TASHA'S POVNaging masaya naman yung pagpunta namin dito sa isla. Picture dun picture dito parang hindi talaga sila titigil sa pag-kukuha ng mga litrato sabagay maganda naman talaga yung view dito. Pinaalis muna ni Denise si manong yung naghatid dito sa'min baka kasi maiinip siya sa kakahintay sa'min kaya sinabihan na rin siya ni Denise na balikan na lang kami dito mag-alas dose ng tanghali.
"Sab halika ka dito picturan mo nga ako. Dali bilisan mo!" saad ni Sofia habang na ka posing na dun sa may puno na parang model.
"Anubayan Sofia nagmamadali teh!? Anong akala mo sakin personal photographer mo?" padabog na sabi ni Sab papunta dun kay Sofia at kinuha na niya ang dslr na hawak ni Sofia.
Aba loka to si Sofia ah! Akala niya na parang na sa photo shoot siya, maka pose wagas eh parang feeling model na siya at habang si Sab naman ay hirap na hirap na kakakuha ng litrato sa kanya, habang ako nandito lang sa may gilid naka-upo sa buhangin at pinapanood silang magbangayan, pangit daw kasi ang kuha ni Sab ky Sofia, blurred daw lahat ng kuha ni Sab kaya binura niya na lahat at tinawag naman si Denise para kunan naman siya ng litrato.
"Denise halika nga rito kunan mo nga ako ng litrato ang pangit kasi kumuha ni Sab eh" tawag ni Sofia ky Denise at si Sab naman ay napa-irap lang.
"Sandali lang papunta na ko diyan" sabi ni Denise habang naglalakad patungo ky Sofia.
"Akin na yung camera Sab" sabi ni Denise sabay kuha ng dslr ky Sab.
Patuloy pa rin pose ng pose tong' si Sofia.
"Oh ayan Sofia maganda na yung picture mo tsaka di na blurred yan" sabi ni Denise sabay abot ng dslr ky Sofia.
"Salamat talaga Denise ang galing mo talaga kumuha ng litrato" saad ni Sofia.
"Walang anuman"
"Tasha nakapag-picture picture ka na ba?" tanong ni Sab sakin.
"Oo pero nag-selfie lang ako eh. Hahaha" saad ko.
"Anubayan! Haha debale pipicturan na lang kita. Hoy Sofia akin nga yan pipicturan ko si Tasha" sabi ni Sab sabay kuha ng dslr sa kamay ni Sofia.
"Nako wag na. Hahaha" saad ko.
Tatayo sana ako pero pinigilan ako ni Sab.
"Hep hep hep diyan ka lang. I insist kukuhanan talaga kita ng litrato sayang naman yang jamporms mo kung wala ka namang picture diba? Maganda naman yung view diyan. Oh eto na Tasha pose ka na parang model ah?" sabi ni Sab sakin.
Napa-tango na lang ako at nag posing narin.
"Ok 1 2 3 smile!" saad ni Sab habang pinipicturan ako.
Naka ilang shots na rin ako. Pinakita sakin ni Sab yung mga kuha ko. Ok naman siyang kumuha ah pero bakit dun kanina ky Sofia halos blurred lahat? Hahaha at may binulong din si Sab sakin.
"Tasha wag mong sabihin sa kanila ah? Sinadya ko talaga ang pagkuha ng blurred ng mga pics ky Sofia. Hahahaha" aniya habang pinipigil ang pagtawa.
"Hahahaha okay cge. Tara punta tayo dun sa kanila" pagyayaya ko sa kanya at naglakad na kami patungo dun sa dalawa na naghahabulan sa gilid ng dagat.
"Oy sali naman kami diyan" sabi ni Sab sa kanila.
"Sige ikaw taya habulin mo kami. Bilis takbo!" saad ni Sofia habang tumatakbo palayo ky Sab kaya nakisali na rin ako sa kanila.
Naghahabulan kaming na parang mga bata lang kahit nakakapagod pero nag-enjoy naman kami. Kasalukuyang nandito kaming apat sa ilalim ng puno nakaupo lang at nagkukwentuhan habang hinihintay ang bangka na susundo sa'min.
"Tasha kamusta naman dun yung pag-aaral mo dun sa Paris?" tanong ni Sofia sakin.
"Ayos lang naman pero nung una ang hirap mag adjust kasi french yung language nila dun pero habang tumagal marunong na rin ako mag-french. Graduate ako ng Cum Laude" saad ko.
"Ang talino mo talaga kahit kailan. Bravo!" sabi ni Sab sabay palakpak sakin.
"Tash babalik ka pa ba dun sa Paris?" tanong ni Denise sakin.
"Ahh oo babalik pa ako dun, sasama nga dun si Maxine eh yung kaibigan ko. Pumunta lang naman ako dito sa pinas para magbakasyon" saad ko.
"So kelan balik mo dun?" tanong ni Denise.
"Di ko pa alam eh siguro next month" sabi ko.
"Guys mamayang gabi punta tayong bar. Huling araw na kasi dito natin" pagyayaya ni Sofia.
"Ikaw talaga Sofia party-animal ka talaga. Ayokong sumama baka malasing pa ako eh" saad ni Sab.
"Hahahaha ang KJ mo talaga kahit kailan Sab. Naalala ko noon nung pumunta tayo sa birthday ng ka-batchmate natin. Pinilit ka nilang uminom kaya napilitan kang inomin lahat yun. Nilaklak mo lahat ng binigay sayo, mababa pa naman yung alcohol tolerance mo kaya nalasing ka kaagad" kuwento ni Sofia habang tumatawa samtalang si Sab naman ay parang kakainin niya ng tingin si Sofia.
"Tumigil ka na Sofia! Wag mo nang ituloy yang kuwento mo" inis na sabi ni Sab.
"Oh chill! Hahahaha so ayon lasing na lasing siya kaya yung isang waiter dun napagkamalan niyang ex niya. Hahahahaha sinuntok niya yung waiter hahahahaha kawawa naman si kuya waiter ky Sab amazona pa naman to. Pinigilan ko na siya pero ayaw niyang magpa-awat eh. Iba talaga pag-malasing tong' si Sab nagiging leon eh. dejk lang Hahahahahaha" tawang-tawa na kuwento ni Sofia sa'min.
"Kasalanan mo rin yun eh pinilit mo akong sumama kahit ayoko!" buwelta ni Sab.
"Ganito na lang wag na tayong pumunta dun sa bar, mag KTV na lang tayo pero di tayo iinom ng kahit anong alak" sabi ni Denise.
"Oo nga naman mag KTV na lang tayo mamayang gabi" pagsasangayon ko sa sinabi ni Denise.
"Aish sige na nga" sabi ni Sofia.
Sa wakas nakarating na rin yung bangka na susundo sa'min kaya tumayo na kami at pumunta dun sa bangka. Unang sumakay si Denise sumunod naman si Sab at Sofia at sumunod na rin ako. Pinaandar na ni manong yung motor ng bangka at tuluyan na kaming umalis ng isla.
BINABASA MO ANG
One Sided Love
Teen FictionHas it ever happened na ma inlove ka sa taong parang balewala ka lang sa kanya? Parang lahat ng efforts mo di niya napapansin ky ang atensyon niya ay nasa iba at di ka niya magawang mahalin kasi kaibigan lang ang turing niya sayo. I know it sounds c...