Zoe's POV
Andito ako ngayon sa classroom dahil naiwan ko ang Applied Economics book ko which is my next subject.
"May nakita po ba kayong Applied Economics book dito?" Tanong ko sa mga kaklase ko.
"Ah, Economics book ba? Andoon sa teachers table" sagot ni Kuya na naglalaro ng PSP.
"Salamat po" tsaka kinuha ko na ang libro.
Lumabas na ako ng classroom at bababa na sana nang hagdan ng may mabangga ako. Nahulog yung mga gamit ko.
✔Applied Economics Book
✔Business Marketing Notebook
✔Ballpen
✔My to-do list
✔Panyo"Ano ba!" singhal ko tsaka pinulot ko ang mga gamit ko.
Pagtingin ko kung sino. Ay, malas! Ba't siya pa? Sa lahat ng tao sa mundo ba't sa damuhong to pa.
"Hoyy Miss kasalanan ko bang lampa ka at di tumitingin sa daan"
"Excuse me... May pangalan ako at hindi yun Hoy... At anong lampa at di tumitingin sa daan? Ikaw yun oi!"
"Hoy Miss..... Payatot! Hindi ako Lampa at tumitingin ako sa daan! Paano magiging lampa ang isang gwapo?!"
"Ilang beses ko ba sasabihin na may pangalan ako hindi yun HOY!! At anong sabi mo Gwapo? G*GO ka mo!"
"Anong sabi mo G*go? Eh Gwapo ang sinabi ko. Bingi lang Miss? Mayroon akong spatchula doon pwede pangkuha ng dumi sa tenga.."
"Tse... Di mo na nga ako tinulungan kunin yung mga gamit ko.! Ikaw pa naman may kasalanan!"
"Ako? Tutulungan kang kunin ang mga gamit mo? Ano ako katulong? Eh kung ganun, swerte mo dahil gwapo ang katulong mo"
"Swerte? Duhhh.. Malas ang mangyayari sakin kung ikaw katulong... Makaalis na nga"
Bwesit na damuho yun. Peste talaga. Napaka-Ungentle DOG!!!! Yes Dog! It describes him. Magkaiba talaga sila ng kapatid niya.
Hayyzz... Bumaba nalang ako at pumunta sa Corridor.
Mika's POV
Andito ako sa Gym dahil naiwan ko ang Pom-Poms ko. Naalala ko andito lang yun sa bleachers eh.
*hanap
*hanap
*hanap
*hanap
*hanap
*hanap
*hanap
Ayun sa kabilang dako ng court. Sa bleachers nalang ako dadaan kasi may naglalaro. Lalakad na sana ako ng may tumamang bola sa ulo ko.
"Aray!!" Singhal ko. Ang sakit kaya.
"Asan yung bola Miss?" Tinignan ko ang nakatama sakin.. Bwesit na buhay naman o! Ba't sya pa?!
"Hanapin mo kaya! May mata ka naman siguro para maghanap, paa na pwedeng maglakad para maghanap at kamay na pwede kumuha ng nahanap!!"
"Eh, sa hindi ko nakita?"
"Hanapin mo!"
"Eh ayaw ko eh"
"Oh di wag!"
"Sige na miss asan yung bola?"
"Hanapin mo nga g*go!!!"
"Anong sabi mo miss, Gwapo? Salamat ha"
"My Ear Defection ka ba? Hindi Gwapo sinabi ko. G*GO! At ikaw yun"
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's SISTER?! (Sanders Series 2) - MAJOR REVISION
RomantikSabi nila swerte daw ako. Wanna know why? Simple, dahil ako lang naman ang kaisa-isang kapatid na babae ng mga tinaguriang Campus Bad Boys.. Mayayabang, Mayayaman, Mapang-asar, Womanizer, Playboy at syempre gwapo... Iba't - iba ang ugali nila. Yung...