TASHA'S POV
Pagkatapos kong magbihis ay agad naman akong lumabas sa aking kwarto para hintayin si Maxine. Nung lumabas na siya ay niyaya ko na siyang umalis na kasi ala una na ng hapon at ako na ang nagprinsinta mag drive.
"Oy gerl sureness ka ba na ikaw ang magmamaneho?" tanong niya habang nakasakay kami sa elevator na papuntang parking lot.
"Oo. Saang mall ba tayo?" tanong ko sa kanya.
"Sa MOA daw teh. Alam mo ba ang daan papunta dun?" aniya.
"Mukhang di ko na yata kabisado, ituro mo na lang mamaya" sagot ko.
Nakarating na kami sa parking lot at sumakay na kami sa sasakyan. Pinaandar ko na ang kotse at tsaka nag drive papuntang MOA. Tahimik lang kami habang bumabyahe kasi si Maxine kumakain ng dala kong chocolates. Shit piggy alert hahahahaha. Hinayaan ko na lang siyang kumain kasi halatang ine-enjoy niya ang bawat kagat niya sa kinakain niya.
"Gerl pag-balik mo uli ng Paris bilhan mo ko ulit neto ah" sabi niya sabay pakita sakin nung kinakain niya na chocolates.
"Tch wag na mamumulubi na ako dahil sayo eh" bulyaw ko sa kanya.
"Cge na friend ang sarap kasi nito oh!" pangungulit niya sakin.
"Oh sige na nga. Baboy ka kasi eh!" biro ko sa kanya.
"Tawagan mo kaya si Cza, baka naghihintay na yun" sabi ko sa kanya.
"Cge, pero promise mo muna? Hehehehe" aniya.
"Oo na kulit neto ah" inis na sabi ko sa kanya. Childish talaga tss.
Tinawagan na niya si Cza at sabi daw ni Cza na dun na siya naghihintay samin. Sa wakas nakarating rin kami dito. Naglalakad kami ni Maxine papunta sa pagkikitaan naming ni Cza nang may bigla akong nakita na lalaki na pamilyar sakin. Shit di ako magkakamali si Tristan yun at may kasamang babae na dikit na dikit sa kanya, kaya agad kong hinila si Maxine dahil baka Makita siya ni Tristan.
Bakit ganito? Biglang sumikip ang dibdib ko. Kaya tinawag ko muna si Maxine.
"Maxine"
"Oh bakit friend ba't bigla kang mamutla dyan? May nakita ka bang' multo?" tanong niya.
"Nakita ko siya may kasamang babae" nauutal kong sabi.
Ang sakit lang talaga na makita mo sila na sweet. Damn it fvcking hurts.
"Si Tristan ba?"
Tumango lang ako.
"Naku friend pabayaan mo muna siya magkipag-landian sa iba, sa ngayon i-enjoy mo lang muna ang araw na to at tsaka forget Tristan muna" aniya.
"Cge halika na baka kanina pa naghihintay si Cza dun" sabi ko sa kanya.
Nagpatuloy kaming naglalakad hanggang nakarating na kami sa Starbucks at nakita naming si Cza na naghihintay samin. Lumapit na kami sa kanya.
"Hi Cza, kamusta ka na?" bati ko sa kanya.
"Omaygash! Ate Tasha ang ganda mo pa rin hanggang ngayon. Miss na miss na kita ate." aniya habang kayakap ako.
"Na miss na rin kita baby Cza, kamusta ka na rin?"
Umupo muna kami at nag-order ng maiinom.
"Ok lang naman ako ate pero si kuya hindi" biglang sumimangot ang mukha niya.
"Naku bebe gerl wag mo nang problemahin yang kuya mo, malaki na yun" singit ni Maxine.
"Nga pala pasalubong ko para sayo" sabay abot ng paper bag sa kanya.
"Thank you dito ate Tasha" nakangiting sabi niya, halatang nagustuhan niya ang binigay ko.
"Walang anuman"
"Nga pala ate kalian balik mo sa Paris?" biglang tanong niya.
Sa totoo lang di ko pa alam kung kalian talaga ako babalik dun.
"Di ko pa alam kung kailan eh"
"Nga pala Cza may itatanong ako sayo" sabi ni Maxine.
"Ano po yun ate?"
"San pala nakatira kuya mo?" tanong ni Max ky Cza.
"Sa Grove by Rockwell Condominiums ate, bat' niyo po pala natanong?"
"Shit siya siguro yun, mapaglaro talaga ang tadhana" mahinang bulong ko.
"Ahh ate may sinasabi ka po ba?" nagatatakang tanong ni Cza.
"Ahh wala hehehe" pagsisinungaling ko agad naman akong tiningnan ni Maxine, alam kong alam niya din yun. Na dun din pala nakatira si Tristan. Shit lang talaga oh. Tch.
"Tara na maglibot-libot na tayo" yaya ni Maxine.
Naglibot-libot muna kami at pumunta kami sa Timezone para mag laro. Sobrang nag enjoy talaga ako, nag shopping na rin kami at guess what? Madaming pinamili itong si Maxine, rits kid ang gaga eh. Hahahahahaha.
Kumain na rin kami ng dinner sa Kenny Rogers, ako na yung nagbayad kasi wala nang pera si Maxine naubos na sa kaka-shopping hahahaha pero echos lang. Libre ko na to para sa kanila, matagal-tagal na rin kasi na di kami lumalabas na tatlo simula nung umalis ako.
Gabi na rin kaya napag-isipan na naming na umiwi na. Hinatid na naming si Cza sa parking lot kung saan naghihintay ang driver niya bago pa siya maka pasok sa sasakyan, bigla ko na lang siyang tinawag.
"Uhhm Cza may hihilingin sana ako sayo"
"Ano po yun ate?"
"Sana wag mong sabihin sa kuya mo na nakauwi na ko galing Paris" pakiusap ko sa kanya.
"Oh sige ate makakaasa po kayo"
"Salamat Cza. Cge aalis na kami ni Maxine" at bigla ko na lang siyang niyakap.
"Bye ate mag-ingat po kayo"
At tuluyan na kaming umalis ni Maxine at pumunta sa sasakyan namin.
Sana wag na mag krus ang landas natin Tristan. Sana wag na. Ansakit-sakit pa rin kasi hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita.
BINABASA MO ANG
One Sided Love
Novela JuvenilHas it ever happened na ma inlove ka sa taong parang balewala ka lang sa kanya? Parang lahat ng efforts mo di niya napapansin ky ang atensyon niya ay nasa iba at di ka niya magawang mahalin kasi kaibigan lang ang turing niya sayo. I know it sounds c...