IHP 5

32.3K 810 23
                                    

IHP 5


Pagka alis ko sa condo ni William ay dumiretso ako sa kotse ko at mabilis na pinaharurot ito pauwi sa bahay namin. Walang tigil ang mga lintik kong luha sa pag tulo. Kinagat ko ang mga labi ko. Nang lalabo na ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ngunit pinag patuloy ko lamang ang pagmamaneho.

Parang pinipiga at paulit ulit na dinidikdik ang puso ko sa sakit. Ibinigay ko ang lahat sa kanya ngunit bakit? Bakit niya nagawang mag hanap ng iba? Napangiti ako nang mapait. Hindi ko nga pala naibigay ang lahat... hindi ko naman kase inakalang kaylangan pala ng sex sa isang relasyon para mapanatili ito. Hindi pa ako handang gawin iyon kaya ba nag hanap siya nang ibang mapag lalabasan nang kalibugan niya?

Pag uwi ko nang mansyon ay kaagad akong pumasok. Naabutan kong masayang naguusap si Mommy at Daddy sa salas. Napa tingin sila sa akin at nabalot nang pagaalala ang mukha nang makitang punong puno ng luha ang mukha ko.

Matamlay akong ngumiti sa mga ito ngunit hindi ko na makita ang reaksyon nila nang dahil sa panlalabo ng mga mata ko. "Mommy... daddy..." nanginig ang boses ko.

Kaagad na nag lakad papunta si Mommy sa akin at hinawakan ang braso ko. "Ezra... Anak... Bakit ka umiiyak? Anong nangyare?" tanong nito sa akin. "Ezra..."

Napayuko ako. "My.." nanghihina kong sabi at napaluhod dahil sa panglalambot ng mga tuhod ko.

"Oh my god... Ezra, anak ano bang nangyayare sayo? Ha? Anak? Will you please tell us?" Nanginginig na sabi ni Mommy at niyakap ako.

Lumuhod din si Daddy at hinaplos ang likod ko. "What happened, Princess? May kinalaman ba rito si William?" Matigas na tanong ni Daddy.

Lalo lamang akong napahagulgol nang marinig ang pangalan ni William. Itinayo ako ni Mommy at inalalayang makaupo sa sofa. Niyakap ko si Mommy at inilabas ang lahat ng luha sa aking mga mata. Paulit ulit nitong marahang hinaplos ang buhok ko

Huminga ito nang malalim. "Ako nang bahala dito, Antonio... Sige na, kakausapin kita mamaya." sabi ni Mommy kay Daddy.

Narinig ko ang pag buntong hininga ni Daddy. "Sige..." 

Narinig ko ang mga yapak ni Daddy palayo sa kinauupuan namin ni Mommy. Kilala ko si Daddy at alam kong kapag sinabi kong sinaktan ako ni William ay hindi magdadalawang isip iyon na saktan rin si William. Ayaw nilang nakikita akong nasasaktan dahil ako daw ang prinsesa nila. Wala naman sigurong magulang ang gugustuhing masaktan ang mga anak nila.

Tahimik lamang si Mommy na hinahaplos ang buhok ko nang simulan kong i-kwento sa kanta ang nangyare. Nangilid ang luha sa mga mata ni Mommy habang naka tingin sa akin. "Manatili ka nalang dito sa amin, Anak... Huwag ka nang bumalik sa kanya. Hindi kapatawad tawad ang ginawa niya. Wala na tayong magagawa dahil naka buntis na siya ng ibang babae..."

Niyakap ko si Mommy. "Alam mo namang nandito lang kame ng Daddy mo para sayo, di'ba? Wag ka nang umiyak at namumugto yang magaganda mong mata. Wag kang umiyak dahil napaganda mo at maraming lalake ang nag-aantay sa'yp na mapansin sila. Hindi lamang siya ang nag-iisang lalake sa mundo, Anak... Wag mong sayangin ang mga luha mo sa kanya."

Napatango tango na lamang ako sa sinabi ni Mommy. Pagkatapos kong kumalma at makipag usap kay Mommy ay nagpaalam akong pupunta na muna ako sa bake shop ko para rignan kung maayos pa ba ang takbo nito. Ayoko naman kasing mag kulong sa kuwarto dahil lalo lamang akong iiyak kapag napag isa ko. 

Pag dating ko sa bake shop ay naka hinga ako nang maluwag nang malamang maayos naman ang lahat. Dumiretso ako sa kusina at nag hurno. Nang matapos akong mag hurno ay napa ngiwi ako sa lasa nang tikman ko ito. Ang tabang! Katulad nang nararamdaman ko ngayon. Umiling ako saka itinapon iyon.

I'M HIS POSSESSION (Nepumoceno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon