IHP 4
"I missed you, babe!" wika ni William saka mahigpit akong niyakap.
Ngumiti ako saka niyakap ito pabalik. "Na-miss din kita, babe. Kumain ka na ba?"
Tumuwid ito nang tayo saka nag kamot sa kanyang batok. "Hindi pa..." natatawa nitong sabi.
Kumunot ang noo ko. "Mag bihis ka muna at magluluto ako. Light or heavy?" tanong ko dito.
Lumapit ito sa akin at mabilis na nag nakaw nang halik sa aking labi. Napangiti ako. "Salamat, babe. Heavy meal, please? Sobrang pagod at gutom ako..."
Lalong lumawak ang ngiti ko. "Sige, mag bihis ka na.
Sumaludo ito. "Aye aye, Captain." tugon niya at nag lakad papuntang kuwarto.
Napailing na lamang ako at napa nguso. Ano kayang lulutuin ko? Pwede na siguro ang steak at red rice? Sobra talaga akong nasabik sa pagbabalik ni William. Pagkatapos kong mag luto ay kaagad din kaming kumain ni William ng hapunan.
Tahimik lang kame pareho hanggang sa maubos namin ang niluto ko. Nagligpit ako at nag aya itong pumasok sa kuwarto pero gusto kong manood ng palabas!
"Pwede ba tayong manood ng palabas, babe?" malambing kong tanong dito.
Huminga ito nang malalim. "I'm sorry, babe. I'm really tired and you know that I don't watch romantic movies, right?" hinalikan ako nito sa noo. "Ikaw na lang, babe."
Nag lakad na ito patungo sa kuwarto namin at iniwanan akong naka tayo dito sa salas. Napayuko ko at biglang naka ramdam nang lungkot. Ganoon nalang siya palagi! Ano ba ang masama sa panonood nang nakaka kilig na palabas? Huminga ako nang malalim saka umupo sa sofa.
Namili ako nang papanoodin at nag pasyang isang science fiction na palabas ang aking papanoodin. Kumunot ang noo ko nang biglang tumunog ang telepono ni William. Naiwan niya ito sa lamesa. Tumayo ako at nag lakad papalapit sa lamesa at inabot ang telepono niya. Naupo ako sa sofa at tinitigan iyon. Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang bumigat ang dibdib ko.Binuksan ko iyon ngunit may passcode. Kaylan pa nag lagay ng passcode si William? Lalo lamang kumalabog ang dibdib ko. Pumikit ako nang mariin at isinantabi iyon. Napatingin ako sa screen at mayroong preview ng mensahe duon.
Unknown number:
William, we really need to talk. It's about....
Napapikit ako nang mariin nang duon huminto ang mensahe. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at ipinagpatuloy ang panonood ng palabas. Sa kakanood ko ay hindi ko namalayang binalot na pala ako nang antok at naka tulog.
"Babe... babe? Wake up..."
Kumunot ang noo ko saka naalimpungatan nang marahang tinapik tapik ni William ang pisngi ko. Napa awang ang labi ko nang makitang naka bihis ito ng uniporme. Bakit siya naka uniporme? Ang alam ko ay wala siyang pasok ngayon! Ako naman ay mamayang madaling araw pa ang pasok.
Kumunot ang noo ko. "May pasok ka?" tanong ko dito.
Tumango ito. "Oo, babe. Nagka-sakit kase yung isa sa mga piloto tapos ako lang yung available kaya kinuha ko na. Sayang din. I'll be back next week..."
Lalong napakunot ang noo ko. "Sa susunod na linggo?"
Huminga ito nang malalim saka tumango. "I'm going to be the pilot of a band, babe... World tour."
Pinag salikop ko ang mga kamay ko saka tumango. "Ah, sige! Aalis ka na ba? Kumain ka na?"
"Kumain na ako. Aalis na ako. Magiingat ka ha?" paalala nito.
BINABASA MO ANG
I'M HIS POSSESSION (Nepumoceno Series #1)
RomanceBumaba ang halik nito sa panga ko pababa sa leeg ko habang sinisimulang haplusin ang iba't ibang parte ng katawan ko. Napasinghap ako nang haplusin niya muli ang gitna ng mga hita ko. Para akong napapaso sa bawat pag haplos niya sa akin. My skin bec...