Chapter 8

60 6 0
                                    



MAXINE'S POV

Kasalukayang nanonood ako ngayon ng tv ng may biglang kumatok. Si Tasha na kaya yun? Akala ko mamayang alas tres ng hapon pa yun uuwi, ba't napa-aga yata? Tumayo na ako tsaka binuksan ang pinto at tumambad sakin ang mukha ni Tasha na umiiyak. Ano kaya ang problema nito? Matanong nga.


"Hoy Tasha akala ko ba nag-kape ka lang eh ba't ka ngayon umiiyak, ano ba ang nangyari?" tanong ko sa kanya.


"Nagkita kasi kami kanina ni Tristan" sabi niya habang umiiyak.


Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano niya ka mahal ang lalaking yun. Ayy naku ang pag-ibig talaga. Stress ako ky kupido, ako kaya ang papana sa kanya? para maranasan niya rin umibig hahaha dejoke lang.


"Oh nagkita lang naman kayo ah, ba't nga ngayon umiiyak?"


"Eh kasi di pa ako handa na makita siya, alam mo naman" saad niya habang humihikbi.


"Ganun talaga yun teh pagmahal mo ang isang tao kahit na nasaktan ka niya noon ay hindi ganun kadali mawala ang pagmamahal mo sa kanya at hindi rin ganun kadali na mawala ang sakit dyan sa puso mo" sabi ko sa kanya.


Naks! ano kaya ang nakain ko at nakapag-hugot ako ng ganito? kakain kaya ako ulit nun. Hehehehehe. Huy baka sabihin mo matakaw ako, Che! Di noh!



"Tasha siguro kailangan mo muna magpahinga, mukhang pagod ka kasi eh"


"Cge matutulog muna ako, gisingin mo na lang ako mamaya"


Tumalikod na siya sakin at pumunta na ng kwarto.


"Ahh sandali Tasha kumain ka na ba?" pahabol kong tanong sa kanya.


"Ahh hindi pa eh, mamaya na lang ako kakain" saad niya.


Pumunta na akong sala at pinagpatuloy ang panonood ko ng tv. Napaisip tuloy ako na kausapin ko kaya si Tristan? Hmmm? Tutal dito rin pala nakatira si Tristan sa condo na to tatawagan ko na lang siya mamaya at kakausapin na magkikita kami.


Tinawagan ko na si Tristan at pumayag na man siya tutal wala na man daw siyang ginagawa. Kaya nagbihis na ako at pumunta sa lobby dahil dun daw ako hihintayin ni Tristan. Aba! akala ko ako ang hihintayin niya ba't ngayon ako pa ang nag mukhang naghihintay. Tsk tsk bahala na nga.


Makapilas ang ilang minuto sa wakas nakarating na rin siya.


"Maxine pasensya ka na may biglaang photo shoot kasi kami kanina" aniya.


"Ahh ganun ba, ge ok lang naman sakin eh"


"Ano nga pala ang pag-uusapan natin? Tara muna dun, umupo muna tayo"


Sumunod ako sa kanya. Tama ba to ang ginawa ko na kakausapin ko siya tungkol ky Tasha? Bahala na nga!


"Tristan ayoko na mag paligoy-ligoy dediritsohin na kita, ayoko na kasing makita pa si Tasha na parating nasasaktan dahil sayo. Alam mo naman diba na mahal na mahal ka niya" panimula ko.


"Oo Maxine pero noon lang yun diba?" nagtatakang tanong niya.


"Akala mo lang yun pero hanggang ngayon mahal ka pa rin ya. Ganyan ka ba ka manhid noon na di mo manlang maramdaman na mahal ka niya?" sabi ko sa kanya.


Tiningnan ko siya halatang agrabyado siya.


"Sana bigyan mo naman ng pagkakataon si Tasha na hayaang mahalin ka niya"


One Sided Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon