Chapter 3: Anonymous Guy

39 3 0
                                    

---

Kylie's point of view ..

Nasa kwarto ko ngayon nakatingin sa kisame . "Namimiss ko na si Tiff" bulong ko sabay may tumulong luha sa mata ko .

Biglang pumasok si kuya Ken sa kwarto ko . Bigla kong pinunasan ung luha ko para di nya mapamsin na umiyak ako.

"Kht punasan mo pa yang luha mo alm kong malungkot ka dahil wla na si Tiff" biglang sabi ni kuya

Hindi ako nag sasalita . Bigla syang umupo sa tabi ko .

"May mga bagay talaga na kailangan mawala pero may dadating na panibago para makita mo ung rason kung bakit to nawala sayo" sabi ni kuya

Ang lalim ng sinabi nya pero wala manlng akong maintindhan. Ngumiti na lng ako sa kanya.

"Bumaba ka na Ky kakain na tayo sa baba tumawag si ian sakin may pupuntahan daw kayo" Sabi ni kuya.

"Ah oo bday kase nung kapatid nya Si Ira" sabi ko .

"Ah ganun ba . Bilisan mo na susundin ka daw nya mamayang 9am" sabi ni kuya at bumaba na sya.

"Teka ? 9am ? Parang ang aga naman" sabi ko sa sarili ko at bumaba na rin ako.

Pagkatapos kong kumain naligo na ko at nag ayos ng sarili ko at tama nga 9am na at dumating na si Ian.

"Good morning Ky!" sabay ngumiti sya ng napakalapad saka Ako niyakap mg mahigpit.

"Good morning din , bkit ang aga mo Ian alm ko mamaya pa ung start ng party ni Ira diba ?" Tanong ko.

"Oo nga , pero may pupuntahan tayo tara na daliii!" Hinigit nya na ko at nakasakay na kmi sa kotse nya Hindi sya pwedeng mag drive kase wala pa syang lisensya at his only 17 so bawal pa syang mag drive mag isa kaya may sarili syang driver ska ayaw ni Tito syang pagdriver-bin mag isa dahil muntik ng maaksidente nun si Ian .

"San ba tayo pupunta Ian?" Tanong ko .

"Basta malalaman mo rin"sabi nya.

Isang oras din ung byahe at hindi ko alm kung san ba ko dinala ni Ian. Bumaba na kmi ng sasakyan .

"Ang ganda" namangha ako sa nkita ko at nasa isang malawak na garden ako ibat ibang bulaklak at ang tahimik sobra.

"Nagustuhan mo ba Ky?" Tanong nya "Oo nman " sabi ko.

"Bakit mo ko dinala dito Ian?" Tanong ko.

"Birthday mo na nextmonth diba? Kaya naisipan kong dalhin ka dito dahil alm kong mahilig ka sa bulaklak" sabi nya.

"Oo nga nextmonth pa . Bat ang aga naman ata ng surprise mo sakin? " tanong ko.

"Paalis na ko Ky . Mamaya na ung flight ko papuntang Korea"Sabi nya . Bigla na lng akong nalungkot. Inakbayan nya ko bigla at sinabing "wag kang mag alala babalik ako after 3 months may kailangan lng akong dapat asikasuhin ." sabay ngumiti sya ng napakalapad pero di ko parin maiwasang malungkot.

Sinabi ko kay Ian na maglalakad lakad muna ko sa paligid. Malayo malayo na ung nalalakad ko.

May nakita kong nag papalipad ng saranggola at tumakbo ko papunta dun pero wala kong naabutan. Naisipan ko na lng na bumalik kela Ian. Pero nag pahangin muna ko sa ilalim ng isang puno at di ko namalayan na nakatulog na pala ko.


-----


Ian's point of view ..

Bat kaya antagal ni Ky? Dalwang Oras na pero di pa sya bumabalik . Nag desisyon akong hanapin sya.

"Ky? Kylie? Nasan ka na ba? Yuhooo?" Sigaw ko . "Aray ! anak ng kabayo "sabi ko sa sarili ko . "Kapag minamalas ka nga naman ngayon pa ko nag kasugat sa paa malas talaga Ang Engot engot mo Prince Ian Park!" Sabi ko sa sarili ko "Nasan na ba kase tong si Kylie kung san san naman nag susuot e .

Nkakita ako ng malaking puno at napansin kong may tao doon kaya pumunta ako. Hindi ko mabilisan ung pag lakad ko kase medyo masakit ung paa ko.

Mayamaya nakarating na ko sa puno At tama nga ung hinala ko nandito nga si Kylie tulog na tulog habang nakasandal sa puno .

"Oy Kylie wake up , we need to go" sabi ko sa kanya.

"Huh?" Nag uunat pa sya pero hinila ko na sya patayo at di inaasahan natumba kaming dalawa .

"Aray ko naman ang malas malas ko ngayon sobra!"sabi ko .

"Ian nadugo ung paa mo anong nangyre dyan?" Nag aalalang tanong ni Kylie.

"Natusok ata ng kung ano" sabi ko .

Unang tumayo si Kylie. Tatayo na sana ko ng biglang May lalaking nakabangga kay Kylie . Naka black na leather jacket at black na sombrero na may nakalagay na M ung lalaki . Bigla akong tumayo . "sorry Kylie" sabi nung lalaki. Nag taka ako . Bigla kong hinigit si Kylie papunta sakin at halata sa mukha ni Kylie na nagulat rin sya . Hindi nag tagal umalis agad agad ung lalaki .

"Narinig mo un Ian? Tinawag nya kong Kylie?" Sabi nya.

"Oo Ky nag tataka rin ako kung bat sya balot na balot at kung pano nya nalaman ung pangalan mo" sabi ko.

Inalalayan ako ni Kylie para makapunta na sa sasakyan . Tahimik pa rin sya ngayon mga ilang minuto pala ung byahe tulog nanaman sya. Hayss "antuking Kylie" Sabi ko .

Papunta kami ngayon sa mall para bumili ng regalo para Kay Ira mamaya panaman ung start ng party so mkakahanap pakami ng mgandang Gift para sa kanya . Nasa parking lot na kmi ginigisng ko si Ky pero ayaw talaga.

"Ky? Tamo! Pag di ka gumising hahalikan kita bibilang ako ! 1..2..----" Hindi ko na tapos ung sasabhin ko dahil tinulak nya ko . Amazona talaga to aba.

"Pervert!" Sabi nya sabay labas ng Kotse . "Feeling mo naman gagawin ko un. Pero pwede din kung sasabhin mo gagawin ko HAHAHA!" Sabi ko.

"Araayyy! Joke lng naman e! Sumosobra ka na ha! Lagi mo kong binabatukan!" Sigaw ko. Nag tinginan un mga tao samin sa may entrance dahil ang lakas ng boses ko nag peace sign na lang ako Hehe .

"Dun tayo sa may jewelries Ian mahilig naman si Ira sa mga Necklace , earings at Bracelet Diba?" Tanong nya.

"Oo sige tra" sabi ko..

----

Hello Guys? Sabi ni author Mag pakilala daw ako :) .
Ako si Prince Ian Park Half Korean . Because my Dad is Pure Korean and my mom is pure Filipina. 17 yrs old ako . Hearthrob daw ika nga dahil hindi mapag kakaila na pogi ako . (Nag mana kase ko kay Daddy :P ) . And ako nga rin pala ang isa sa mga Bestfriend Ni Sabrina Kylie Tejada A.KA. Ky . Sayang lng paalis na kase ko papuntang Korea mamaya pero pupunta muna kong ospital para mapatingnan ung sugat ko. Nagtataka siguro kayo kung bat sobrang close na close kmi ni Kylie? . I guess? basta malalaman nio sa mga susunod na mangyayare ;) .

-

(Sino kaya ung lalaking Bumunggo kay Kylie? konektado kaya sya kay Kylie ?)
malalaman nio sa mga susunod na Pangyayare ;) .


Itutuloy ...

"You Know My Name Not My Story"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon