He captured Me

2.9K 55 2
                                        

LIA'S POV

"Uhm, Zin, thank you nga pala nung isang linggo," malaki ang utang na loob ng pamilya ko kay Zin, na pinakiusapan ako ni mama na imbitahan sya maghapunan sa bahay.

"Okay ka na ba?" Tanong nya habang naglalakad kami palabas ng bahay. Nasarapan ata si Zin sa hinanda ni mama kaya parang mabait yung boses nya ngayon at nagyaya syang pumunta sa park.

"Sa bahay ampunan pa lang, alam ko na na mahina tong puso ko. Hanggang sa ampunin ako nila mama. Grade 6 ako ng malaman nila ang kalagayan ko. Kaya siguro galit na galit sakin si Jaia, kasi imbes na ipang shopping nya yung pera, e napupunta sa medications ko."

Nakayuko ako habang kinikwento ky Zin ng hawakan nya ang mga kamay ko. Napahinto kami sa paglalakad.
"Magkwento ka pa." Sabay sabi.

"Ano pa ba ang gusto mo malaman?" Tanong ko.

"Kung kaya ba ng puso mo na.." inihinto nya yung sinasabi nya.

Nakaramdam ako ng pagka paralyse. Hindi ko magalaw ang katawan ko. Hawak hawak nya pa rin ang mga kamay ko. Maya maya napapikit na ko.

Nilalapit ni Zin ang labi nya sa labi ko. Kumakabog ang dibdib ko.

"Sorry Lia,"
Hindi tinuloy ni Zin ang halik.
Binitawan nya ang mga kamay ko at naunang maglakad.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Magagalit ba ako o ano. Hinakbang ko ang mga paa ko patungo sa kanya. Binilisan ko hanggang maabutan sya.

Dali dali kong kinuha ang braso nya at napahinto sya. Tinitigan ko ang mga mata nya. Lumuluha si Zin. Hinalikan ko sya ng napakatagal.

Tinapos ko ang paghalik sa kanya nang binalot nya ang kanyang mga kamay sa likod ko. Pinatuloy nya ang paghalik sakin. Uhaw na uhaw si Zin. Ramdam ko ang kanyang pananabik. Niyakap ko sya pabalik. Nakadikit ang aming mga katawan sa ilalim ng malamig na gabi.

"Hindi kita papabayaan, hindi ko alam kong bakit. Ayoko mawala sayo. Ayoko malayo sayo. Sayo lang ako Lia".

A VAMPIRE LOVES METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon