Chapter 10

5.1K 54 5
                                        

Azalea's POV

Umakyat na kami at pumunta sa sari-sariling kwarto. Di ko naman syila pwede papasukin dito. Malaman pa nila ung mga gadgets ko. E di lagot ako kay auntie.

10 na pala ng gabi. Makakapag isip pa ako ng plano. Hays.

Ano nga ba ulit ung plano ko nung nakaraan? Makakalimutin kasi ako.

*Ting

Natandaan ko na. Tama tama. Agad kong kinuha ang necklace ko at sinaksakan ng isang maliit na usb. Clinick ko ang heart shape sa gitna. Pagkatapos maprocess ang pag-copy ko sa mga nangyare this past few days ay agad kong kinuha ang maliit na usb na nakasaksak sa necklace.

Agad agad ko namang kinuha ang laptop and I immediately compiled all the videos.

Hihihi. Humanda ka Sarille. Makikita mo kung sino ang niloko mo. Kung mautak ka, mas mautak ako sayo.

After 2hrs ay agad akong lumabas papunta sa pool area. Nakita ko naman silang nakaupo sa may pool side at sinasawsaw ang mga paa.

"Hey." I greeted them.

"Anjan ka na pala." Sabi ni Jy.

"Kaluluwa ko lang 'to. Tss." Sagot ko kaagad. Baliw ba sila? Alangan naman picture lang ako. -.-

"So what's the plan?" Tanong ni Lance.

Pagkatapos kong iexplain ang plano na nasa isip ko ay nagbigay rin sila ng suggestions. Maganda ang mga nabigay nilang mga suhestiyon.

"So kelan natin gagawin yan?"- Kester.

"Sa Tuesday." Ngumiti ako.

*Ring ring

Bigla kaming napatigil sa pag-uusap usap ng biglang nagring ang phone ko.

Si Auntie.

"Hello Auntie?" Nakita ko naman nanlaki ang mga mata nila. Hahaha. Takot kasi sila kay Auntie. Tss.

[Deaaar! May bad news ako sayo!] Ehhh? Kailangan nakasigaw?

"Tita! Calm down!" Sigaw ko rin sa kanya.

[Hehe. Sensya na. Nadala lang ng emotions.]

"Ano po ba yun?"

[Your lolo!] Nakasigaw na naman.

"PATAY NA PO?!" Sumigaw rin ako.

[NO. Hindi pa. Ang tagal pa nga e!] Inip na inip naman na sagot ni tita.

[Dadating na sya bukas sa Philippines. May balak syang masama.] Dugtong nya.

"Eh ano naman kung uuwi? Ano naman ang balak nya?" Tanong ko.

Problema ba yun? E di umuwi sya.

[Nagbabalak syang pakasalan ang apo nya.]

O-H-M-Y-G-O-D!

"SI KUYA ACE?!"

[Hahahaha. Silly. No. Si Ey] SI RHEA?

"Whaaaaat?!" Ang incest naman nun. Kadiriii!

[You heard it right. Kaya kailangan may magawa tayo.]

[I'll be there. Gisingin mo ung apat. I'm on my way.] Agad agad?

Pinatay na nya yung phone.

"Ansabi?"

"Papunta na si Auntie." Sabi ko.

The Foreplay GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon