"Ma, kayo po ba ni papa, pano kayo nagkatuluyan?", tanong ko ky mama habang nilalagyan nya ng ice bag ang binti ko.
"Maswerte ako sa papa mo at sya ang napili ko. Gulong gulo din ako dati. Iniisip ko kung ano ang makakabuti para sa lahat. And napakahirap kung ang makakabuti ay yung hindi mo naman ikakasaya."
Kahit kumikirot kirot ang pasa sa binti ko ay na kay mama pa rin ang atensyon ko.
"Basta anak, wag ka magmadali. Pag may darating man, hayaan mo ang tadhana. Wag mo pangunahan. Lagi kang humingi ng gabay sa Kanya"
Natapos na ni mama gabutin ang pasa ko at umakyat na ako sa kwarto. Pilay ako mga dalawang araw after ng basketball game nung P.E class.
(Flashback)
"Zin, hinihingal na ko. Pwede ba ko magpa sub muna?", pagpapaalam ko ky Zin sa gitna ng 1st quarter.Di nya pa rin ako pinapansin. Nakita kong nilapitan nya si Tristan at binulungan. Tumalikod ako at nagtawag ng pwede mag sub ng biglang may kumalabit sakin.
"Kasalanan mo daw bat hinihingal ka. Kung nag warm up ka daw, di ka mapapagod agad", sabi ni Tristan.
Napalingon ako ky Zin at tinitipon nya na ang team before ma end ang time out from Fiji's team.
Lumapit ako kasama si Tristan sa team at nakinig ky Zin. Kalmado pa rin sya. Nakikita ko ang pawis nya. Sobrang pawis sya. Iniiwasan nya kong tignan.
Tumunog ang buzzer at di na ko nagpa sub. Nilingon ko ang mga bagong pasok na players ni Fiji at andun ang isa sa mga varsity player sa basketball girls ng school. Kinabahan ako. Masyado syang athletic at malakas ang katawan. Walang laban ang patpatin kong katawan.
Nagsimula na ang laro at nagkaharap kami nung babaeng varsity. Ang hirap agawin ang bola. Nasa court sila namin at di ko na alam ang gagawin. Napasugod ako sa bola at nagkataong pasugod din ang babae, nawalan ako ng control at nagkabanggaan kami.
Nasiko ng babae ang binti ko dahilan para magkaron ng malaking pasa at di makagalaw na buto. Sobrang sakit na hindi ko makayanan tumayo. Napatingin ako sa bubong ng gym habang tumulo ng dahan dahan ang mga luha ko.
Pumikit ako. Maya maya naramdaman kong buhat buhat na ako. Tinignan ko at si Fiji. Si Fiji? 😮 Binuhat nya ako papuntang clinic.
--end of flashback--
Riiiinnnng... riiiiinnnnggggg...
Nagising ako sa alarm clock ko. Kinapa ko yung binti kong kumikirot pa. Kailangan ko nang pumasok.
BINABASA MO ANG
A VAMPIRE LOVES ME
Randomalam ni Lia na mali, pero habang lumalapit ng lumalapit ang kamay ni Zin sa puson nya, pababa nang pababa, unti-onting pinapasok sa kulay pink nyang pajama... napapikit si Lia. ano ba talaga ang meron sila ni Zin. bakit nangyayari ito. bakit laging...