ZIN'S POV
May narinig akong pumalakpak after ko mashoor ang bola. Nilingon ko ito and nakita ko ang babaeng humingi sakin ng papel. Tinanong ko yung mga nakalaro ko kung kilala nila.
"Si Lia, kapatid ni Jaia yung girlfriend ko" sagot ni Mel.
Agad ko syang tinawag upang kamustahin nang makita ko syang tumayo at papalayo. Tumakbo ako papunta sa knya.
"Lia!Nilingon nya ko pero napapansin kong namumutla sya at tila babagsak.
Binilisan ko ang takbo. Nakakunot noo sya ng nasa harapan na nya ako.
"Sino ka?"Habang nagsasalita ako, agad syang natumba sa mga braso ko. Nagpapanic na naman ang puso ko kahit hindi naman kami ganun ka buhay. Hindi na din ako naririnig ng mga kaibigan ko dahil nakafocus sila sa pagbabasketball.
Huminga ako ng malalim at kinarga sya.
Lalo akong nag alala ng marinig ko syang magsalita..
"Wag mo kong pabayaan"..
Tumulo yung luha ko. Para bang pakiramdam ko hindi ako pwedeng mawala sa tabi nya. Napaka fragile nya. Ano kaya ang sakit nya at bigla bigla syang nahimatay.Inayos ko sya sa front seat ng kotse ko. Mabilis kong pinatakbo ang kotse hanggang makarating kami ng ospital.
Nagdadalawang isip pa ko kung sa bahay ko o sa ospital. Ayoko sa ospital. Amoy dugo at nahihilo ako na parang ang sarap magpakabusog.Malapit na kami sa ospital ng ihinto ko sa gilid ng daan. Kinuha ko yung panyo ko at tinupi ng pahaba. Tinakpan ko ang aking ilong at bunganga gamit ito at dali daling pinaandar at tinungo ang emergency room. Inilipat sya ng mga nurse sa isang kwarto. Hindi ako pwede magtagal dito. tinitigan ko muna si Lia ng ilang segundo. Ayoko syang iwan. Pumikit ako at umalis.
Mabilis kong pinatakbo ang kotse at pinuntahan ang bahay nila Lia.
Nandun ang mam nya at siguro yung isang babae ay si Jaia.
"Salamat iho. Ano ulit ang pangalan mo?"
Tanong ng mama ni Lia."Zin Carlos po."
BINABASA MO ANG
A VAMPIRE LOVES ME
Randomalam ni Lia na mali, pero habang lumalapit ng lumalapit ang kamay ni Zin sa puson nya, pababa nang pababa, unti-onting pinapasok sa kulay pink nyang pajama... napapikit si Lia. ano ba talaga ang meron sila ni Zin. bakit nangyayari ito. bakit laging...