ako umiyak di ko namalayan sinundan pala ako ni Tristan.

"Tasha ano bang ginagawa mo dito ba't ka umiiyak anong nangyari sayo!?" tadtad na tanong niya sakin.

"Wala lang to Tristan umalis ka na lang masama lang ang pakiramdam ko" pagsisinungaling ko naman sa kanya.

"Alam kong nagsisinungaling ka Tasha sabihin mo nga ang totoo!" nagaalalang sabi niya.

Natahimik ako.

"Kilala kita alam kong may problema ka" dagdag niyang sabi.

Siguro ito na ang tamang panahon na sabihin ko sa kanya ang totoo.

Kahit alam ko na wala ng pag-asa, kahit di niya ako magawang mahalin na mas higit pa sa kaibigan tatangapin ko, kahit masakit.

"Tristan mahal kita" nakayuko kong sabi.

"Anong pinagsasabi mo Tasha!? diba magkaibigan tayo!?" nagtataka niyang tanong.

"Oo. Pero mahal kita eh ginawa ko namang pigilan ang nararamdam ko pero wala akong magawa dahil kusang tumitibok ang puso ko pag nagkikita kita. Naalala mo ba noon ba't kita iniiwasan? Dahil gulong-gulo ako nun. Di ko alam kung ano ka talaga para sakin kung kaibigan lang ba talaga kita o mahal na kita. Pero sa pag iwas ko na yun dun ko na realize na mahal na pala kita, di ko kayang di ka maka usap, di ko kayang na di ka makita. Pero malinaw naman sakin eh na hanggang kaibigan mo lang ako na si Reina ang gusto mo. Kahit masakit tatangapin ko. I'm sorry kasi minahal kita, nagpapaka tanga ako dahil sayo." umiiyak kong sabi sa kanya.

"Tasha I'm sorry kasi ang gago ko di ko man lang napansin ang lahat ng efforts mo sakin at sorry din kasi di ko masusuklian ang pagmamahal mo sakin dahil parang kapatid kasi ang turing ko sayo. Alam kong mahahanap mo rin sa huli ang taong kayang suklian ang pagmamahal mo yung di ka sasaktan at iiwan. Yung di ka papaiyakin, yung ma aapreciate lahat ng efforts mo."

"Ang manhid manhid mo kasi eh. Haha. Sabi nga nang iba eh, When your falling apart inside and you let it go. You move on, because there's nothing else you can do" sabi ko sa kanya.

"Nga pala napagdesisyonan ko na sasama ako ky mama sa Paris, dun ko na lang ipagpapatuloy ang pag-aaral ko para mas mabilis akong maka move on. Balang araw makakalimutan ko rin na minahal kita Tristan. Mawawala rin ang sakit dito sa puso ko." dagdag kong sabi sa kanya. Nakayuko lang siya alam kong masakit rin para sa kanya to.

"Kahit ayokong umalis ka pero di na yata kita mapipigilan, yan na kasi ang desisyon mo tsaka wala naman akong karapatan dahil wala naman akong ginawa kundi saktan yung damdamin mo. Napamahal ka na rin sakin Tasha sana balang araw di mo ako makalimutan at sana sa huli magkaibigan pa rin tayo"

"Syempre naman ikaw lang kaya yung nag iisa kong pinaka gwapong besfriend eh. HAHAHAHAHAHA" biro kong sabi sa kanya.

"So Tristan I guess this is goodbye for now? I'll be back soon, babalik ako para sayo bespren."

Bigla akong niyakap ni Tristan.

"Goodbye Tash. I will miss you"

One Sided Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon