Di ko na ata alam ang nangyayari sakin. Bakit di maalis sa isipan ko ang babaeng walang upuan at papel at ballpen?
Hindi ako mapirme dito sa kwarto. Mag aalas dose na ng hating gabi at nagugutom na ko. Malamang kumain na sila Zap at mama. May mga patay na naman sa balita.
Sasabihin ko na ang totoo. Hindi kami normal. Tao ang pagkain namin pero hindi kami masasama. Yung mga masasama ay yung mga corrupt sa gobyerno. Yung mga ama na nang iiwan.Nalihis na ata ang sinasabi ko.
Umalis kami ng Fort Drive bago ipinanganak si Zap. Masyado nang magulo dun at nag aaway away na ang aming angkan dahil sa ginawa ni mama. Isang tao si papa kaya hindi matanggap ng Fort. Lumayo kami kasama si mama. At dito sa Lumi City nasira ng husto ang aming pamilya.Ganun talaga siguro ang tao.
Mabilis na natukso si papa at iniwan kami.
Mas pinili nya ang tao kesa samin.
Nawasak si mama. Ako ang tanging naglalakas lakasan para saming tatlo.---------------------
Pinasok ko sa kwarto si Zap. Mahimbing na natutulog. Nilapitan ko sya para ayusin ang kanyang kumot ng nagulat ako. May mga dugo sa bibig nya. Pinunasan ko ito ng tshirt ko. Ngumiti ako. Di na naman sya nag toothbrush.Pinuntahan ko din si mama. Sinilip ko sya. Naririning ko ang mga hikbi nya. Yakap yakap nya pa rin ang picture nila papa.
Wagas umibig si mama.Di ko alam ang pumasok sa isip ko at lumabas ako ng bahay. Dire-diretso lang ako. Di ko ramdam ang nangangalit na ulap. Umulan ka man ng malakas, walang problema sakin.
Di ko din alam kung saan ang direksyon na tinutungo ko. Nahahagip ng mga ilong ko ang pamilyar na amoy. Napahinto ako sa isang bahay. Nilingon ko ang paligid. Walang katao-tao. Gustong pumasok ng katawan ko. Pero dahil sa may kakayahan kaming pagaanin ang katawan at makaakyat sa matataas na bakod, natunton ko ang isang bukas na bintana.
Yung babae. Nakatumba sa sahig ng kanyang kwarto. Hindi ko maaninag ang mukha nya pero pakiramdam ko kailangan nya ng tulong. Sinubukan kong buksan ang bintana at ayusin sya sa kanyang higaan. Medyo mabigat sya. Inayos ko sya sa kanyang kama. Tinanggal ko yung kanyang buhok na nakatakip sa kanyang mukha.
Nagulat ako. Gusto ko umalis kagad. Ayoko nang magtagal sa bahay na yun. Sa bahay ng babaeng walang upuan, papel at ballpen. Tinitigan ko ang kanyang mga labi. Napakapula nito. Nilapitan ko ang kanyang mukha. Di pa nagdikit ang balat ko naramdaman ko kagad ang mainit nyang hininga. Alam ko hindi sya okay.
Kakaiba ang init nya. Nararamdaman kong matamlay ang dugo nya. May sakit sya.Bumaba ako ng kwarto nya para maghanap ng gamot.
Nasa kusina na ako ng may bumukas ng kanilang gate.
BINABASA MO ANG
A VAMPIRE LOVES ME
Randomalam ni Lia na mali, pero habang lumalapit ng lumalapit ang kamay ni Zin sa puson nya, pababa nang pababa, unti-onting pinapasok sa kulay pink nyang pajama... napapikit si Lia. ano ba talaga ang meron sila ni Zin. bakit nangyayari ito. bakit laging...