the reality

536 24 5
                                    

"Dapat di kana pumasok. You're still unwell Lia", sabi sakin ni Fiji habang inaabot nya yung backpack ko para kunin at sya ang magbitbit.

Lunch time at napaupo kami ni Fiji sa garden dahil sa sobrang daming studyante sa canteen. Nag alok si Fiji na sya na ang bumili sa canteen at dito namin sa garden kakainin.

Habang papalayo si Fiji ay tinitignan ko sya. Napakabait nya sakin. Ang tagal na din namin magkasama... pero bat parang kulang? Bat parang di ko pa rin sya ganoon kakilala. Si Zin nga kahit tatlong araw pa lang akong irita sa kanya, parang for years ko na syang kilala. 

"Bat andito ka?"
Napalingon ako bigla sa likod ko. Si Zin. Naka black siyang shirt at nakapamulsa. Nakababa yung balikat nya kaya halatang malungkot sya.

"Uhm, marami kasing..." di ko natapos yung sinasabi ko ng bigla nya akong hinatak.

"Teka Zin, nasasaktan ako. San tayo papunta." Parang iiyak ako sa sakit ng kanyang pagkakahawak. Nilingon ko ang bench na inuupuan ko. Naiwan ang mga gamit ko.

Dire-diretso lang kami ni Zin. Mabilis yung lakad namin. Nasa labas na kami ng school ng bigla kaming huminto. Di nya pa rin binibitawan kamay ko.

"Lia.."
Mahinang mahina ang boses ni Zin. Tinignan ko sya, nakayuko sya. Inikot ko yung paningin ko sa paligid namin, walang tao. Walang dumadaang sasakyan. Walang mga tinda sa tawid. Unti onting dumidilim ang paligid. Natakot ako.

"Zin!"
Napayakap ako ky Zin ng maramdaman kong lumalamig sya lalo. Ibang lamig. Mas iba sa lamig na naramdaman ko ng una naming pagkikita.

"Lia, makinig ka."
Nakatago yung mukha ko sa dibdib ni Zin. Tumutulo yung luha ko ng di ko alam. Wala akong naiintindihan. Ayokong bumitiw sa pagkayakap sakin.

Iniangat ni Zin ang ulo ko para makita ko yung mukha nya.

"Lia. Nakikita mo ba to."
Tinuro nya muna yung mata nya. Sobrang pula. Parang sasabog yung mga ugat ng mata nya. Maya maya tinuro nya naman yung bibig nya. Onti unti nya itong binuka.

Napabitaw ako sa yakap kay Zin at napatakip ng bibig.

"Zi..i..in."
Di ako makapagsalita.

A VAMPIRE LOVES METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon