IHP 3

34.9K 780 9
                                    

IHP 3




Pagka hatid sa akin ni Sir Austin kahapon ay kaagad din siyang nag paalam. Ang sabi niya ay sa susunod na lamang ako na flight pumasok ngunit bukas pa iyon. Si Sir Austin naman kase ay napaka gulo dahil sa lahat nang pwedeng hatakin ay ako pa ang naisipan niya.

Ano naman ang gagawin ko dito? Wala akong maisip na gawin lalo na't mag-isa lamang ako dito sa condo unit namin. Naiiling akong tumayo saka nag lakad patungo sa kusina. Naisipan ko na lamang mag hurno upang maibsan ang pagka balisang nararamdaman ko.

Makalipas ang ilang oras ay natapos akong mag hurno ng sampung iba't ibang klase ng cakes at cookies. Kawawa talaga ang kusina sa akin kapag natapatan ako nang sobrang kawalang magawa. Anong gagawin ko dito? Hindi ko naman kayang ubusin lahat ito! Napabuntong hininga ako saka sinubsob ang mukha ko sa lamesa. Napakunot ang noo nang may marinig ang tunog mula sa doorbell. Kaagad akong tumayo saka nag lakad patungo sa pintuan saka pinihit ang siradura nito.

Mabilis na kumalabog ang puso ko nang makita ang taong nasa harapan ko. "Sir Austin?"

Anong ginagawa niya dito? Napatingin ako sa suot nito at agad na namangha sa kakisigang taglay niya kahit na naka simpleng navy blue button down polo at puting board shorts lamang siya na pinaresan niya ng topsider. Napasinghap ako saka pilit na isinantabi ang naisip. Kunot ang noo nito at seryosong naka titig sa akin.

"Can I come in, Maddisson?" malalim ang boses nitong tanong sa akin.

Kaagad akong tumango saka nilakihan ang bukas ng pintuan. "Oo naman... Pasok ka."

Inumwestra ko ang loob at pinauna itong pinapasok. Iginiya ko ito papunta sa salas at pinaupo sa sofa. Napaawang ang labi ko nang biglang maalala ang mga cake at cookies na hinurno ko. Ipauwi ko nalang kaya sa kanya yung iba? 

"Sir Austin, sunod ka sa akin..." sabi ko dito at ikinilos ang kamay kong parang inaaya ito.

Kumunot ang noo nito saka tumaas ang isang kilay. "Call me Sir again and I'll fire you." walang kabahid bahid nang pagbibiro nitong sabi.

Napakagat ako sa labi ko saka tumango. "Sabi ko nga! Tara, Austin..."

Nabalot ang mukha nito sa pagtataka ngunit ngumiti lamang ako at nag lakad na patungo sa kusina kung nasaan ang mga cake at cookies na hinurno ko. Kaagad din naman itong sumunod sa akin. Umupo ako sa bar stool malapit sa tapat ng counter at pinagmasdan siyang namamanghang naka tingin sa mga gawa ko.

Tinagilid ko ang ulo ko saka ngumiti dito. "Maupo ka. Ano ang gusto mo? Wala kase akong magawa dito sa condo kaya naisipan ko na lang mag-hurno..." sabi ko sa kanya.

Ngumuso ito saka umangat ang isang sulok ng labi. "Ibang klase ang depinisyon ng paglalaro mo para maibsan ang kawalang gana mo, Maddisson..."

Nahihiya akong ngumiti dito. "Hindi naman. Mahilig lang talaga akong mag-hurno... Anong paborito mong cake?"

Tumango ito. "Dulce de Leche, Red Velvet tsaka Chocolate Mousse..." tipid nitong sabi.

Kumuha ako ng platito at pinaghiwa ko ito nang Mango Bravo saka kumuha ng kahon para ilagay ang mga cake na paborito niya. Inilagay ko duon ang Dulce de Leche, Red Velvet at Chcolate Mousse. Umupo ako sa harapan nito saka pumangalumbabang pinag masdan ito habang kumakain nang gawa ko.

Malawak akong napa ngiti nang makitang kinakain nito ang gawa ko. "Iuwi mo na lamang ang mga paborito mong cake sa bahay mo... Wala talaga akong magawa ngayon saka tamad na tamad na ako kaya naisipan kong mag-hurno. Nagiging halimaw talaga ako kapag nasa kusina..." natatawa kong sabi.

I'M HIS POSSESSION (Nepumoceno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon