the truth

2.2K 48 1
                                    

Palabas na ko ng CR ng bumungad sa pinto si Zin. Tinulak nya ako papasok at sinara ang pinto ng CR. Nanghihina ako sa pagkagulat. Nanginginig ako sa pagtitig nya. Napaupo ako sa floor at naiyak ng bigla na para bang isang bata na hindi alam ang gagawin. Sobrang bigat sa loob. Pero ng umiyak ako sa harap nya parang ilang taon na hindi ako umiyak. Ang daming luha.

"Lia..."
Mahina ang boses nya. Kung gaano kalakas ang pagtulak nya sakin, kabaliktaran ang pagtawag nya sa pangalan ko.

"Salamat sa paghubad ng singsing.."
Binuhat nya ko at pinaupo sa washing area. Umiiyak pa rin ako. Sinandal nya ang ulo ko sa balikat nya dahilan para ma access ko ang katawan nya at mayakap. Nararamdaman ko ang hininga nya sa batok ko ng biglang may pumatak na luha.

"I love you so much Lia."

umiiyak si Zin.

"Ayokong matapos ang oras na to."

Hinigpitan ni Zin ang pagkakayakap sa akin. Nasa pagitan ng mga binti ko ang bewang nya. Ramdam ko ang malamig nyang katawan.

Hinawi ko ang ulo ko para magkaharap kami. Yumuko si Zin.

Tinaas ko ang ulo nya. Sabay na pumapatak ang aming mga luha.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Tanong ko kay Zin habang hawak hawak ang kanyang mga pisngi.

Imbis na magsalita sya, sinunggaban nya ako ng halik. Madiin ito. Sobrang diin at sakop na sakop nya ang buo kong bibig. Inangkin ng dila nya ang buhay ko. Uhaw na uhaw si Zin.

Maya maya naramdaman ko ang kamay ni Zin na tinataas ang PE shirt ko. Dahan dahan nya itong tinataas at sinasayad nya ang kanyang kamay sa korte ng aking katawan.

Inihinto nya ang paghalik sa akin. At diretsong hinubad ng mabilisan ang PE shirt ko. Hindi ko na naramdaman na naka bra na lang ako sa harap ni Zin. Tinititigan nya ako.

"I love you Lia."

Sinunggaban nya ulit ako ng halik. Pero ibang way ang paghalik nya. Napakaromantic. Dahan dahan ang paglapat ng bibig nya sa bibig ko. Mabango ang kanyang hininga. Napapikit ako.

Ang kamay nya ay hinihimas ang likuran ko hanggang matuntun nya ang hook ng bra ko. Iniisip kong tatanggalin nya ng hininto nya ang pag halik at niyakap ako ng sobrang higpit. Naramdaman kong may matigas na bahagi sa puson ko. Sobrang tigas ng alaga ni Zin na ano mang oras ay kaya nitong wasakin ang tahimik kong ligaya.

"Lumayo ka sa kanya Lia."

Hindi ako makapagsalita. Yakap yakap pa rin ako ni Zin.

"Wag mong isuot ang singsing. Nasasaktan ako."

Bago pa ko makapagsalita, ay binalik ni Zin ang shirt ko. Sya ang nagsuot sakin nito. Pinababa nya ko sa washing area at iniharap sa salamin. Niyakap nya ko ng nakatalikod sa kanya. Ramdam ko naman ngayon sa likuran ko ang matigas nyang alaga.

Napapikit ako.
Nabasag ang katahimikan ko nang may kumatok sa pinto.

A VAMPIRE LOVES METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon