"Lia. Lia! Lia gising. Mahal!"
Niyuyugyog ako ni Zin sa kama ng makaramdam ako.
"Nananaginip ka mahal. Okay ka lang ba?"
Unti-unti kong binuhat ang katawan ko para makaupo at makita ang paligid.
"Okay ka lang ba? Nag alala ako. Sobrang lakas ng iyak at sigaw mo. Tahan na."
Di ako makapagsalita. Di ko rin marinig su Zin pero kitang kita ko ang pag alala niya sakin. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Tama. Panaginip lang ang lahat. Nasa iisang bahay na kami ni Zin. Nasa kwarto ako namin. Naaninag ko ang orasan at mag aalas otso na ng umaga. Tinignan ko si Zin. Naka suot pa siya ng apron. Mukhang nagmadali siyang gisingin ako.
"Ano yon?"
Tanong ko ky Zin ng may naamoy akong nasusunog.
"Sorry mahal. Naiwan ko ang hotdog. Nagmadali akong umakyat ng sumigaw ka."
Niyakap ko si Zin at tumulo ang mga luha ko. Panaginip lang yon. Hindi magagawa ni Zin sa akin yon.
"Tahan na mahal. Sa labas na lang tayo mag agahan"
Nakangiti niyang sinabi at inalalayan ako para makatayo. Hindi niya ako tinanong kung ano ang napanaginipan ko.
"Sorry Zin. Ang sama lang talaga ng panaginip ko."
Inayos nya ang buhok ko at niyakap ako.
"Alam ko Lia. Di ko magagawa yon. Mahal na mahal kita."
--------------
ZIN'S POV
Bakit kaya ganon ang panaginip ni Lia. Bago niya pa man mapanaginipan ay nasagi na sa isip ko bago kami matulog. Nauna kong nakita ang lahat ng nangyari.
Papalapit pa lang ako sa gate nila Lia para sunduin siya ay nakita ko na si Fiji na kumatok sa gate nila. Pilit kong bininilisan ang lakad ko ay di ko magawa. Di ko din kayang tumakbo. Sobrang bilis ng pangyayari. Pagkadating ko ng gate nila nakita kong kinakagat na ni Fiji si tita. Tumakbo ako para mapigilan si Fiji. Nahawakan ko ang coat nya at hinila ang kanyang kwelyo para makagat ko ang kanyang leeg. Biglang naglaho si Fiji. Binuhat ko si tita para sipsipin ang kagat ni Fiji at sumara ang kanyang sugat. Maya maya naramdaman ko si Lia na papalabas ng kanilang sala. Gulat na gulat siya na parang gusto akong patayin. Pilit akong magpaliwanag ngunit pinagtabuyan niya ako.
Sobrang sama nga ng panaginip na yon para hindi makita ni Lia ang buong pangyayari.
BINABASA MO ANG
A VAMPIRE LOVES ME
Randomalam ni Lia na mali, pero habang lumalapit ng lumalapit ang kamay ni Zin sa puson nya, pababa nang pababa, unti-onting pinapasok sa kulay pink nyang pajama... napapikit si Lia. ano ba talaga ang meron sila ni Zin. bakit nangyayari ito. bakit laging...
