Let me sing you a lullaby before closing your eyes to sleep..
Yume's POV
It's been a while since the last time I saw my children, I couldn't even remember the last lullaby that made them asleep. The hands I used to hold and the tears I used to wipe.
This war made things complicated and it haven't even started yet. My child isn't a monster so I will put my life in line just to keep her safe. This has to stop and I should beg for help on anyone who could hear all the sufferings a mother can feel.
.
.
.
"Hanggang kailan ka mananatiling kalmado? Hindi mo manlang ba tutulungan ang anak natin?" Kahit kailan,hindi sya nag pakita ng kahinaan at mas pinipili nyang nahihirapan ang mga anak ko.
.
.
.
"Hanggang kailan mo ba itatanung yan? Wala ka bang tiwala sa mga anak mo? Kakayanin nila ang kabilang dimensyon, si Azazel ang susunod na hari kaya kailangan nyang lampasan ang pagsubok." Bato ba talaga ang ama ng mga anak ko?! Naiinip na ko sa kakahintay at kakabasa sa librong wala namang kasiguraduhang may maitutulong sa mga suliranin!
.
.
.
Kung hindi kikilos si Requiem, ako na lang. Mas magiging kampante ako kung makakasama ko ang mga anak ko kesa ganitong wala akong magawa sa sitwasyon.
.
.
.
"Kung sa inaakala mong hahayaan kitang pumunta, ngayon pa lang tigilan mo na ang pag iilusyong makaalis." Nakakairita na ang mga sinasabi nya kung kaya lumabas nalang ako ng silid. Kailangan ko ng sariwang hanging malayo sakanya.
Kailan nya ba 'ko naintindihan?! Sarili lang naman ang iniisip nya.
.
.
.
Pero kung sa akala nya mananahimik nalang ako dito, nagkakamali sya. Susuungin ko ang mundo ng kawalan kung yun lang ang paraan para matulungan ko ang mga anak ko."Gusto mo na bang mamatay? Hindi ka nararapat sa mundong yon dahil buhay ka pa. Magugulo ang balanse ng dalawang mundo kung mangangahas kang pumunta don."-- Nagulat ako ng bigla nalang syang nagsalita.. si Yukino, ang kaluluwang ligaw..
Sasagutin ko pa sana ang sinabi nya kaso, naisip ko rin ang punto sa mga binitawan nyang salita.. Nawala sa isip ko ang balanse ng mga mundo sa sobrang pagmamahal ko sa mga anak ko hindi ko na inisip ang ibang nilalang o kahit ang mga tao.
.
.
.
Marahil yun din ang dahilan kung bakit pinipigilan ako ni Requiem na umalis.. Ngunit sa isang banda'y nagsusumigaw ang aking puso na nagungulila saking mga anak..
.
.
.
↭↭↭↭
Xielle's POVSa gitna ng kaguluhan, ni hindi nila napansing pumuslit na ko sa mundo ng kadiliman at anumang oras ay makikita ko na ang isa ko pang katauhan na nagtatago sa alinmang sulok ng lugar na 'to.. Napakadaling sumabay sa portal na ginawa ng babaylan, hindi manlang nila nahalata ang presensya ko.. kunsabagay, mortal nga pala ang katawang ito hindi na nakapagtataka..
.
.
.
Alam ko kung paano tutuntunin ang babaeng umagaw sa katauhan ko at hindi ako makapapayag na hadlangan nya ang plano kong angkinin ang mundo ng mga buhay at kung magigising ang halimaw ng kawalan makukuha ko rin maging ang mundo ng kadiliman..
.
.
Hindi sapat ang hardin na puno ng kalungkutan, nanaisin ko pang magulo ang buong paligid kesa ako lamang ang nagdurusa.. Kasalanan ko ba ang mainip? Matagal akong nahimlay at nawala hindi ko hahayaang mabaliwala ang nasimulan ko na..
.
.
.
"Hanggang kailan ka magiging ganyan?" Nagulat ako ng bigla na lamang syang dumating.. Hindi ko akalaing naririto si Shiki.. Sa anung dahilan? Dahil ba sa alam nyang pakay ko ang halimaw?
.
.
.
"Hanggang sa makuha ko na lahat ng gusto kong makamit. Hanggang sa makita kong miserable ang lahat. Hanggang sa mapawi ang pighati." Sa totoo lang, si Shiki ang pinaka huli sa listahan ko ng nais makita, kung alam ko lang sukdulan ang pagkasuklam nya sakin buhat ng lisanin ko ang hardin.
.
.
.
Iniwan ko ang pag-ibig nya na walang hanggan dahil sa mga ambisyon at mga nais kong makamit. Hindi ko rin sya hahayaang pigilan ako para lamang saan? Para bumalik sa lugar na walang kalayaan?
.
.
.
"Kung sa inaakala mo aawatin pa kita at mag mamakaawang bumalik sa piling ko, doon ka nagkakamali." Hindi sa nagulat ako sa mga sinabi nya, pero namangha ako sa tapang na pinakita nya.
.
.
Noong mga panahong malamig lamang ang pakikitungo nya sa lahat, ni maski sakin ay hindi nagawang magpakita ng emosyon..
.
.
.
"Malaki ang nag bago sa'yo, mukhang maraming naiimpluwensya ang mortal na katauhan ko. Lalakbayin natin ang magkaibang landas. Sa susunod na humarang ka sa daraanan ko, hindi na 'ko mag aalinlangang tapusin ka." Inibig at pinahalagahan ko si Shiki higit kaninoman, ngunit yun lang ang huling salitang sasabihin ko.
.
.
.
"Ganun ako wag sanang mag krus ang landas natin, dahil hindi ako manghihinayang na mawala ka sa paningin ko."
Tumalikod ako at tinungo ang kabilang daan, ni hindi ko sya nilingon o sumagot manlang sa mga sinabi nya. Masakit mang marinig ang lahat, kailangan kong harapin ito ng mag-isa.
.
.
Hindi na kami tulad ng dati, hindi na namin nararamdaman ang pag-ibig sa isa't isa kung kaya tama lang na magkalayo..
↭↭↭↭
Viel's POVNag aalalang pinagmamasdan ni Mirazelle ang prinsipe, marami s'yang natamong sugat at masyadong napagod ang katawan nya kung kaya kahit ang tubig ay bahagya ng nakatulong sa pag galing nya..
Hindi ko ba alam kung bakit nag aalangan akong inumin ang tubig.. Natatakot ba 'ko? Takot? Kelan ko ba huling naramdaman ang takot? Paslit pa 'ko nung huli kong maramdaman ang emosyong yun..
Sadya bang pinaglalaruan ako ng tadhana dahil sa mga pangyayari o sinadya ni ina ang bagay na 'to para ikubli ang nakaraan..
.
.
.
"Lahat naman nakakaramdam ng takot, sa iba't ibang paraan. Hindi mo malalaman kung hindi mo aalamin." Bago pa man nya matapos ang sasabihin, nainom ko na ang tubig at ni hindi ko na namalayang dumilim ang paligid at nawala ang aking pandinig..
.
.
Malalim na pag himbing.. Wala akong makita kundi kadiliman.. Wala akong marinig kundi ang nakakabinging katahimikan..
.
.
"Alalahanin mo ang lahat.. huwag kang makakalimot.. hintayin mo ang pagbabalik nya, ingatan at wag mong hahayaang maglaho syang na parang bula.. Ilayo mo sya sa sinag ng pulang buwan.."
.
.
.
Napasinghap ako sa pagbaligwas.. Anung ibig nyang sabihin? Bakit sa pulang buwan?
Ilang daang taon na ba simula ng sumikat ito at wala naman itong epekto sa kadiliman..
.
.
Kailangan kong malaman kung anung ibig sabihin ng mga alaalang nawala at kung bakit ito binura ni ina..
.
.
"Magpahinga nalang muna tayo dito habang wala pang malay si Zel.." Malumanay na sya di tulad kanina..
.
.
Pinagmamasdan lamang nya ang kapatid.. Malaki talaga ang pagkakaiba namin ng hambog na si Shiki kumpara sakanila, kahit pa kambal kami.. Ni minsan hindi kami nag usap ng malumanay at ni hindi nag alala para sa isa't isa..
Siguro nga iba talaga ang magkapatid sa dugo't laman na galing sa iisang mga magulang..
.
.
.
"Kailangan nyo lang namang patawarin ang isa't isa para maging maayos ang lahat." Nawaglit sakin ang kakayahan nyang bumasa ng isipan..tss..
.
.
.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon nagiging sapat ang pag hingi ng paumanhin.. Malalim na lamat ang iniwan ng nakaraan saming magkapatid.." Napabuntong hininga nalang ako at lumihis ng tingin..
.
.
Handa akong gawin ang lahat para lamang panatilihin syang ligtas.. Sapat nang pangatawanan ko ang tungkulin ko sa halimaw ng kawalan..
Tapos na ang pagpapahalaga ko sa mga emosyong tinalikuran ko na, hindi na mahalaga maayos man o hindi ang pagiging magkapatid namin ng hambog na si Shiki..
.
.
↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭
A/N:Haloooh xD
Long time no UD.. sorna agad.. busy kasi ko mag apply.. alam na wala kasi akong kaperahan at malapit na mamulubi..
konting tumbling nalang matatapos na 'to kapit lang.. xD
.
.
Salamats sa mga nagtyaga sakin kahit meh sayad ako kung minsan xD"Palagi kaya .. minsan ka pa .. hahahahaasfghjklzxxcbn!! Grabe kabrutal!!"→Orion
.
.
.
☆☆ⓨⓤⓦⓔ♕ⓚⓐⓦⓐⓘⓘ★★
BINABASA MO ANG
THE DEVIL'S TWIN
Fantasía"There are so many craps in this world and they're happening too fast.. And what's worst? I'm here inside this isolated room with white walls.. I'm not crazy, they just don't understand.. Why is it too difficult for them? All I said was, it was him...