Chapter 10

36 4 3
                                    


MAXINE'S POV

Bigla akong napa-isip. What if gagawin ko na lang na 1 week yung deal na yun para di mahirapan si Tasha? Wait. Masyado atang matagal, what if three days na lang kaya? Ay wait parang masyadong overtime. Tama ba yung term ko? Overtime? Ano bang' tawag dun? Pasensya na di ko talaga alam kung ano ba yun. Tama ba yung sinabi ko? Parang mababaliw na ako ng kakaisip kung anong tawag dun, enebeyen. Leche!

Aish! Oo na ako na yung bobo pero honor student naman ako nung elementary ako at top 10 pa ako sa classroom namin dahil sampu lang kaming magkaklase. Psh debale gagawin ko na lang isang araw. Hahahaha enebeyen nababaliw na ata ako eh. From 30 days ginawa kong 1 day. Ok na siguro yun mababawasan ang paghihirap ni Tasha.

Subukan ko kayang i-text si Tristan kung nakapag-desisyon na siya.

To: Tristan

Hoy! Ano na balita? Payag ka na? Nga pala imbes na 30 days ginawa ko ng 1 day. Alam mo na yun pabago-bago isip ko eh. 

*message sent*

Kasalukuyan nandito ako ngayon sa rooftop naghihintay ng reply ni Tristan. Iinom sana ako ng dala kong kape nang biglang tumunog ang phone ko at pagtingin ko nag reply na pala si Tristan kaya agad ko itong binasa.

From: Tristan

Payag na ko pero di ko kayang saktan ulit si Tasha. Mahal ko siya bilang bestfriend.

Bakit di niya kayang mahalin si Tasha pabalik? Haynako! Kaya nagreply na ako sa kanya.

To: Tristan

Kaya nga ginawa ko nang isang araw diba? Mayghad Tristan nasan na yung utak mo!? Chos lng. Pero sa loob ng isang araw na yun pag-umayaw na si Tasha end of deal na. So ano sure ka na? Naninigurado lang phowsxz.

*message sent*

Nagreply ulit siya. Naknang! Ambilis ah daig pa yata si flash.

From: Tristan

Payag ako. Kelan ba?

Aba matinde tong mokong na to ah! Debale di ko naman problema yung lyf niya. In short wala akong pake sa kanya. Kaya shut up na lang ako.

To: Tristan

Sa next saturday. Yun lang ang araw na pwede si Tasha. At nga pala may binago ulit ako, hindi na kailangan ipadama ni Tasha sayo kung gaano ka niya kamahal by gestures bale parang mag-uusap na lang kayo. Like reminiscing the past, bringing up the moments you've done before, at kahit ano diyan basta kayo na bahala mag-usap, pag-usapan niyo ang tungkol sa inyo noon at ngayon. Kung ano ba talaga kayo, klarohin niyo yung relasyon niyo. Kung hanggang ngayon besfriend pa rin ba ang tingin mo sa kanya o nagbago na ba para di naman siya umasa at masaktan ulit. Baka matauhan ka at ma realize mo na mahalaga pala si Tasha sayo na mahal mo rin pala siya na higit pa sa pagiging bestfriend. Kung ganun pa rin ang tingin mo sa kanya wala na akong magawa dahil desisyon mo yan if maari sana magkaroon kayo ng closure if wala na talagang pag-asa. So sa Saturday at 7 pm? Ako na yung bahala kung saan kayo. Ite-text na lang kita friday night.

*message sent*

Ang haba naman nung tinext ko ky Tristan. Pang MMK na ba yun?hahaha joke lang. Wala nga pala ngayon si Tasha dito sa condo niya niyaya siya kasi nung high school friends niya na mag out of town.

Niyaya nga ako ni Tasha na sumama pero sabi ko ayoko dahil baka makaka-disturbo lang ako dun eh ayoko namang ipagsiksikan yung sarili ko dun ayokong ma OP noh!

Mamaya na ako aalis dito sa rooftop dahil ang ganda kasi ng view dito at nakaka-relax yung haplos ng hangin. Ang lamig! Antagal naman ata mag reply nun ng biglang tumunog yung phone ko at dalawang message ang natanggap ko.

From: Tristan

Okay. Just text me the details. Goodnight Maxine. :)

Aba may goodnight-goodnight pang nalalaman at may smiley emoticon pa. Bahala siya diyan tamad na akong mag-reply. Kaya binasa ko na yung pangalawang message galing ky Tasha pala.

From: Tasha

Yo Max! Musta ka na diyan? Uuwi na pala kami this Wednsday. Paki-sundo naman ako sa airport oh, please? May pasalubong ako sayo. Sayang di ka sumama ang ganda panaman dito sa Boracay. Goodnight Max tulog na ako gabi na rin kasi at tsaka bukas sabi ni Denise pupunta daw kami sa isang isla at ikaw matulog ka na rin. Text na lang kita bukas. :*

Naknang! Nagpapasundo si ateng. Ok na rin yun miss ko na rin kasi si Tasha limang araw na kasi siyang wala dito. Lumalalim na ang gabi kaya napag-isipan ko na bumalik na dun sa unit ni Tasha.

Pasakay na sana ako ng elevator ng may biglang humawak sa kamay ko at akmang pinigilan muna ako na sumakay. Napalingon ako kung sino yung humawak ng kamay ko. Nagulat ako sa nakita kong nilalang sa harap ko.

Di ako magkakamali si Kenneth talaga to' yung ka batch ko nung high school na crush na crush ko NOON. Oo noon yun pero past is past nga diba? Kaya napa-tulala ako kasi hanggang ngayon di ako makapaniwala na sa tagal na panahon nagkita ulit kami.

"Maxine okay ka lang?" tanong niya.

Bumalik ako sa realidad nung bigla siyang nagsalita.

"Ha? Ano ulit yun?"

"Ang sabi ko ok ka lang ba? Parang namumutla ka ata eh" saad niya at sa wakas binitawan niya rin ang kamay ko.

"Ahh hehehe yun lang pala, ok naman ako nga pala ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Magpapahangin lang sana ako dito eh" aniya.

"Ahh ganun ba sige pumunta ka na dun. Aalis na pala ako hehehe bye" spell N-A-K-A-K-A-H-I-Y-A at AWKWARD pa. Maka alis na nga. Pero bago ako makasakay ng elevator ay agad niya naman akong tinawag.

"Ahh Maxine pwede ko ba mahingi yung number mo?"

What!? Number ko hihingiin niya!? This can't be! Baka panaginip lang to kaya sinampal-sampal ko yung sarili ko

"Maxine ano ka ba panaginip lang to!" sabi ko habang sinasampal-sampal yung sarili kong mukha.

Tiningnan ko yung tao na nasa harapan ko tumatawa siya. Shocks! Nakakahiya talaga nung ginawa ko.

"Hoy ba't ka tumatawa ha!?" singhal ko sa kanya.

"Oh chill! Hahaha nakakatawa ka kasi hanggang ngayon yun pa rin yang ugali mo. You're weird pa din gaya nung dati. So can I get your number?" aniya.

Aba loko to ah! Pagkatapos sabihan ako na weird ay manghihingi pa ng number ko!? Napa-isip muna ako kung bibigay ko ba. Wala namang mawawala pagbinigay ko diba? Hays!

"Sige na nga, akin na yung cellphone mo"

Binigay na niya sakin yung cellphone niya. Aba ang taray iPhone 6s, anak mayaman talaga oh. Tinype ko na yung number ko tsaka sinave ko na rin at binalik na sa kanya yung cellphone niya.

Narinig ko siya na may parang may binulong siya na "yes sa wakas!" pero ayokong umasa baka guni-guniko lang yun kasi inaantok na ako. Kaya nagpaalam na ako sa kanya.

"Aalis na ko, inaantok na kasi ako" sabi ko habang humihikab. Inaantok na talaga ako.

"Goodnight Maxine, see you around" sabi niya at ako naman sumakay na ng tuluyan sa elevator.

One Sided Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon