↠↠ Minimalism

16.3K 158 70
                                    

Dati, ang hilig kong bumili ng kung anu-ano lalo na lipstick products at damit. Kahit wala akong pera, mag-iipon talaga ako para mabili ang gusto ko, kahit hindi bagay, malaki ang size o di kaya maliit sakin; basta gusto ko, bibilhin ko.

Mahilig akong manuod ng mga youtube videos kaya doon ko nalaman ang tungkol sa konsepto ng minimalism.

Kahit paunti-unti, inaapply ko sa sarili ko yung pagiging minimalist.

Everytime na nagde-declutter ako ng damit, hindi ko mapigilang mag-hoard parin syempre dahil may sentimental value o di kaya gusto mo talaga yun kahit hindi kasya sayo at minsan mo lang sinuot pero dumadating sa time na ready nako mag-let go. ~hugot~

Ganun din sa make-up products ko. Ang dami kong make-up dati pero hindi naman nagagamit lahat lalo na ang mga lipstick. Sa ngayon, kung mapapansin nyo sa previous make-up tutorials ko, halos pare-pareho lang ang ginagamit ko. Sinusubukan kong huwag bumili hanggat mayroon pa para iwas gastos.

Yun ang inaapply ko muna sa minimalism, ang pag iwas sa gastos. Pero ngayon, inaapply ko din ang ibang concept nito.

Malaki ang naitulong sakin ng pagiging minimalist. Helping me identify things what I really need and not things that I only want.

Ang halos gastos ko ngayon is yung pag-travel at pag hang-out sa mga kaibigan ko kahit madalang, okay lang. Nakakapag-ipon naman ako kahit papaano.

Mas naging wise ako sa pagbili ng damit at mga gamit. May mga pagkakataon na nakakabili ako ng bagay na gusto ko pero alam ko naman sa sarili ko na gusto ko talaga yun at I know that it will make me happy and motivated. Hello, home decors!

I don't consider myself as 'minimalist' minimalist (if you know what I meant). Until today, I'm trying. I'm trying to be better me.

I hope you gals will give it a try because I will guarantee you that it's helpful and will help you to build yourself.

If you want to know more, try to watch youtube videos about it and how to start. Or even, try to read articles and blogs about minimalism.

Always,

Patricia ☕🍂

Teen Tips 2020 (Re-Writing/Updating)Where stories live. Discover now