Tatlong taon na ang lumipas, i am still trying to adapt the changes in my life. I stopped schooling because of my health.
"Lia, sasama ka na ba talaga kay Zin?"
Maluha-luha si mama habang tinutulungan nya akong mag impake ng gamit ko.
"mahal na mahal kita anak. Ikaw na lang ang natitira sakin".Niyakap ko si mama. Alam kong di niya oa rin matanggap ang pagkawala ni Jaia sa piling niya. Si manang Ruth na katulong ni mama na ang makakasama niya sa bahay pagkaalis ko.
"Manang nasa pinto ng ref ang mga gamot ni mama. Sinulat ko na din don ang schedule. Wag ka mag alala, bibisitahin ko kayo lagi".
Pababa ako ng hagdan habang nilalatag kay manang Ruth ang mga bilin ko nang biglang may kumatok sa gate."Si Zin."
Sabay naming sinabi ni mama.
Si manang Ruth ang nagbukas ng gate at bumalik naman ako ng kwarto para malabas ko na ang aking mga gamit.Wala akong naririnig na ingay mula sa sala. Dapat naririnig ko na ang boses ni mama. Nagmadali akong lumabas ng kwarto para tanawin mula sa taas ang sala.
Nagkalat na dugo at nakahandusay na mga katawan ang nakita ko mula sa taas. Nakahiga si manang Ruth malapit sa pintuan. Duguan at walang malay. Tumatalbog ang dibdib ko sa kaba at hinagpis. Dahan-dahan akong bumaba para hanapin si mama.
Lumagpas na ako ng sala at malapit na sa labas ng bahay. Nakayuko akong sinusundan ang dugo palabas ng bahay.
"Liaa.."
Kilala ko ang boses na yon. Malamig at yon ang nagpapatahan sa akin. Yung boses na nakakaramdam ako ng kaligtasan.Iniangat ko ang ulo ko para makita siya. Si Zin. Para makita at mayakap siya pero parang mali ako.
Kitang kita ng dalawang mata ko ang dugo sa kanyang bibig. Karga karga niya si mama. Para akong tinusok ng kutsilyo nang pagkalalim sa dibdib ko.
Ang taong mahal na mahal ko ang papatay sa pamilya ko. Hindi ko nakayanan at tumakbo ako papunta ky Zin para sampalin at itulak sya papalabas ng gate.
"Lia sorry, hindi ko..."
Di ko kayang marinig ang paliwanag ni Zin."Tama nga naman talaga si Fiji dati pa. Pagkatapos mong patayin si Jaia, sinunod mo pa ang taong nag aruga sakin. Ang nagturing saking pamilya, ano ba ang kasalanan ko sayo Zin? Akala ko.. akala ko mahal mo ako.. lumayas kaaaaa!"
Nanghina ako. Di ko kayang makita ang mga dugo. Binuhat ko ang ulo ni mama at sinandal sa braso ko. Niyakap ko si mama buong araw. Di ako makakilos.
BINABASA MO ANG
A VAMPIRE LOVES ME
Randomalam ni Lia na mali, pero habang lumalapit ng lumalapit ang kamay ni Zin sa puson nya, pababa nang pababa, unti-onting pinapasok sa kulay pink nyang pajama... napapikit si Lia. ano ba talaga ang meron sila ni Zin. bakit nangyayari ito. bakit laging...