Flashback

3.3K 52 0
                                    

3rd person's POV

Habang inaaway ng 4B si Hannah at pinagtitinginan na sila ng ibang estudyante. Si Zoe Willows, Mikaella Cosmos, Michelle Carter at Divine Myles, Grade 11 silang apat at magbe- best friends. Gusto nilang ibalita sa mga kuya ni Hannah ang nangyayari sakanya, kahit labag sa kalooban nila.

"Guys, isumbong natin ang 4B kina Harvey." suhestiyon ni Zoe.

"Sige Zoe. Magandang ideya yan." pagsang-ayon ni Mika.

"Ako na ang tatawag Kay H-Harvey--" ani Zoe na medyo nautal pa nang sambitin ang pangalan ni Harvey.

"Ako na ang tatawag Kay H-Hanry ha--" ganun rin si Mika sa hindi maipaliwanag rin na dahilan.

"Tatawagin ko si H-Harry. Una na ako" Gayundin si Elle na maunang umalis.

"Ahh. Tatawagin ko nalang si H-Harold" pulang-pula naman ang pagmumukha ni Divine.

"Tara na."

Pumunta si Zoe sa tambayan ng H7 o Handsome 7. Ang pinakasikat na grupo sa buong academy.

Nang makarating ay kumatok muna si Zoe. "H-Harvey?" tawag niya.

"Sino yan?"

"Ako si Zoe Willows ng ABM 1 Star Section. Meron lang sana akong sasabihin."

"Ano yung sasabihin mo? I love you? Be mine? You want to marry me?" Nakangisi nyang Sabi. Antipatikong pang it! Sigaw pa ni Zoe sa utak.

"Hoy hindi! Hangin mo ah! Kapatid mo ba si Habagat?"

Tinawanan lang ni Harvey si Zoe "Ano ba kasi yung sasabihin mo?"

"Kasi yung kapatid mo...si Hannah---"

"BAKIT ANONG NANGYARI KAY HANNAH?"

"Eh k-kasi pinagtutuloungan siya nina Dane doon sa may Locker"

"Sht. What is it now?" Sabi niya sabay takbo.

Dumako naman tayo kay Mika at Hanry.

Pumunta si Mika sa Gym, kasi nandoon ang Basketball team, nagpapraktis.

"H-Hanry!" nag-aalinlangan niyang tawag.

Tumingin ang buong Basketball team sa dako ni Mika.

"Oy si Mika pala to oh. Chics mo?"

"Chikc ko? Nah, not my type" Tumingin ulit si Hanry sa court.

"Even she's a cheerleader?" Tumango naman si Hanry.

Sumigaw na si Mika sa sobrang inis. "HANRY SANDERS! YUNG KAPATID MO! SI HANNAH!---"

Napabaling ulit siya kay Mika. "Bakit anong nangyari kay Hannah!"

"Pinagtutulungan lang naman siya ng 4B Sa may locker" may halong sarkasmo ang pagkasabi ni Mika.

"Sht! Ano na naman to? Team break muna kayo! Pupuntahan ko lang kapatid ko!" anunsyo niya sa buong team.

"Yes Captain" agaran namang sagot nang buong basketball team.

Ngayon kay Elle at kay Harry naman tayo.

Pumunta siya sa canteen ng campus at nadatnan niya si Harry na may kahalikan na babae.

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Excuse me, pwede ko ba kayo maistorbo?"

"Ano yun?" baling ni Harry sakanya.

"Kasi yung kapatid mo...si Hannah kasi---"

"Anong nangyari kay Hannah!"

The Bad Boy's SISTER?! (Sanders Series 2) - MAJOR REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon