51 - Light Within Darkness

46 2 3
                                        

It was so cold yet, you were there to be by my side..

Mirazelle's POV

I never wanted anything but peace and order. I never thought of being in this situation as being a monster or something worse. I wanted to end this missery as much as possible but, I don't know how. All I can do is to hide and fear of things that might happen.
.
.
"Walang maitutulong ang pangangatal mo sa takot. Gamitin mo na ang tubig sakanya."
nagulat nalang ako ng mag salita si Viel. nagising ako sa reyalidad na nasa may gilid kami ng bangin matapos mawalan ng malay si Zel.
.
.
Agad kong pinatakan ng tubig ang bawat sugat nya malalim man o mababaw. Ilang oras din kaming nag hintay na magising sya. Humupa ang bawat sugat at gumaling ang bawat pilay nang makainom si Zel ng tubig mula sa balon.
.
.
Bumalik na ang dating kulay ng kanyang mga mata.. Napasinghap sya ng hangin na para bang kinakapos sa pah hinga..
.
.
"Andito si Uriel, batid kong ang anak ng babaylan ang nagdala sakanya ngunit sa anong kadahilanan?" Takhang tanung ni Viel kay Zel pero alam ko na kung bakit..
.
.
"Hindi ko nararamdaman ang liwanag, pwedeng dala ni Kei si Jiro para sa tubig ng bukal.. Delikado nanaman ang balak nya.. tch"
.
.
Bumuntong hininga ako dahil para bang wala ng katapusan ang mga suliraning dumarating.. Puro na lamang kaguluhan..
.
.
"Kailangan ko silang tulungan dahil sa pag labag ni Kei maari syang ikulong sa mundo ng kadiliman kung aabutan sila ng mga bantay sa kaharian ni ama.. Viel, maging tapat ka sa sumpa.. Ilayo mo si Mirazelle sa timog na bahagi ng kaharian, doon ko kayo pupuntahan matapos ang pakikipagtuos kay Uriel.."
.
.
Natakot ako pero wala namang mangyayari kung matatakot nalang ako.. Sumama ako Viel ng buksan nya ang isang portal.. Kailangan ko ng makabalik sa dati kong anyo, kailangan ko ng malaman kung paano..
.
.
"Buksan mo ang iyong puso't isipan.. Tanggapin mo ang pag tangis ng mga halimaw ng kadiliman.. Dinggin mo ang bulong ng hangin at palayain mo ang halimaw ng kawalan.."
.
.
.
Nabigla ako sa mga narinig ko, si Xielle ba yun? Pilit kong binabalewala ang lahat pero wala akong lakas para pigilan sya ni hindi ko kontrolado ang anyo ng halimaw ng kawalan.. Malapit nakong sumuko ng hawakan ni Viel ang kamay ko.. Sumambit sya ng ilang orasyon, sanhi upang bumigat ang aking mga talukap.. Lumiwanag ang mga mata nya hanggang sa mag dilim ang lahat sa aking paningin..
↭↭↭↭↭↭↭↭
Kei's POV

Hindi ko agad naramdaman ang presensya ni Xielle nung oras na tumapak kami sa portal bagamat mortal ang anyo nya.. tch
Pero huli na para sisihin ko ang sarili.. Ang kailangan ko nalang gawin ay unahan syang mahanap si Mirazelle at agad umpisahan ang orasyon.. Konti nalang ang nalalabing oras at magigising na rin si Uriel.. Natataranta at nalilito nako pero kailangan kong magpakatatag para sakanya..
.
.
Unti unti kong naaalala ang batang tinalikuran ko sa huwad na mundo. Ang paslit na hinamak ng mga halimaw at itinulak ng sariling ama sa kapahamakan para lamang sa mga orasyong kailangan ng salinlahi.. Ni hindi ko nanaising ipasa sa magiging anak ko ang talento ng pagiging isang babaylan..
.
.
Sa husay ng tubig na galing sa bukal, sapat na ang lakas ko para sa ilang orasyon ng mas mapadali ang pag hahanap namin ni Jiro..
.
.
Natagpuan namin sila agad na nasa loob ng isang yungib na waring nagtatago mula sa kung anumang halimaw.. Agad kong napunang magaling na ang mga sugat ni Zel kung kaya matitipid ko ang tubig na naitabi ko at si Mirai na walang malay katabi ng isang halimaw na animoy malaking ibon dahil sakanyang pakpak.. Tumayo sya at sasalubungin sana kami ng espada ngunit inawat na sya ni Zel..
.
.
"Dinala nyo din pala si Xielle dito.. Halos magtagumpay na sya kanina sa pag kuha kay Zelle.. Nakahanap ka na ba ng lunas?"-- kalmado nyang sinabi pero gigil na nakakuyom ang mga kamao.. si Zel nga ang nasa harap namin ngayon..
.
.
"Kung handa kang isakripisyo ang kaluluwa mo para kay Mirazelle, maari na nating umpisahan ang ritwal.."-- hindi magandang biro pero mukang alam na nya ang ibig kong sabihin..
.
.
"Hindi naman kailangan ng sakripisyo para bumalik sya sa dati.."-- si Viel na tinanggalan na ko ng karapatang ipahayag ang impormasyong isisiwalat ko na sana..
.
.
.
"Pag-ibig ang makakapag balik sa dati nyang anyo kaso lang may problema tayo.."-- mahinahon kong umpisa..
.
.
"Hindi nya pa alam kung anu ang emosyon na yon at kung paano nya malalaman ang magiging suliranin nating lahat.. tch" -- pag tapos ni Zel sa mga sinasabi ko..
.
.
Problema talaga kung paano namin ipapaliwanag kay Mirai ang lahat dahil masyado pa syang inosente sa mga bagay bagay.. Madaling ipadama ang pag-ibig ngunit mahirap maunawaan sa sarili kung pag-ibig ba ang nararamdaman para sa isang tao..
.
.
Madali lang sana kung kukunin ni Mirai ang emosyon ko, ngunit kailangan nyang maramdaman ito sa sarili nyang damdamin.. Isa pang suliranin namin ngayon ay si Xielle na nais gisingin ang halimaw ng kawalan.. Paano malalaman ni Mirai ang lahat kung wala syang malay ngayon at patuloy lamang na mahihimbing habang wala pa kaming matinong plano nila Zel?!
.
.
"Kung mapapaslang ko ba si Xielle, mababawasan tayo ng problema?"-- si Jiro na mukhang nag paplano ng padalos dalos..
.
.
"Kung kakayanin mong kontrolin si Uriel, magkakaroon tayo ng pagkakataon.. Pero paano mo naman gagawin yon?"
Magiging madali ang lahat kung kontrolado nya si Uriel..
.
.
Ilang oras lang ang itatagal ng orasyon para sa pag tulog ni Uriel sa pedestal, kailangan na naming makaisip ng plano.. Uubra sana ang iniisip ni Jiro pero sugal na maituturing ang lahat.. Maari naming ikapahamak ang lahat kaya kailangan naming maging maingat..
.
.
Matatapos pa ba namin ang mga suliraning ito? tch..

↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭
A/N:

ang tagal nanaman ng ud ko.. T-T sorna.. busy kasi ko ngayon.. 🐌💔
bawi ako ud.. pamako.. ✋

★★ⓨⓤⓦⓔ♕ⓚⓐⓦⓐⓘⓘ☆☆

THE DEVIL'S TWINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon