his on my way

2.3K 48 1
                                    

"Baby bat hindi mo suot ang singsing na binigay ko?"

Nahalata ata ni Fiji na wala sa daliri ko ang singsing. He hates it pag hinuhubad ko. Ano dw ang saysay ng singsing pag hindi sinusuot.

"Uhm. Nilinis ko babe. Sorry."
"Ganun ba. Okay lang babe. Basta isuot mo agad yun ah. Proteksyon mo yun."

Malapit na kami sa canteen ng higpitan ni Fiji ang pagkakahawak sa kamay ko. Masakit ito. Pahigpit ng pahigpit. Nabaling agad ang atensyon ko ky Mel na kumakaway.

"Babe dun daw tayo oh."
"Mauna kana babe. I'll buy our meal."

Nauna ako sa table. Agad naman ako niyakap ni Mel at nagbiro.

"Alam mo Lia. Mas maganda naman talaga si Jaia sayo kaso ang sarap mo mahalin. Haaay. Kung andito lang si Jaia. Ganun din ang sasabihin nya sayo."

"Ano ang ibig mong sabihin Mel? Baka namimiss mo lang si Jaia."

"Wala ka nga talagang alam Lia."

Nagtataka na ako sa pinagsasabi sakin ni Mel. Feeling ko meron silang alam ni Jaia na hindi ko alam.

"Ano ka ba. Lagi akong inaaway ni Jaia."
Nilihis ko ang usapan namin ng biglang may lumapit sa table namin.

"Oy Zin. Nabili mo ba? Sorry ah. Masakit kasi tong tuhod ko kakabasketball natin kahapon. Dito kana."

Umusog si Mel dahilan ng pagkakaharap namin ni Zin. Nakatingin ako ky Mel na may pagtataka. Nakikita ko si Zin na nakatitig sakin kahit wala sa kanya ang tingin ko.

Bat kinakausap ni Mel si Zin e sya nga tong pumatay sa girlfriend nya. At magkasama pa sila kahapon nga basketball. Ano ang meron dito.

Namuo ang katahimikan sa pagitan naming tatlo ng umupo si Fiji sa tabi ko.

"Babe eto na ang meal natin. Okay lang ba sayo ang chicken fillet?"

Di ko marinig ang mga sinasabi ni Fiji pero alam kog kinakausap nya ko. Hinawi nya ang balikat ko para humarap sa kanya at bigla nya ako sinunggaban ng halik.

"Ang sweet niyo talaga."

Pang aasar ni Mel.

"Ganun medicine nya pag natutulala o malalim ang iniisip nya. Haha"

Pagbibiro pa ni Fiji. Tahimik pa rin si Zin ma kumakain. Dahan dahan lang anh pagsusubo nya ng banana cake. Banana cake? Ganun din ang halos kinakain ni Fiji. Minsan nga nagrequest sya sa school admin na magkaroon ng banana cake lagi sa canteen. Magpinsan nga sila.

"So. Kamusta ang bakasyon mo aking pinsan?"

Nagulat ako ng kausapin ni Fiji si Zin. Inaabangan ko ang unang salita na bibigkasin nya. Ganun pa rin kaya sya magsalita?

"Hinahanap ka nila. Magparamdam ka rin daw sa Fort."

Kahit labas ako sa usapan nila, gustong gusto ko pa rin magtanong.

"Babe bat di mo ginagalaw yang pagkain mo?"

"Ah, eh. Busog pa ako."

"Nako sayang Lia. Akin na lang yan."

Hinila ni Mel ang tray ng meal ko at pinagpyestahan.

"Babe mag c-cr na muna ako. Mauna kana sa gym. Yung p.e uniform mo nasa locker ko. Kunin mo na lang din".

Di ko na inantay si Fiji na magsalita at tumalikod papalayo.

A VAMPIRE LOVES METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon