50- The Lost Soul

47 1 10
                                    

I wont be here without you, so let me say thank you one last time as someone who is a part of me...

Kei's POV

"Hanggang kailan ka magpapanggap na hindi mo alam ang gagawin?"-- bungad sakin ng mangkukulam pag pasok namin sa yungib. hindi parin sya kumukupas, alam nya parin kung may darating at kung sino ito..
.
.
Nandito ako dahil hindi ko na maintindihan ang mga nagyayari. Sugal na maiituring ang pag punta ko dito dahil alam ko naman na hindi nya ko tutulungan.
.
.
"At sa tingin mo ba malaki ang maitutulong ng liwanag sa'yo?"-- si Jiro ang tinutukoy nya. mali na ang pag dala ko sakanya dahil anumang oras ay maaaring magising si Uriel..
.
.
"Hanggang kailan mo ba ipamumukha sakin na wala akong silbi?!"-- untag ko sakanya dahil di ko na mapigilan ang bugso ng emosyon..
.
.
"Ni hindi mo alam kung anung lakas meron ka bilang babaylan dahil, hanggang ngayon hindi mo kayang tanggapin ang dugong nananalaytay sa'yo."-- bwelta nya  sakin na hindi ko agad nagawang sagutin. nakakairita.
.
.
"Sa tingin nyo ba mas mapapadali ang lahat kung matututunang tanggapin ni Kei ang kapangyarihan mo?"-- singit ni Jiro na takhang nagmamasid sa paligid..
.
.
Lumiwanag ang paligid at nagbago ang anyo ng mangkukulam. Hindi ko pa sya kayang tawaging ina o ituring na ina. Hindi ko parin lubusang maisip kung bakit kailangan nya kaming iwanan ni Izumi at ibentang parang mga tuta.
.
.
"Haggang ngayon pala'y naninibugho ka parin sa nakaraan."-- bakit nga ba ko nandito? halos makalimutan ko na dahil nadadala ako ng emosyon.
.
.
"Hindi huwad ang aklat, nandito ako para itanong ang ilang mga bagay linawin mo ang ilang nakasulat doon. Paanong kaluluwa ng isang lubos na nagmamahal ang  makatatanggal sa sumpa ng halimaw ng kawalan?" wala nakong oras para makipag sumbatan sakanya. hindi na mahalaga ang nakaraan. hindi na mahalaga ang mga nangyari na. kailangan ko nalang ayusin ang kasalukuyan para sa hinaharap.
.
.
"Kasabay ng pag limot mo sa akin,ang pag talikod mo kung anu at sinu ka. Bakit hindi mo balikan ang ilang sumpang natutunan mo mula sa'yong pagkabata at gamitin sa kasalukuyan. Anak ka ng pinakamakapangyarihan babaylang nabuhay sa mundong huwad. Ipakita mong hindi ka matatalo nino man."
Nag laho na lang sya matapos mag litanya. Hindi ko akalaing sya pa ang magduduldol sakin ng pagiging babaylan.
.
.
Bakit ko sinama si Jiro? Para anu pa ba, edi para itulak sa balon. Nag baka sakali na ko dahil wala naman akong ibang makakatuwang sa laban na ito kaya kailangan kong alisin si Uriel sa katawan nya. Sa lugar na 'to, hindi nya kailangan ang katawang panlupa. Delikado kay Mirazelle ang halimaw ng liwanag pero sinugal ko na ang pagkakataong ito para maibalik sya sa normal at maayos ang lahat.
.
.
Matapos kong itulak si Jiro sa balon, sinamantala ko ang pagkakataon para magbuklat ng ilang libro at hinanap ang mga orasyong kailangan ko. Handa na kong sumugal at ialay ang lahat isama nyo pa si Jiro mailigtas lamang si Mirazelle. Kumuha na din ako ng isang boteng tubig mula sa balon, ininom ang kalahati para naman balikan ang mga alaala ng nakaraan. Mas malakas ang musmos na babaylang nanirahan sa huwad na mundo at ngayon ko sya higit na kailangan.
.
.
↭↭↭↭
Jiro's POV

Nahihirapan akong huminga pero nararamdaman kong humihiwalay sakin si Uriel.. All this time akala ko normal lang akong tao.. Yun pala mamamatay nalang ako sa maling akala..
.
.
Kaya ba buong buhay ko,  ako lang mag isa? Dahil alam nila na hindi ako pangkaraniwan?
.
.
Lumipas ang ilang minuto at pakiramdam ko bumibigat na ang aking mga talukap at namamanhid na ang aking katawan.. Ito na ba ang katapusan?
.
.
Lumiliwanag si Uriel pero hindi pa sya nagkakaroon ng malay at kaharap ko lang sya na nakalublob sa tubig ng balon.. Delikado ang pag gising nya kaya natataranta ako bagamat nanghihina.. Hindi ako hunihinga, ilang minuto na ba kong nandito? Sa pag unat ko ng aking mga kamay, agad akong inahon ni Kei..
.
.
Nag oorasyon sya habang gumuguhit ng kung anu sa sahig, lumiwanag din ang kanyang mga mata matapos ang mga binabanggit nyang orasyon..
Lumutang si Uriel at waring napalibutan ng isang malaking pedestal..
.
.
Agad syang humangos palabas ng yungib kaya sumunod lang ako sakanya.. Hindi na ko nag tanong o umimik, hanggang sa tumigil kami sa pag hangos..
.
.
"Kailangan na nating hanapin si Mirazelle at Zel, tatapusin na natin ang kaguluhang ito dahil nauubos na ang oras.." -- paano naman kaya nya balak tapusin ang lahat?!
.
.
Noon ko lang napansing naiba ang aura ni Kei at para bang meh kakaiba sakanya? Hindi ko matukoy pero sigurado akong malayo mula sa Kei na kausap ng mangkukulam kanina.. Anu naman kaya ang gagawin nya para matapos ang kaguluhan?
.
.
"Mahal mo ba si Mirazelle?!" -- untag nya sakin na ikinabigla ko at halos mapatigil ako sa pag takbo..
.
.
"Mahal ko sya higit pa sa sarili ko at gagawin ko lahat para lamang sakanya.. Tinatanung kita ngayon kung mahal mo ba sya o hindi?!" -- naguguluhan na din ako sa tanung nya, dahil di ko naman sigurado 'tong mga nararamdaman ko para kay Mirai..
.
.
Mabait sya, makulit, maingay, pero di ako sigurado kung mahal ko na ba talaga sya.. Kaya hindi pa din ako umiimik dahil di ko alam ang isasagot ko..
.
.
"Iingatan mo sya, dahil kung hindi ako mismo ang hahatak sayo mula sa mundo ng mga yumao!! Tatandaan mo yan!!"-- daig pa ni Kei ang meh taning ang buhay kung makapag bilin.. ito ba ang naisip nyang solusyon para maisaayos ang lahat?
.
.
"Hindi kita maintindihan, pero handa parin akong maging kaibigan ni Mirai anu man ang mangyari."-- di nako halos makahinga sa pag takbo pero nararamdaman ko ang tindi ng damdamin kong makitang muli si Mirai..
.
.
Iba man ang anyo nya ngayon, sigurado akong sya pa din yung babaeng matatakot sa ganitong sitwasyon at iiyak anumang oras.. Gusto kong manatili sa tabi nya sa mga panahong magulo ang paligid at hindi nya maunawaan..
.
.
"Kung ang manatili sa tabi nya ang tinatawag mong, pagmamahal, sigurado na 'kong mahal ko si Mirai at hindi ko sya pababayaan sa abot ng aking makakaya.."-- unang beses kong mag bitaw ng mga ganung salita, pero sigurado nako sa mga nararamdaman ko para kay Mirai..
.
.
"Mabuti na 'yung malinaw, dahil kung itatapon at iaalay kita sa kadiliman at nagbabagang apoy, si Mirai lang dapat ang laman ng isip at puso mo!" -- nagbibiro lang si Kei di ba? o paraan lang nya ng paninigurado yon di ba?!
.
.
Hindi pa ko sawa sa buhay ko, at lalong ayoko pa mamatay! Hoy Author!! Anu nanaman toh?!
.
.
["Ma at Pa.. malay ko, pakialam ko? Nananahimik ako dito ah, kayo ni Kei ang nag-uusap!!"]
.
.
Tinamaan ka talaga ng magaling eh!! Umamin na nga ako di ba? Inlove nga ko kay Mirai tapos, papatayin nyo ko?! Anu toh?!!
.
.
["Shh!! Wala akong kinalaman dyan, itanung mo ke Orion ╮(╯▽╰)╭ kakabalik balik ko lang tapos ako nanaman meh kasalanan?!"]
.
.
Ang sama mo talaga sakin (T-T) kundi ipapain, papatayin.. Wala kang puso at damdamin!! Kaya ka iniiwan eh!! Waaah..
.
.
["Personalan pala ang banat dito ah.. naawa pa mandin ako kanina sa'yo.. tss"]
.
.
JOKE lang!! hahaha xD di ka na mabiro.. Alam mo namang mapag biro ako eh..
.
.
.
.
hooooooy!!! Author!! tulungan mo naman na ko!! don't leave meeeeeee!!!!!!!!!!!!
.
.
.
.
.
↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭
A/N

Sorry kung ubod ng late ng update ngayon.. magulo kasi sched ko nung mga nakaraang araw ╮(╯_╰)╭ kaya.. sensya na..
Down din net namin mag 3 weeks na..
Kapit lang kayo, malapit na toh maayos.. pramis ✋
.
.
xoxo 💋
☆★ⓨⓤⓦⓔ♕ⓚⓐⓦⓐⓘⓘ★☆

THE DEVIL'S TWINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon