39- Darkness

92 6 0
                                    

Love started to blind me for a while..
Emotions tried to make me weak..
I wont let them hinder me anymore..

Mirazelle's POV

Most of the time emotions rule my whole being that weakens me.. I am a mare mirror that copies what they feel.. I might thank Xielle's lover for fueling the fire..

Hindi ko alam kung paano ko ngayon hahanapin sa gitna ng kawalan ang mangkukulam.. Hindi ko naman hihingin na umanib sya, gusto ko lang makuha ang tamang orasyon..
.
.
.
Malayo sya pero damang dama ko ang aura nya.. Nanunuot na parang gusto ko syang tapusin.. Nasan ako? Nasa kabilang dimensyon..
.
.
.
Naabutan ko ang pag bagsak ni Izumi sa harapan ng taong hinahanap ko.. Anu kayang nangyayari..
.
.
.
"Hindi ko inaasahan ang pag dating mo paslit .. at kamangha mangha ang anyo mo ngayon .. Kung nais mo ang sumpa ng walang hanggang pag durusa, wala kang ibang gagawin kundi ang talunin ako.. hahahaha .."

Ibang klase ang bungad nya sakin.. Alam kong mahirap ang sinasabi nya pero anu pa bang gagawin ko? Kailangan ko ang sumpa at kailangan ko ang tulong nya.. psh..
.
.
.
"Hindi ako makikisawsaw sa kaguluhan sa mundo ng mga buhay.. Wala din akong planong ipaubaya sayo ang sumpa ng basta basta.. Kaya kung hindi mo pa kaya, makakaalis ka na.."

Bawat kataga may diin.. tch.. hindi ko akalaing mahihirapan ako sakanya..
.
.
"Hindi ko hawak ang kapalaran nyo.. Hindi dapat ako ang ginugulo nyo dito.. Isa pa.. Nasa inyo na ang anak ko.. May pakinabang naman sya kahit papano.."

Si Kei ba ang tinutukoy nya? kaya ba andito si Izumi? Ibig sabihin alam ni Kei ang sumpa..

Naiinis akong tumalikod at akmang aalis.. Nag sayang lang ako ng panahon.. ni hindi manlang ako tinulungan ng mangkukulam na to.. aish..
.
.
.
"Maaari mong isama ang isa sa mandirigma ng iyong ama.. Malamang buong galak nyang pauunlakan ang pag tulong sayo.. Matatagpuan mo sya sa bangin sa gitna ng impyernong hardin.."
.
.
Hindi ko alam pero kahit na naiirita ako, pakiramdam ko kailangan kong tunguhin ang bangin.. tch..
↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭
Azazel's POV

Halos hindi na ko makatayo sa mga tama ko sa pag atake ni Faust.. tch.. Lasang kalawang na din ang bibig ko dahil sa pag durugo..
.
.
"Hindi ko alam kung bakit ayaw mo nalang sabihin sakin kung nasaan si Elize.. At kung nasaan ang liwanag.. Mas gusto mo pang nasasaktan ka dyan.."
.
.
Ibig sabihin hindi nya alam kung sino ang may hawak ng liwanag.. Napabuntong hininga nalang ako sa kamang mangan nya..

Mabuti nalang pala at pinauna ko na si Jiro sa pag takas.. Ang kelangan ko nalang gawin ngayon ay dumiskarte ng pag takas sa mokong na to..
.
.
.
Ilang minuto pa, hinihingal na ko kakaiwas at kakatakbo.. jeskeng buhay to psh.. Kung kelan wala akong kapangyarihan o anuman..

Umulan ng asul na apoy sa paligid sanhi para maantala ang pag sugod ni Faust sakin.. Sa wakas ang hinihingi kong tulong dating na.. tch.. Akala ko mamamatay muna ko bago pa sila dating..
.
.
.
.
"Akalain mong nakakabangon ka pa.. hahaha.."→ ang unggoy na si Orion..
.
.
.
.
"Totoo pala ang bulong bulungan sa kabilang dimensyon, na ang anak ni Azaria ay nasa mundo ng mga buhay.."
.
.
.
"Di ko akalaing may pagka tsismoso ka pala Faust.."→ litanya ko bago pa man ako sumugod sa kanya..
.
.
.
Bigla nalang dumilim ang paligid na halos kinagulat naming lahat.. Nilingon ko si Kei at ayun.. Nahihibang sa kaka-orasyon.. Tch..
.
.
.
"Eclipse?"
.
.
.
Hindi ko akalaing pwede palang gawin ng mga mangkukulam yun.. At dahil sa ginagawa nya, nagka ideya ako kung sinu ang gumagawa ng eclipse na nangyayari ng hindi lang isang beses sa isang bwan..
.
.
.
.
"Hahahahaha.. Akalain mong maiisip mo yon?"
.
.
.
"amaaaaaaaa!!!!!!"
.
.
.
.
Bumalik man ang anyo ko, aabutin parin ng ilang minuto bago gumaling ang mga sugat ko sa katawan.. Kakayanin ko kaya?

Ang mahalaga lang ngayon, hindi nya malaman kung nasaan si ina at Jiro.. Huminga ako ng malalim at sinubukan ko ang paghanap kay Zelle.. Nararamdaman ko na sya di tulad kanina na anyong mortal ako.. Alam kong ibang aura ang bumabalot sakanya at sigurado akong malaki ang tyansang nasa mundo sya ng kawalan.. psh.. Anu naman kayang gagawin nya dun?!
↭↭↭↭↭↭↭
Kei's POV

Walang kasiguraduhan kung kakayanin naming talunin si Faust lalo na't hindi naman ganun kadami ang alam kong orasyon.. Tch.. Nasan na ba si Izumi?! Aish.. sya pa naman ang may libro..
.
.
Malamang pinuntahan nya ang mangkukulam.. Para namang tutulong sya.. Matagal na nya kaming tinalikuran, nag aaksaya lang sya ng panahon..
.
.
.
Apoy at kidlat lang ang maitutulong ko kay Azazel, Wala naman akong ibang magagamit na orasyon dahil hindi naman ako malakas.. Si Yukino ang nag sisilbing enerhiya bagamat hindi ko kakayaning mag isa.. Nakahawak sya sa balikat ko habang walang habas naming pinauulanan ng apoy si Faust..
.
.
Habang si Orion naman, gumawa ng isang barrier na mag iiwas sa kapahamakan ng mga tao.. Hindi ko akalaing may taglay syang ganuong lakas..

Matagal na din ng gamitin ko ang talentong to.. Akala ko hindi ko na ulit magagamit buhat ng iwanan kami ng magaling na mangkukulam at ipamigay na parang hindi nya dugo't laman..

Hinding hindi ko makakalimutan ang araw ng pagtalikod nya at ang pag pangako ko sa sariling hindi ko pag huhusayan ang talento ng mga babaylan.. tch.. Mukhang pinagtatawanan na nya ko ngayon dahil sa mga ginagawa ko..

Alam kong hindi pa ito ang ganap na lakas ni Faust kaya hindi ko alam kung anu ang mangyayari samin oras na gumamit na sya ng mas malakas na pwersa..

Si Izumi nalang ang hinihintay ko, dahil sya ang tutulong sakin na gumawa ng mas malakas na orasyon.. Napaka tagal naman kasi nya.. Aish!!
↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭
Izumi's POV

Mukhang lagi nalang akong talunan.. Tch.. Kung bakit kasi si kuya lang ang may talento..

Ni hindi na ko maka tayo dahil sa mga tama ko mula ng subukan kong talunin si Azaria.. Oo nanay namin sya pero, wala naman syang pakialam samin kaya bakit ko pa sya tatawaging nanay o mama..

Ni hindi nga nya iningatan ang mga patatamaan sakin nung mag laban kami, anung klase syang ina?!
.
.
.
"Hindi na masama.. Habang tumatagal, humuhusay ka na din.."
.
.
.
Puna nya sakin habang ayon.. Hindi na ko halos makatayo.. Impakta talaga to.. psh..

Dumaan dito si Mirai kanina at sa itsura nya muntik ko na syang hindi makilala.. Alam ko namang hindi sya normal na tao, pero sobra naman yung pakpak, pangil at mahabang kuko.. Tinidor nalang ata ang kulang kakasa na sya sa halloween..

Epekto ba yon ng pagkakawala nya sa katawan ng matagal na panahon?
.
.
.
.
"Nga pala, bago ka umalis.. Sabihin mo sa kamahalan na ang anak nyang manika ay gising na.. Isang malaking kaguluhan kung pupunta sya sa mundo ng mga buhay sa ganung anyo.. Bilang ganti sa mensaheng ipapaabot ko, ibibigay ko ang sumpang kailangan nyo sa pag tapos kay Faust.. Mas mahalaga ang problema sa prinsesa ng kadiliman kumpara sa tampalasang yon.. Bilisan mo na at baka hindi mo na sila abutan.."
.
.

Alam kong nakakagulat ang mga sinasabi nya.. Pero napakahirap namang kumilos ng puro ka galos at halos hindi na makatayo.. Anu gagapang ba ko pabalik?!
.
.
.
.
.
Sa sobrang bilis, hindi ko namalayang naihagis nya na ko sa bukal na malapit sa kinauupuan nya.. At bago pa man ako makasigaw, nakikita kong humuhupa ang mga sugat ko sa katawan..
.
.
.
↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭

A/N

Pasensya na sa tagal kong mag update..
Hang hirap kaya mag isip ng susunod na mangyayari .. ╯ε ╰
.
.
Salamat pa din sa mga readers kahit na mabagal ako.. ≧﹏≦
.
.
Salamat din sa story votes at add ng story sa RL..  ̄ω ̄
Next UD ulit..

★★ⓨⓤⓦⓔ♕ⓚⓐⓦⓐⓘⓘ☆☆

THE DEVIL'S TWINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon