IHP 29

20.9K 428 17
                                    

IHP 29

Nagising ako na nasa isang puting kwarto. Napatingin ako sa gilid ko at may nakaturok na IV fluid saakin. Napahinga ako nang malalim at bumuntong hininga. Bigla nanamang nag-tubig ang mga mata ko ng maalala ko ang nangyare kay Austin.

Dali dali akong bumangon at dinala ang IV fluid palabas ng kwarto. Naabutan ko doon si Mommy, si Kuya at si Mon na nag-uusap. Malulungkot ang mukha nila at napansin kong si Mon ay namumula ang mga mata. Napatingin sila saakin.

Umatras ako. Ayokong marinig. Ayoko. Lumapit saakin si Mommy at niyakap ako ng mahigpit.

"Anak..." Garagal ang boses ni Mommy, nanginginig ang katawan nito.

Tumingin ako kay Kuya pero nag-iwas lang siya ng tingin. Ganoon din ang ginawa ni Mon. Unti unting bumigat ang paghinga ko at napahagulgol na sa braso ni Mommy. Ramdam na ramdam kong parang may kutsilyo na paulit ulit na tinutusok sa dibdib ko.

"Ma, hindi... H-hindi pwede, Ma... Babalik pa siya, diba? May inaasikaso lang siya ngayon..." Umiling ako. "Ma... Ang sabi niya sakin may aasikasuhin lang siya tapos babalik na siya kaagad sakin... Ma... Ma... M-ma, hindi ko kaya..." Napa-upo si Mommy at humagulgol.

Hinawakan ako sa magkabilang braso ni Kuya. Nanghihina kong sinuntok suntok ang dibdib niya habang nanglalabo ang mga mata. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga labi at kamay ko.

Tumingina ko sa mga mata nito at kitang kita ko ang lungkot at sakit dito. "K-kuya, hindi naman, diba? Ayoko... Ayokong marinig... Hindi totoo 'yun, Kuya... Si Austin pa? Malakas yun, Kuya... Kayang kaya niyang lagpasan yun... Monster ko yun eh... Kuya, please..." hagulgol ko.

Hinawakan ni Kuya ang mga kamao ko at niyakap ako ng mahigpit. Humagulgol ako sa kanya at nanghihinang dumantay. Napailinga ko saka napahawak nang mahigpit sa dibdib ko. Biglang nanghina ang mga tuhod ko at nawalan ng lakas kaya nawalan nang balanse. Buti na lamang at hawak ako ni Kuya. Inalalayan niya ako at pinasok muli sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at humarap sa kaliwa. Nanghihina kong niyakap unan ko saka pumikit.

Napapikit ako nang mariin. "Kuya..." Tawag ko sa kanya.

Narinig ko ang pag hinga nito nang malalim. "Yes, princess?"

Humikbi ako at kinagat ang nanginginig kong labi. "Anong sabi ni Mon?"

"Magpahinga ka muna, Princess..." May sakit sa boses nitong sabi.

Napaupo ako sa kamay ko at humarap dito. "Kuya, no! Gusto kong malaman. I have all the rights to know! Please... Please tell me..." nanghihina kong sabi.

Huminga nang malalim si Kuya saka yumuko. "Noong sumabog daw yung eroplano na sinasakyan nila ay nag-crash ito sa isang isla... Nasunog lahat ng mga katawan, kasama na doon ang katawan niya... Ang katawan ni Austin..."

Napahigpit ang yakap ko sa unan ko at lalong napahagulgol. Napailing ako kasabay nang paglawa ng mga luha sa aking mukha. My poor baby... Bakit? Bakit kaylangan niyang masunog? Iniisip ko pa lang na nahihirapan siya habang may apoy sa katawan niya ay hindi ko na makayanan.

Humiga ako saka tumalikod kay Kuya. "K-kuya please leave me, gusto ko munang mapag-isa..."

"Pero, Princess-"

Pumikit ako nang mariin. "K-kuya, please... Please..."

Bumuntong hininga ito. "Okay..."

Narinig ko ang mga yapak ni Kuya at ang pag bukas at sarado niya sa pinto ng kwarto. Binitawan ko na ang kanina ko pang pigil na iyak. Tangina. Ang sakit. Ang sakit, sakit. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati si Daddy ay kukunin Niya sa akin. Napa-ungol ako nang maramdamang sumisikip nanaman ang dibdib ko kasabay ng mga kutsilyong tumutusok dito.

I'M HIS POSSESSION (Nepumoceno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon