Chapter 3

62 7 2
                                    


TASHA'S POV

Pag-baba ko ng eroplano ay agad kong natanaw ang paligid, ganun pa rin ang istsura, parang di nag-bago. Kinuha ko muna ang mga bagahe ko at tinawagan ko si Maxine siya kasi ang susundo sakin ngayon.


Calling Maxine... *ring ring ring*



Maxine: "Yo gerl naka-baba ka na ba ng plane?"

Tasha: "Yeah. Asan ka na ba?"

Maxine: "Ayy wait lang nandito pa ako sa parking area. Hehehe hintayin mo na lang ako dyan, coming na me."

Tasha: "Ok cge. Tss paki bilisan please jet lag ako eh."

Maxine: "Aba nagmamadali ata ah. Hahahaha joke lng ge na. Babosh!"

Call ended...



Shit ba't antagal ni Maxine, san naman kaya pumunta yun? Tch.

Holy cow! Mahigit isang oras na akong nakatayo at naghihintay dito. Tss. Sa wakas dumating na rin siya at marami siyang dalang  pagkain. Ang takaw talaga ng babaeng to. Tch.

"Hoy ikaw ba't antagal mo san ka galing!?" nagtatakang tanong ko sa kanya sabay tingin sa mga dala niya.

"Gerl maygash ang laki ng pinagbago mo mas lalo kang gumanda ah. Hihihihi na miss kita." pag-iiba niya ng usapan at bigla niya akong niyakap.

"Hehehehe pasensya na po nagutom kasi ako kaya bumili muna ako ng pagkain. Akin na ang iba mong dala, tara na?"

Habang naglalakad kami papunta sa parking lot nang may biglang sinabi si Maxine sakin.

"Oy gerl alam mo ba nung nakaraang buwan break na pala si Reina at ang dakilang manhid mo na best friend." panimula niya na kuwento. "Nalaman kasi ni Tristan na niloloko lang pala siya ni Reina, Naku! Akala ko mabait yung babaeng yun, yun pala may tinatago ding kalandian." gigil niyang sabi.

"Oh tapos?" wala kong ganang sabi.

"Kalat na kalat kasi sa media na break na sila nalaman kasi ni Tristan na may ibang karelasyon si Reina tapos ang masaklap pa dun nakita niya si Reina nakikipaghalikan sa iba." saad niya.

"Naku kawawa naman si bebe Tristan mo teh sabi ng kapatid niyang si Czarina, parating lasing! araw araw yata eh. Mahal na mahal siguro nun si Reina. Tsk tsk sinayang lang ng babaeng yun ang kagaya ni Tristan." dagdag niyang sabi.

Di ako makapaniwala sa sinabi ni Maxine sakin na wala na pala si Reina at Tristan.

"Max tanong lang ba't kalat sa social media yung break up nila, sikat ba si Reina?" nagtatakang tanong ko.

"Ay kalurkey ka talaga gerl! Wala ka talagang alam tungkol ky fafa Tristan. Naku di yun sikat si Reina, si Tristan talaga yung sikat teh! Model siya sa isang sikat na clothing line." paliwanag ni Maxine.

No wonder kung bakit siya naging sikat na model. Gwapo naman siya at maganda ang katawan niya. Kamusta na kaya siya ngayon? Hay maka tulog nga muna.

"Max sa condo mo na ako ihatid ha? Matutulog muna ako." pag-iiba ko ng usapan.

"Ge friend magpahinga ka muna, gigisingin na lang kita pag andun na tayo."

"Ge lamats." at natulog na ako.




MAXINE'S POV

Habang nag da-drive ako bigla kong naisip yung sinabi ko kanina ky Tasha, yung tungkol sa break up ni Tristan at ni bruhildang Reina. Alam ko hanggang ngayon eh mahal pa ni Tasha si Tristan.

Simula nung nalaman ko noon  na may gusto si Tasha ky Tristan. Masayang masaya ako dahil bet ko si Tristan para ky Tasha kasi parating niyang pina-pasaya si Tasha, pero isang araw nakita ko si Tasha na umiiyak at sinabi niya sakin ang nangyari na may mahal pala na iba si Tristan at gusto netong ligawan ang babae.

Kitang-kita ko kasi kanina sa mata niya ang lungkot habang nag ku-kuwento ako sa kanya tungkol ky Tristan.

Pinagmasdan ko si Tasha habang natutulog. Alam ko hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya.

Nakarating na kami sa condo niya. Agad ko naman siyang ginising.

"Oy gerl gising na andito na tayo." sabi ko sa kanya habang ginigising.

"Hmmm hmmm antok pa ako. Sandali lang susunod ako sayo."



"Cge sunod ka na lang sakin. Mauna na ako sa taas tsaka nagpatulong na rin akong iakyat yung mga gamit mo at tsaka yun pa rin ba yung pass code mo?" tanong ko sa kanya.

"Oui, je ne changerai" sagot niya habang na ka higa pa rin sa back seat.

Aba! Takte! Fine-french ako neto ah! Di pa naman ako marunong. Hmph! Ano ba sabi nun? Ay teka try ko rin kaya mag-aral ng French hihihi bahala na nga. Umalis na ako at tsaka umakyat sa unit niya dahil magluluto pa ako ng lunch namin.

    TASHA'S POV

OMO! Anong oras na!? ngayon lang ako nagising. Tiningan ko ang cellphone ko at OMAYGOSH! 1 p.m na!? Tatawagan ko sana si Maxine nang biglang nag ring yung cellphone ko.  Si Maxine pala ang tumatawag. Kaya sinagot ko na.

   Maxine: "Hoy ikaw babae anong oras ka ba aakyat dito!? Lalamig na ang pagkain oh! May gana ka pa bang-----"

Tasha: "Hep hep hep! Teka nga Maxine ansakit sa tenga yung boses mo sandali lang aakyat na ako dyan."

Umalis na ako sasakyan at pumasok na ako sa condo.

"Good morning Madame" bati ng guard sakin.

Nginitian ko lang siya dahil wala ako sa mood maki pag-usap. Aba feeling mataray na ako ha. Hahaha echos lang yun agad akong nagmamadaling pumunta sa elevator dahil ang alam ko galit na si Maxine sakin. Bwahahahaha bahala siya dyan, sasakay na sana ako pero may nakita akong lalaki sa makalayuan na lasing at para wala sa sarili. "Parang si Tristan ata yun ah" sabi ko sa sarili ko. "Kalma Tasha guni ka guni mo lang yun. Inaantok lang" sabi ko sa sarili ko at tuluyan na kong sumakay sa elevator.

Miss na miss ko na siya pero di ko pa kaya na makita siya dahil ang sakit sakit pa rin.

One Sided Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon