Epilogue

29.9K 507 53
                                    

Epilogue

"Congratulations Mr. and Mrs. Nepumoceno. You are 3 months pregnant..."

Nanlaki ang aking mga mata at halos sumabog ang nag-uumapaw na saya sa aking dibdib. Niyakap at binuhat ako ni Austin ng paikot ikot. Nangilid ang luha sa aking mga mata. He looks so happy. This scene is just so priceless. Hinalikan niya ako sa noo at ini-upo sa upuan.

"God. Thank you so much for this wonderful gift baby, you don't know how happy I am that you're going to be the mother of my child and future children.."

Hinawakan ko ang mga pisngi niya at hinaplos ito gamit ng thumb ko.

"I am happy too aus, that you are going to be the father of my children.."

Hinawakan ng isang kamay niya ang aking kamay at pinagsalikop ang aming mga daliri, hinalikan niya muna iyon bago siya humarap kay doctora na ngayon ay naka-ngiting pinapanood kame.

"But doc, is it normal na maliit pa lang ang tummy ni Maddisson? Is our baby healthy?" Nagaalalang tanong ni Austin.

Ngumiti si doctora. Doctora has been the doctor of mommy too noong pinag bubuntis niya ako. She's in her mid 50's right now.

"Normal lang iyon sa kanya, dahil maliit lamang mag-buntis ang asawa mo, and don't worry your baby is healthy.."

Napangiti ako lalo. Ang sarap pakinggan ng 'asawa mo'. Bumalik naman ang saya sa mukha ni Austin. Tumabi siya saakin at pinatong ang kamay niya sa likod ng aking upuan.

"How about the gender of the baby doc? When will we know if it's a girl or a boy?"

"By 4 or 5 months pwede na nating malaman ang gender ng baby ninyo.." Paliwanag ng doctora.

"How about maddisson? Is there something she can't eat? Something she needs to eat and drink? Do's and dont's? Does she need to stay in bed everyday?"

Napangiti kame pareho ng doctora. Pinanood ko na lamang sila habang nag-papalitan sila ng mga salita. Nakakatuwang tignan si Austin. He looks so excited to be a father. Nakakataba masyado ng puso. Napakadami niyang tinanong kay doctora, kala mo nga ay siya ang nagbu-buntis. Tumayo na kame ng matapos ang napaka dami niyang pag tatanong.

"Thank you so much doc.." Ani Austin.

"Salamat po." Sabi ko ng naka-ngiti.

"Walang anuman Mr. and Mrs. Nepumoceno, drop by after 2 weeks for your check up alright?"

Tumango ako. Nakipag kamayan sa kanya si Austin. Mommy and daddy will be surprised when they found out! Especially daddy! He's too excited to have a grand child, panigurado ay magiging spoild ang anak ko kay daddy pati na rin dito kay Austin. Napailing na lamang ako. Pinadausdos ni Austin ang kanyang braso sa aking bewang ng mag lakad na kame palabas. Bumaba kame sa pharmacy para bilhin ang mga vitamins na kaylangan kong inumin. Pina-upo niya ako sa bench.

"Wait here, don't move, alright?"

Natawa naman ako sa kanya pero tumango. "Yes sir, I'll wait here.."

Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko. "Good. Mabilis lang ako."

Pag kasabi niya noon ay nag lakad na siya papunta sa pharmacy, sinundan ko lamang siya ng tingin. Ng papa alis na siya at sumalubong ang mata ko sa isang masayang pamilya. Mukhang bata pa ang babae at may katandaan naman ang lalake sa kanya. Ang cute cute ng anak nilang dalawang lalake. Ang isang anak nila ay naka piggy back ride sa tatay nila ang isa naman ay buhat buhat ng tatay niya sa isa pa niya pang bisig. Ang nanay naman nila ay parang hinahabol sila. Napa-ngiti ako. Sana ay maging ganyan kasaya din kame balang araw bilang pamilya.

I'M HIS POSSESSION (Nepumoceno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon