IHP 23

18.9K 440 4
                                    

IHP 23

Pagka-tapos ay umalis na ako sa condo ni Sophie. I want to try again today.. Lagi akong nagpupunta sa mansyon niya, hoping that he'll face me, hoping that he'll let me back in his life. Pinaharurot ko ang kotse ko papunta sa mansyon ni Austin. Pag karating ko ay nanatili ako sa loob ng kotse ko. Maliwanag sa loob kahit gabi na, madami ding naka parada na kotse. Maybe there's a party? Good thing I'm wearing a red dress. Sinuot ko ang shades ko at pinasok ang loob ng mansyon niya. The gate is open. Ang mga guards ay may inaalalayang matatanda.

Bumaba ako ng kotse ko at pumasok sa mansyon. Madaming tao, mga naka suit, long gowns and cocktail dress. Ang elegante nila lahat tignan. Nag tago ako sa may wall ng makita ko si Austin na naglalakad papunta sa kung nasaan ako kasama ang isang magandang babae. Nakikipag tawanan siya dito habang naglalakad. She looks so sophisticated. She's wearing a black body hugging dress. Kinagat ko ang labi ko. Unti unting nanikip ang dibdib ko. Huminga ako ng malalim. I don't want to make a scene here. Babalik na lang siguro ako sa ibang araw. Mabilis akong nag-lakad ngunit may humawak sa braso ko.

"Maddisson?"

Shit. Humarap ako sa kanya.

"Mon..." I said.

"Are you finding austin? He's over there, let's go.. Sasamahan kita."

No. No please.

"No, no. It's fine, actually I'm going home."

"Bakit naman? Ang aga pa ah? Halika na..."

Wala na akong nagawa dahil hinatak niya ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko at mariing kinuyom ang kanang kamao ko. Unti unti kameng napapalapit kay Austin. I missed him. Ang tagal ko siyang hindi nakita. He still looks so dashingly hot and handsome. Ang saya niyang nakikipag tawanan sa babae. Napatingin siya saamin pati ang kasama niya. Unti unting napawi ang ngiti sa labi niya at napalitan ng walang emosyon. Inakbayan siya ni mon.

"Aus, I saw your girl hanging around kaya sinamahan ko na siya dito, kanina ka pa ata niya hinahanap." Masayang sabi niya.

"What are you doing here?" Madiing tanong ni Austin.

Kinurot kurot ko ang mga daliri ko. "I was hoping that we could talk..." I finally said it!

Hinawakan niya ang braso ko at hinatak ako. Narinig ko ang pag tawag saamin ni mon. Ngunit hindi iyon pinansin ni Austin. Umakyat kame sa itaas at dumiretso sa kwarto niya. Sinarado niya iyon at ni-lock. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nanatili ang mga mata niya sa aking mga mata.

"What are you doing here? Didn't I tell you that we're done?!" Iritado niyang sabi.

"I just want us to talk..."

Namumuo na ang luha ko. Why does he have to be so rude?

"Maddisson, cut it out.."

Yumuko ako at umiling. "I... I don't want to break up Aus.. I don't understand why you keep on pushing me away... It hurts me aus.." Nanginginig kong sabi.

"Tama na maddisson, no matter how much you go back and talk to me I won't change my desicions. I want you out of my life!" Sigaw niya.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. "I don't want to leave you! I will stay by your side no matter what... May problema ka lang kaya mo yan nasasabi diba? You really don't want me out of your life, right? Please don't do this... Please..." Nanginginig kong sabi.

"Fuck it maddisson! Wag ka nang makulit.. Just... just get out of my life and don't ever come back!"

Napahagulgol na ako.

I'M HIS POSSESSION (Nepumoceno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon