Chapter 14

2.9K 35 3
                                        

Azalea's POV

Papunta na kami sa bahay nila Lance. Ayon kay Lance, mabait naman daw ang Daddy nya at hindi ipipilit kung alam nyang hindi nya yun gusto. Ang usapan kasi dapat ay ipapakilala muna ang jowa nya, bago yung fiancee. Pero tumawag ulit kanina at sinabing 'MEET THE FIANCEE FIRST' para daw incase na magustuhan nya, iiwan nalang nya yung girlfriend nya.

Wala naman akong against dun. Una sa lahat, wala naman syang girlfriend. Kaya medyo makakahinga kami ng maluwag.

Nagtataka kayo kung bakit kami kasama? Syempre. Moral supot -- este support!

Sinabi rin ni Lance na isasama nya kami para makilala naman nya yung kasama nya sa bahay.

Nang makarating kami..

"WELCOMEEEEEE!" Agad kaming sinalubong ng daddy nya.

"Hi Sir." Bati namin sa kanya.

"Wag nga kayong maging pormal, feeling ko tuloy ang tanda tanda ko na."

"Hindi no tito! Gwapo mo pa rin!" Singit ni Brent.

"BRENT!" Agad nyang niyakap at nagpurihan silang dalawa.

"Lalo kang gwumapo Brent."

"Hindi naman po. Kayo kaya!" Kelan pa naging humble si Brent?

"Nako hijo, mas gwapo ka sakin.."

"Alam ko yan tito, pero matanda ka na minsan ka nalang makarinig ng papuri mula sa napakagwapong lalaking kagaya ko." Sabay namewang sya.

"Ehem." Singit ko.

"Ay, sorry hija! Ano nga palang pangalan mo?"

"Azalea po."

"Jaime." at pinapasok na nya kami. Nagpahanda na rin sya ng maiinom at makakain namin.

"Kayo hijo anong pangalan nyo?" Tanong ni tito Jaime.

"Kester ho."

"Jyceen."

"Kamusta naman si Lance?"

"Okay naman po. *whisper* yummy.." sagot ni Kester.

"Ano yun?"

"Okay po sya. Laging tahimik." Sagot naman ni Jyceen.

"Simula bata pa 'yan na yan! Laging tahimik at may hawak na libro. Nako, sandata nga nya yan sakin eh! Hahahaha! Lagi nya kong pinupukpok sa ulo. Buti nalang matigas ang ulo ko."

"Pati sa baba tito, matigas! Hahahaha." Sagot agad ni Brent. -.-

Tumingin ako kay Lance at tahimik syang nagmamasid. Napatingin sya sa akin at agad umiwas. Hayyyy nako Lance. Ang hina mo. Tsk tsk.

Habang nagk-kwentuhan sila sa sala ay may dumating na katulong at binigyan kami ng maiinom at makakain. Habang kumakain kami ay biglang lumapit ang maid sa Daddy ni Lance at may binulong. Agad namang ngumiti ito at tumayo.

"Nandito na sya." Ngiting ngiti na sabi ni Tito Jaime. Agad syang tumayo at lumabas sa kanilang bahay.

"Maganda kaya yun? Baka chaka naman yan ha." Sabay irap ni Kester.

"Pag hindi mo type at virgin pa, akin nalang ha?" ngiting ngiti na sabi ni Brent.

Inirapan ko nalang si Brent. Lahat nalang ba ng babae papatusin mo? Myghad!

Nakayuko lang si Lance habang naghihintay. Ano kayang iniisip nito? Baka iniisip nya pa rin yung nangyari samin. Well, di ko naman sya masisisi. Sa kamandag ko bang 'to? *EVIL LAUGH*

The Foreplay GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon