Hint of Feelings

647 17 0
                                    

Hanry's POV

Kanina pa tahimik ang bahay. Nakatambay kaming lahat sa sala. Si Jace ay nasa kusina at tinutulungan si Tita Jan.

Biglang tumunog ang cellphone ni Hannah.

/: You think you're real cool (You're not)
    You think you're real co-o-o-l:/

Pinatay niya agad ang tunog at sumenyas Kay Zoe na sasagutin lang niya ang tawag. Narinig namin ang pagsinghap ni Harold,

"Look, Divine..  I'm sorry kung hindi kita agad na napakilala. I was just excited to see her again after 5-6 years.." Nagsimula na siyang mag-explain.

"Yeah. Elle Ko, please... I'm sorry, Hindi ko talaga intensyon yun. Actually, gusto kitang ipakilala pero pumasok na kayo" si Harry ang sunod na nag-explain. Hayz! Ang hirap talagang magka-girlfriend. Ang rami mong iisipin.

Dumapo ang tingin ko Kay Mika na malalim ang iniisip. Naalala ko pa kanina ang expression niya ng tanungin ni Tala kung girlfriend ko ba siya.

"Ah, so kasalanan ko pa na pumasok ako. Ganun ba, Harry?" Galit na tanong ni Elle.

Hindi nakaligtas sa akin ang mapait niyang pag-ngiti Kay Tala.

Hindi masyadong nagsalita ang iba pero batid ko'y grabe parin ang tensyon. Pero, isang saglit lang ay nakita naming nagyakapan na si Harold at Divine. Mababasa pa rin sa bibig ni Harold ang nga katagang 'sorry..'

"Elle ko..." Bumaling naman kami kay Harry na niyakap si Elle. Alam niyo sa  totoo lang ay para kaming audience ng sinehan. Nanunuod sa dalawang kwento ng pag-ibig na sinubok ng panahon.

Duh! Drama! Ay baliw ka na Hanry. "Sige na nga, Harry ko..." Nilalanggam ako! Jusko! "Teka nga! Audience ba kami dito?" Tanong ni Mike. "Hindi. Manlandi ka nga ron!" Sigaw ni Harold. "Wala naman akong lalandiin eh..." Kunwaring pagiginh dismaya ni Mike. Nakita naming tumayo si Andrea. "Sundan ko lang si Hannah..." Paalam nito.

"Guys! Luto na ang pagkain!" Rinig naming sigaw ni Jace. Unang tumayo, syempre, si Zoe at Mika. "Baboy talaga..." Bulong ko pero loud enough para marinig ni Mika. Lumingon siya sakin at nagtaas ng kilay. "Paki mo? Ha, Kapre!" Sigaw niya sabay irap.

Nagkwentuhan kami sa hapagkainan. Nang dumating si Hannah at Andrea ay kinuwento niya ang pangangamusta nina Mommy at Daddybsa amin.

Pagkatapos kumain ay pumasok kami sa kanya kanyang kuwarto na naka-assign sa amin. Kasama ko si Harvey sa kwarto. Si Harry at Harold sa isa, magkasama naman si Mike at Ivan. Habang si Daniel ay sa kwarto ni Jace. Ang girls, di ko alam set-up nila pero I know na magkasama sina Elle, Divine at Kaith sa iisang kwarto.

Itong si Harvey ay busy sa paglalaro ng online games. Tumingin ako sa phone ko at kinuha ito. Nandoon lang kasi ito sa side table. Kinulikot ko ang gallery ng mahagip ko ang litrato namin ni Tala.






Flashback..

Lumabas ako sa bahay nina Tita Jan at Tito Gab. Nandito kasi kami para magbakasyon. Nasa loob si Mommy at Daddy pati na rin sina Harvey, Harry at Harold. Naiwan naman sa Las Vegas si Hannah. I am 6 years old.

The Bad Boy's SISTER?! (Sanders Series 2) - MAJOR REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon