Shivers

561 15 0
                                    

Zoe's POV

Hindi ko alam kung anong nakain ni Harvey at minadali kami ng umuwi ng Pilipinas. I wonder kung anong pagkain yung kinain niya matapos niyang magpaalam Kay Tita Jan na aalis muna siya pagkagaling namin sa resort.

Kakaupo ko lang sa sofa sa sala ng sumabog ang pintuan at iniluwa noon ang mapanganib na pagmumukha ni Harvey. Hindi dahil pangit siya, kundi ang dilim talaga ng ekspresyon niya. Parang kakain ng Tao.

It sent shivers to my spine.

"Pack your things" madilim na Sabi niya.

"Baki---" he cutted Hannah's words. "Just pack your fcking things, now!" sigaw nito. Agad na dumalo sina Hanry, Harry at Harold sa kanya at umakyat sila sa itaas.

Saka lumabas Si Tita Jan mula sa kusina. "What happened?" she asked, eyeing each one of us.

"Harvey happened, Tita" sagot ni Elle.

Minutes later, lumabas na ang mga lalaki mula guest room na inuukopahan ni Harvey at Hanry. Agad silang pumunta kay Tita Jan at Tito Gab sa kusina.

Agad na nagtanong si Elle, Divine, at Mika sa kani-kanilang mga kasintahan. Pero sinenyasan lang sila nito na mamaya na. Tumango naman sila at umupo ulit.

While streaming some videos, lumabas na sila sa kusina. Medyo humupa na ang mapanganib na aura ni Harvey. Mas kalmado na siya ngayon kumpara kanina.

"We need to go back to the Philippines, immediately" Harry announced. Kumunot ang noo ko. "Why?" tanong ko. "Basta, kailangan na nating umuwi" nakapikit na sambit ni Harold. Tinaasan ko lang sila ng kilay. "Bakit nga? We are supposed to stay here for 5 days, it's only been 4 days."

Tumapon ang tingin ni Harvey sa akin. "Pwede ba Pangit, making ka na lang. Kung Mahal mo Pa ang buhay mo, I suggest you pack your things." ani niya. And I tell you, it sent shivers through my spines. Again. Ngayon Pa Ako natakot ng ganito kay Harvey.

Napalunok ako at umiwas ng tingin.

Wala na kaming nagawa kundi ang mag-impake. Madaling araw kinabukasan ang flight namin. Connecting flights New York to Singapore to Philippines.

Andito na kami sa Pilipinas, nagshopping kami ng girls, at para na rin pag-usapan ang nangyari sa New York. Andito kami sa Starbucks at naghihintay sa order naming mga kape.

"So, kayo dahil mga boyfriend niyo na ang magkakapatid na iyon, I'm sure kinuwentuhan na nila kayo kung bakit tayo biglaang umuwi? So spill the bean" ani ko sa kanila. Ibinaba ni Divine ang cellphone niya.

"That's the thing Zoe, hindi ako sinabihan ni Harold kung Bakit. And i badly want to know" asik niya at sumimangot. Napatingin si Mika at Elle sa kanya. "Ikaw din? Ako nga rin di sinabihan ni Harry Eh" ngumuso naman siya at tumingin sa Waiter na dumating para sa mga order namin.

"Two Cappuccino for Zoe and Elle, One Americano for Divine and One Mocha Frappe for Mika" Sabi niya at ngumiti sa amin. Tumango naman kami saka Sya umalis.

"Ganun din Ako" Sabi ni Mika at sumipsip sa kaniyang Frappe.

Wala Si Hannah at Andrea dahil may ibang commitment sila. Wala rin Kaith dahil pagkauwi na pagkauwi namin dito Ay umalis agad siya pa-probinsya.

"Ugh! I really want to know why we need to go home so early! Like, God! We are there for 4 days and we intend to stay there for 5 days. Ang bitin!" I almost shrieked out. It's freaking annoying!

Kalaunan, because of our frustration, Lumabas na kami sa Starbucks at pumasok sa mga boutique para tumingin ng mga damit. And at the end of the day, we each have 5 or more bags of clothings from different brands.

"Okay, that lessen up my frustration." buntong-hininga ko. Tumango-tango naman silang tatlo. Sumakay na kami ng taxi at umuwi sa among kanya-kaniyang bahay, which is magkapit-bahay lang.



Maaga akong gumising kinabuksan para mag-jogging. Nagsuot Ako ng Jogging Pants, Itim na Racerback na pinatungan ng Varsity Jacket ko sa Volleyball. Tapos sinuot ko ang nakasanayan kong running shoes na Nike.

Nagpaalam Ako kay manang na magjo-jogging muna ako. Kumuha Ako ng Isang toast mula sa lamesa at Lumabas na ng building.

Nakaugalian ko na namagpatugtog ng music habang tumatakbo. Nasa may sports complex Ako nagjo-jogging. Marami na ang naglalaro ng iba't-ibang mga sports sa court at marami na rin ang nagjo-jogging katulad ko.

Isang oras na rin akong tumatakbo ng makaramdam Ako nang parang may nakamasid sa Akin, tumigil Ako at tumingin sa likuran. Nang wala akong makita, I resumed jogging pero my gut feel talaga Ako na may nakamasid sa Akin, and it's giving me goose bumps already.

Tagak-tak na ang pawis ng magdesisyon akong umuwi na. 7:00 na rin ng Umaga, Eight nagbubukas Si Mommy ng Salon at tumutulong Ako Doon. Habang naglalakad palabas ng Sports Complex, naramdaman kong may sumusunod sa Akin Kaya tumigil Ako at dahan-dahang tumingin sa likuran ko. Pero bago ko makita ang likod Ay may humawak na sa braso ko. Reflexes ko na siguro ng halos suntukin ko yung humawak sa Akin sa pag-aakalang kalaban iyon at umaatake. Pero nakahinga Ako ng maluwag at somehow felt a different kind of relief ng makita ko Si Harvey. Pero ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Bakit nasa labas ka?" asik nito sa Akin. "Galing akong Jogging pangit, at papauwi na sana" mataray kong tugon.

"Tsk. Delikado ngayon kaya wag Kang maglalabas sa bahay niyo unless may kasama Kang isa sa H7 O Ako" instant na tumaas ang kilay ko sa tugon niya.

"Anong delikado? Bakit delikado?" maagap kong tanong. "Basta, wag mo nang usisain. Kung Mahal mo ang buhay mo, sumunod ka na lang" Ayan na naman Yang linyahan na yan that sent shivers to me.

Wala na akong nagawa nang pinasakay niya Ako sa BMW Hybrid niya. Oi, bago to ah.

Mystery Man's POV

Letse! Bulelyaso na naman. Una sa New York ngayon naman itong Zoe. Kung di dumating ang Jupiter na yun, tigok na sana ang babaeng iyon ngayon.

One way to an enemy's downfall is by the one they love.

At kahit sinong tumingin sa ka nila, makakaramdam ng iba sa pakikitungo nila sa isa't-isa. Ang babaeng iyon ang pinakamainam na pain para sa pagbagsak ng Sanders Mafia at ng PLANETS.

Nakikita ko na ang tagumpay.

Humanda kayo Sanders Mafia, Dahil kami ang magiging dahilan ng pagbagsak niyo at kami na hihiranging Hari ng Underground world.

The Phantom Mafia will be your worst nightmare.

--------

Secret Mystery Man will be revealed next chapter.

At yung Name ng Mafia na kalaban ng Sanders Ay nareveal na chap na to.

Please hit the star button if it doesn't hurt that much. Kung na-appreciate niyo lang naman. No pushing...

Thank you~

Ciao!

The Bad Boy's SISTER?! (Sanders Series 2) - MAJOR REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon