53 - DEATH WISH

22 1 0
                                    

It was hard to hide how I really feel.. Her smile was my only light.. All I can do is watch how things shatter into pieces..
.
.
.
Viel's POV

Nagising na sya ng tuluyan. Ang kinatatakutan naming lahat. Na ni kahit ako walang magagawa kundi ang sumunod sa kanya.
.
.
.
"Odagiri.."
.
.
.

Nilingon nya lang ako habang papalapit ang masamang aura na bumabalot sakanya.. Mahihirapan kaming pigilan sya..

"Matagal na panahon na rin ang lumipas.. Sayang at wala ang hari.. Nais ko sanang mag bigay pugay.. Nagkakasiyahan ang lahat pero hindi manlang ako naimbitahan.. Bilang ganti hayaan nyong kunin ko ang lahat ng para sa akin!"
.
.
Lahat nabigla sa pag labas ni Odagiri. Hindi nila sukat akalaing magigising sya agad mula sa matagal na pagkakahimlay.
.
.
Halos di na maipinta ang mukha ng pangkat nila Zel kumpara sa nag niningning na mata ni Xielle. Wari bang alam nya kung saan aanib si Odagiri. Hindi nya alam ang mga nangyayari.
.
.
"Hindi ko akalaing sa tinagal tagal ng panahon, makakababa si Uriel sa kaharian ng kadiliman ni hindi ko akalaing ikukulong sya sa katawan ng isang mortal para mag kubli.. hahahahaha!!"
.
.
Nahimlay sya ng matagal pero walang nag bago,hindi parin sya pumapanig kanino man. Nararapat lamang sa halimaw ng kawalan.
.
.
"Ang sumpa ng yumao at sumpa ng buhay.."
.
.
Ang sumpa! Ni hindi ako nakapag handa pero ako ang tinatawag nya. Tsk!
.
.
Unti-unting dumidilim ang paligid at tinig nalang nya ang naririnig ko, katapusan na ng pangangamba at umpisa na ng susunod na yugto ng pagkabuhay sa mundo ng kawalan.
.
.
"Bigyan mo ko ng pahabol na lakas bago ka manlang sumunod sakanya!"- sigaw ni Kei habang tinatapos nya ang orasyon, huli na ang lahat bago pa man nya matapos ang sasabihin.
.
.
Kei's POV

Huli na ng mapansin ko ang orasyon ng halimaw ng kawalan. Halos mabura ang bangin ng iwasiwas ni Viel ang sandata na waring handang handa na syang sumugod samin, pero kanino aanib ang halimaw?
.
.
Wala
.
.
Sinong niloloko ko, matagal na panahon na ang lumipas ng patulugin ng isang makapangyarihang sumpa ang halimaw na sumira sa kalhati ng mundo ng liwanag at dilim.. Wala syang pinakikinggan, wala syang aaniban..
.
.
Asan na si Mirazelle?! Tsk.. Masyado akong nabigla, paano na ang orasyong binubuo ko?! Mahihirapan akong ibaling ang orasyon sa ibang sumpa pero hindi ko siguradong maikukubli ko pa ito sa pedestal..
.
.
"Nasaan ang kapatid ko?!"-- gigil na sambit ni Azazel habang nakatuon ang buong lakas nya sa pag tayo ng maayos..
.
.
Anung gagawin namin? Kailangan kong mag isip ng mabilis..
↭↭↭↭↭
Azazel's POV

Zelle.. Zelle.. Mirazelle!!
.
.
Hindi ako makapag isip ng maayos, nawawala si Zelle sa kawalan at ang halimaw na toh ginagamit nya ang pisikal na anyo ni Zelle na para bang hindi sya nangangambang pumanaw sa katawang gamit nya..
.
.
"Ama!!"
.
.
Kahit kailan talaga wala na syang inisip kundi sarili nya, ibubuwis nya pati buhay ni Zelle at manonood lang.. tsk..
.
.
"Hindi ka maririnig ng paslit.. masaya na sya sa panaginip ng normal na mundo.. Hindi na sya babalik.. Hahahahaha"
.
.
Hindi totoo yan, mahahanap ko sya mag hintay ka lang.. Para saan pa at naging kambal kami..
Kung kinakailangan kong ibuhos ang buong lakas ko gagawin ko para sakanya..
.
.
Siya lang ang nag-iisang nag durugtong sakin at saming ina..Hinding hindi ako papayag na mawawala sya ng ganun nalang!
.
.
"Sumpain ka Odagiri!"
.
.
Hindi man sapat ang kakayahan ko,hindi pwedeng wala akong gawin..
.
.
"Paslit, ni hindi mo manlang ba tatawagin ang hari para salubungin ang pagbabalik ko? o ni hindi mo alam kung sino talaga ako?"-Dapat ba alam ko kung sino sya?! Sinu nga ba sya para maging halimaw ng kawalan at makulong sa katawan ni Zelle?!
.
.
.
"Kamatayan sa sinu mang haharang.. Pero kundi nya ko sasalubungin dito, ako mismo ang susundo sakanya sa mundo ng mga buhay.. Matagal na kaming hindi nagkita ng mahal kong kapatid buhat ng ikulong nila ko sa sumpa ng kawalan.. gusto kong kunin ang nararapat na sa akin.."
.
.
.
Nabigla kaming lahat at pakiramdam ko maging si Xielle hindi makapaniwala sa narinig.. Kapatid sya ni ama?! Panung nangyaring..
.
.
Ngayon palang naiisip ko na ang mga nangyayari sa paligid, na tila kalkulado nyang lahat.. masa plano nya ba 'to?! tch.. Kung nalaman ko lang ng mas maaga hindi na sana nadamay pa si..
.
.
"Kasamang lahat sa plano yun bilang hindi naman talagang normal na tao ang mga anak ko.. nararapat lang na maging matatag at malakas kayo.. haha"- Ang hudas..
.
.
"Kailangang magising si Zelle bago pa man umabot dito ang kaguluhan.. Kailangan nyang maging mas malakas kay Odagiri.. Dahil hindi nya kakayaning maging kunseho ng susunod na hari kung sa ganyang sitwasyon hindi nya makayanang makalampas.."
.
.
Wala na talaga syang pag-asang mag bago malamang wala rin nagawa si ina dahil di hamak na mas makapangyarihan sya saan mang lugar..
.
.
"Kung ikaw ang susunod na hari.. Marapat lamang na tapusin na kita ngayon pa lang.."
.
.
Nawala sa isip kong nandito lang si Odagiri.. Madali akong umiwas sa pag wasiwas ng malakas na hangin.. Kahit si Xielle hindi agad nakagalaw..
.
.
Matatapos pa ba ng maayos ang lahat?! Hindi ko na alam kung anung dapat gawin.. tch
//

A/N:
pasensya na sa matagal na hiatus.. busy ang lola nyo kumita ng pilak 😵 .. di ko na nga din alam kung paano ko tatapusin to.. pero ayokong bitawan 😭💔 kapit lung us..

☆☆ⓨⓤⓦⓔ♔♕ⓚⓐⓦⓐⓘⓘ★★

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE DEVIL'S TWINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon