Chapter 13

21 0 0
                                    


TASHA'S POV


Hmm matawagan nga si Maxine, ano kaya ang ginagawa nun? 


Calling Maxine Baboy...


*ring* *ring* *ring*


Bakit hindi niya kaya sinagot? Busy kaya yun? Manood na lang kaya ako ng tv.


Umupo na ako sa sofa at pinaandar na yung tv. 


Aba kamalas-malasan nga naman si Reina pa talaga ang makikita ko sa TV at confirmed may iba na nga siya, infairness sikat pala ang bruha, MOWDEL tsk tsk.


Habang pinapanood ko yung interview nila di ko mapigilan ang mainis sa kanya ba't nagawa niya to ky Tristan kung tutuusin mahal na mahal siya ni Tristan higit pa sa buhay nito. Na sana ako na lang noon, sus tama na move na aketch. Hehe juk may katangahan pa pala akong gagawin. LUL.


Nang nakaramdam na ako ng antok agad ko ng pinatay yung TV tsaka humiga sa aking kama dahil bukas maaga pa kaming aalis babalik na kami ng Manila kasi may mga kanya-kanyang trabaho pa sila, eh ako naman tunganga lang dun sa condo. 




Kinabukasan...


Maaga akong nagising kaya kinatok ko na sila sa kabilang kwarto, gising na din pala sila kaya sabay-sabay na kaming pumunta sa baba para kumain. Nakahanda na pala yung kakainin namin dahil pina-reserve na ito ni Sab kagabi pa lang.


Mamayang 10 o'clock pa yung flight namin. Right now it is already 6:30 in the morning, habang kumakain kami ay biglang nag open ng topic si Denise.


"Uhmm guys ano pala ang plano niyo mamaya? After kaya natin kumain gala-gala muna ulit tayo, bili tayo ng mga pasalubong at souvenirs" saad ni Denise.


"Ok pwede naman mamimili rin ako eh" pagsasang-ayon ko.


"Sige bilisan na natin baka kulangin tayo sa oras" sabi ni Sab.


"Kulangin sa oras!? Parati lang naman siyang kulang eh, ang oras at atensyon niya sakin" sabi ni Sofia habang damang-dama niya ang kanyang sinasabi.


"Nubayan ang agang-aga ang drama mo, ikain mo lang yan" saad ko. 


"Hehehe juk lng wala nga pala akong lablyp" sabi ni Sofia sabay peace sign.


Nang matapos na kami kumakain naglibot-libot na kami para makabili ng mga souvenirs. Ano kaya ang magandang ibigay ky Maxine? Bracelet? Anklet? Keychain? 

Yung bracelet na nga lang. Kaya kinuha ko na at binayaran limang bracelet at sampung keychain yung binili ko. Binilhan ko na rin si kuya ng anklet bigay ko sa kanya pag-nagkita kami ulit. 

Kaya pumunta na ako sa gawi nila, nakita ko si Sab na aligaga sa pagpili ng mga damit na bibilihin at ito namang si Sofia ay litong-lito ky Sab para silang mga timang. Hayss.


Nung matapos na kaming makapamali agad na kaming bumalik sa hotel para makapag-emapake dahil dalawang oras na lang natira bago mag alas diyes. Baka mahuli pa kami sa flight namin.


Nauna na ako sa kwarto ko, nilapag ko muna yung mga pinamili ko at inayos na yung mga gamit ko at nagbihis na rin ako at tsaka tinext ko na silang lahat na mauuna na ako sa lobby at dun na lang maghintay sa kanila. Wala pa naman ang sundo namin na maghahatid samin sa airport. 





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Sided Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon