Chapter 2

82 8 1
                                    




(after 5 years)


TASHA'S POV

"Hay! salamat graduate na ako at bukas magbabakasyon na ako sa pilipinas, matagal na rin kasi ako di naka punta dun simula nung pumunta ako dito sa Paris di na ako naka uwi dun kahit isang beses manlang. Miss na miss ko na rin yung mga kaibigan ko dun at syempre miss ko na rin si Tristan. Ano kaya ang nangyari sa ugok na yun? Hehehe siguro sila pa nung girlfriend niya na si Reina o siguro break na sila. Bwahahahahaha ang bad ko naman pero echos lang. Kasi simula nung pumunta ako dito wala na akong balita sa kanya, tanging si Maxine lang ang tinatawagan ko at kinakamusta. Si Maxine lang kasi ang naging sandalan ko noon at siya rin yung bestfriend ko aside ky Tristan. Tinawagan ko si Maxine at sinabi na uuwi na ako bukas.


Calling Maxine.... *ring* *ring* *ring*


Agad niya namang sinagot.


Max: "Yo Tash ba't ka napatawag?"


Tasha: "Ahh kasi Max uuwi na ako dyan bukas"


Max: "What!? as in bukas na talaga!?"


Tasha: "Yah. Bakit may problema ba?"


Max: "Wala naman nagulat lang ako dahil uuwi ka na pala bukas. Kya kya kya excited na ako pasalubong ko ha?"


Tasha: "Ohh sure ikaw pa ba? Malakas ka sakin eh. Hahahaha"


Max: "Really Tasha!? OMO! Thank youuuu!"


Tasha: "Haha sige babye muna mag e-empake muna ako di pa kasi ako tapos eh"


Max: "Cge gerl see you tomorrow. Susunduin na lang kita bukas"


Tasha: "Ok bye. Haha"


Call ended...





Nagpatuloy ako sa pag e-empake ng mga damit ko, maiiwan dito si mama kasi may trabaho siya dito at kaya ko naman sarili ko kasi malaki na ako. Habang nag-aayos ako biglang nasagip ng mata ko ang kwintas na ibingigay ni Tristan sakin noong High school pakami, bigla naman akong naiyak dahil naalala ko naman ang mga nangyari noon.





(flashback)


"Tasha halika dito may ibibigay ako sayo" nakangiting sabi ni Tristan.


"Oh sige wait lang muna tatapusin ko lang tong ginagawa ko." saad ko naman sa kanya.


"Cge hihintayin kitang matapos dyan at tsaka ibibigay ko na sayo to." tugon niya.


Nang matapos ko na ang ginagawa ko agad akong pumunta sa kanya.


"Tris tapos na ako, ano pala ang ibibigay mo?" nahihiya kong sabi.


"Ahh heto pala" sabay abot sakin ng munting kahon. "Nakita ko kasi yan sa mall kahapon, nagandahan ako kaya binili ko na lang, naisipan ko rin na ibigay sayo dahil espesyal ka para sakin." naka ngiti niyang sabi. "Sana magustuhan mo Tash" dagdag niya.


Binuksan ko ang kahon, isa siyang kwintas na may desenyong anghel. Na mangha ako dahil ang ganda nung kwintas at halatang mamahalin yun.


"Para sakin ba talaga to? Ang mahal neto ah?" tanong ko sa kanya.


"Oo naman Tash para talaga sayo yan, wala akong pake kahit magkano pa yan basta para sayo, Mahal kaya kita bespren" naka ngiting saad niya.


Ouch ang sakit mahal niya ako bilang best friend lang.Pilit kong napa ngumiti kahit masakit ang salitang nadinig ko galing sa kanya.


"Salamat pala dito Tristan" malungkot na sabi ko sa kanya.


"Ohh bakit ka malungkot di ka ba masaya?" nagtatakang tanong niya.


"Ahh masaya ako pero masama lang ang pakiramdam ko" pagsisinungaling ko.


Masaya ako dahil binigyan ako ni Tristan ng kwintas pero nasaktan ako dun sa sinabi niya na "Mahal kaya kita BESPREN" ansakit lang kasi na hanggang best friend lang ako. Mahirap ba akong mahalin?


"Akin na nga yan isusuot ko sayo. Tumalikod ka"


Tumalikod ako, di ko inaasahan tumulo pala ang luha ko agad ko naman itong pinunasan baka makita pa ito ni Tristan.





(end of flashback)





Binalik ko na yung kwintas sa kahon at agad ko namang inilagay sa maleta ko. Nang matapos na akong mag ayos, sa sobrang pagod ay nakatulog na pala ako. Ilang oras ginising ako ni mama dahil ala's singko na pala ng umaga at mamayang ala's otso na yung flight ko, agad na mang akong bumangon at naligo, kumain na rin ako at nag paalam ky mama na aalis na ako.


Kinuha ko na lahat ng mga maleta ko at agad lumabas para pumara ng taxi papuntang airport.





See you later Philippines...

One Sided Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon