19 - Emotions

291 9 0
                                    

Falling wasn't a plan, it's fated to happen..

Keeping what I really feel is what I must do.. But seeing you smile with someone else makes me clutch my fist and want to punch his face..

Requiem's POV

Sa loob ng mahabang panahon, hindi ko magawang maging totoo sa sarili ko..

Dahil nadin siguro kelangan kong unahin ang reputasyon ko sa mundong ginagalawan ko..

Minahal ko sya .. Oo ang ina ng mga anak ko.. Ang aking Yume..

Hindi ko itatanggi yon .. Minahal ko sya higit pa sa sarili ko.. Kaya ako ang namatay sa gabi ng aksidente imbis na sya..

Hindi nya matanggap na hindi ako tao kaya nag mamadali syang nag maneho ng kotse, kasama nya ang anak kong  si Mirai ng araw na yon at hindi nya alam ang tungkol kay Azazel..

Hindi mababakas kay Mirazelle ang dugong nananalaytay sa kanya kung kaya hindi ko sya isinama.. Si Azazel ang kinuha ko sapagkat nakuha nya ang kulay at hugis ng mga mata ko.. Hindi magiging madali sakanya ang mabuhay sa mundo ng mga tao..

◈  Si Yume, ang babaeng una't huli kong minahal.. Inisip kong hindi ako mahuhulog sa kanya pero nag kamali ako.. Ang bawat pag ngiti nya, ang himig ng bawat awit nya at bawat pag banggit nya sa pangalan ko.. Halos di ako makahinga..

Pareho silang walang maalala sa mga nangyari.. Pareho kong binura lahat ng alaala nila.. Ayoko nang makita ulit ang takot sa mga mata ng mag ina ko..

↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭
Kei's POV

Hindi ko maipaliwanag pero madaming nag bago sa kinikilos ni Mirai maliban sa anyo nya..

Pinag mamasdan ko syang kumain ngayon at sa tantsa ko meh isang linggo na din nung mag bago ang anyo nya.. Mula sa mata, buhok, tindig at ugali..

"Pwede mo kong kausapin tungkol sa iniisip mo.."→ Halos mamutla ako nang marinig ko ang boses nya sa isip ko.. Nakatitig sya sakin at hindi ko makita kung ano ang nararamdaman nya ..

Tumayo sya at umalis, hindi ko alam pero bigla ko nalang syang sinundan..

Linggo ngayon kaya walang pasok.. Saan kaya sya pupunta?

Lakad.. Lakad lang sya ng lakad.. Malayo ang tingin pero pakiramdam ko alam nyang sinusundan ko sya..

Huminto kami sa isang tower.. Laking gulat ko nang bigla syang nawala sa tapat nito..

"Bakit ba kanina ka pa sumusunod?"→ Nagulat ako nang hawakan nya ko sa balikat at nilingon ko sya sa likuran..

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba, pakiramdam ko kaya nya kong tapusin ng hindi kumukurap..

"Trabaho kong sundan ka kahit saan.."→ Sinabi ko ng walang halong kaba.. Pero alam ko namang nababasa nya ang isip ko..

"Hindi ko kailangan ang pag aalala mo.. Pwede ka ng bumalik, gusto kong mapag isa.."

Akmang aalis na sya ng hawakan ko sya sa kamay.. Halos walang tono ang pag sasalita nya, masyadong kalmado pero pag tinitigan mo sya halos hindi mo mabasa ang nararamdaman nya..

Tinapik nya ang kamay ko at biglang nag laho.. Kumurap ako at ngayon hindi ko alam kung saan sya nag tungo.. Tch.. May kung anung kirot sa dibdib abg nararamdaman ko ngayon..

↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭
Azazel's POV

Isang linggo na ng mag simulang tumigil ang kuneksyon ng isipan namin ni Zelle.. Hindi ko mabasa ang isip nya at hindi ko rin mahulaan ang susunod nyang gagawin..

Masama ang epekto ng eclipse sakanya.. Pakiramdam ko nakaapekto din ang pagkuha ng emosyon nya.. Tch.. Hindi ko alam ang gagawin ko..

"Wala kang magagawa.. Pero sa tingin ko sya meron.."→ Sambit ni Zelle sa isip ko.. Tch.. Mas malakas sya kumpara sa normal nyang anyo..

"Anu bang balak mo? Bakit hindi mo sabihin?"→ Takhang tanung ko.. Sabihin kaya nya sakin?

"Kailangan nyang ibalik sakin ang lahat.. Lahat ng kinuha nya.."→ Si ama ba ang tinutukoy nya? Tch..

Bumaligwas ako sa pagkakahiga.. Pinipilit kong hanapin ang lokasyon ni Zelle, hindi nya alam ang gagawin nya.. Hindi nya pwedeng harapin si ama, hindi nya kakayanin..

"Hindi mo ko kailangan hanapin..Hindi kita hahayaang makialam.."→ Mariin nyang sinabi..

Wala akong magagawa ngayon dahil mahina pa din ako mag mula pa nung eclipse.. Kailangan ko pang hintayin ang susunod na fullmoon.. Tch.. Kung bakit kasi nag lulunar eclipse pa.. Psh..

Siguro nga hihintayin ko nalang ang mangyayari kapag nag harap sila ni ama..  ̄﹏ ̄ Magyoyosi nalang ako.. haha.. Ito ang masarap sa mundong to..

↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭
Jin's POV

DESPERADA.. Tch.. Paano ba ko mapapansin ni Kei kung lagi syang nakabuntot sa baliw na bagong make over?

Hindi bagay sakanya ang brunette at hindi din ang contact lenses..

I wouldn't give up without putting a goddamn fight! *Narinig ko lang sa isang movie xD*

"Bakit ka ba naghahanap ng atensyon ng taong ayaw naman sayo?"→ Lumingon ako para hanapin ang boses..

"Sinu ka ba? P-Pano ka nakapasok sa kwarto ko?!"→ Hindi ko sya kilala at papano ba sya nakapasok sa mansion?

Hindi sya sumagot at sa halip ay ngumisi sya na p-parang isang demonyo.. Sa takot ko pilit akong tumakbo pero agad nya kong naabutan..

Bigla syang naging maitim na usok at pumasok sa bibig ko.. Pinilit kong sumigaw, kaso huli na ba ang lahat? Anung gagawin ko?

"Wala kang kelangan gawin.. Ako na ang bahala sa problema mo.."

↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭
A/N

Gumugulo na po ang mga pangyayari..

Anu kaya ang susunod?

Sinu ang nasa likod ng tinig na kausap ni Jin?

☆☆ⓨⓤⓦⓔ♕ⓚⓐⓦⓐⓘⓘ★★

THE DEVIL'S TWINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon